Chapter 20.5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkatapos naming kumain ay hindi naman agad ako nakatulog. Malakas pa din ang ulan. Kailan ba 'to titigil?

 

At kailan ba ulit siya tatawag?

 

Hindi ko magawang bitawan ang cellphone ko. Baka kasi tumawag ulit siya. Baka hindi na siya galit.

 

Ilang beses akong nagpabaling-baling sa higaan. Nahihirapan akong maghanap ng komportableng pwesto kahit ako lang naman mag-isa dito sa kwarto. Nagkamot ako ng ulo at sa huli ay napabangon na lamang.

 

Ang hirap matulog ng may iniisip.

 

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Parang gusto ko na naman magkape. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad papunta sa kusina. Bumungad sa akin ang madilim na sala ni Joy. Tanging ilaw lang mula sa cellphone ni Seola ang maliwanag. 

 

Gising pa siya?

 

Nagvolunteer naman ako kanina na pwedeng ako nalang ang matutulog sa sofa at siya na sa guest room. Sanay naman kasi ako. Pero nagpumilit ito na siya nalang. Hindi na lang ako nakipagtalo dahil gusto ko na talagang magpahinga.

 

Yun nga lang hindi naman ako makatulog.

 

"Engineer?" tanong niya ng magawi ang paningin niya sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanya kahit hindi ko alam kung makikita niya ba.

 

"Ako nga" sagot ko bago magpatuloy sa paghakbang.

 

"Sa'n ka? Di ka din ba makatulog?" tanong niya ulit. Tumango ako.

 

"Magkakape lang para mas lalong hindi makatulog" narinig ko ang pagtawa niya sa biro ko.


 

Nagtimpla agad ako ng kape pagdating ko sa kusina. Gustong-gusto ko talaga ang lasa ng black coffee. Yung feeling na para kang tumatapang at kayang-kaya mo siyang ipaglaban?

 

Chos.

 

Pinatong ko sa lamesa ang tasa at humila ng upuan. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng kape pagkatapos kong humigop. Masyado pa pala ding mainit.

 

Tsk. Napaso tuloy ang dila ko dahil sa katangahan!

 

Masama kong tinitigan ang kape. Matapang nga. Kahit ako kinakalaban!

 

May narinig akong tumawa kaya napataas ang tingin ko dito. Napairap ako.

 

"Ba't ka nandito?" pero hindi niya ako sinagot. Humila din ito ng upuan kaharap ko at bumuntong-hininga.

 

"Nagalit si Doc?" umiwas ako ng tingin at hinigpitan ang hawak sa tasa. Gusto kong magalit sa kanya at sisihin siya pero hindi ko magawa. Unfair naman kasi 'yon sa kanya. Siya na nga yung tumulong, sa kanya pa ang sisi?

 

"Sorry" bulong niya ng hindi ako sumagot. Umiling ako.

 

"Wala ka namang kasalanan"

 

"Pero kasalanan ang magustuhan ka" napatingin ako sa kanya. Ang hilig niya talaga akong biglain. Hirap pa naman ako palaging maghanap ng sasabihin sa mga ganitong sitwasyon.

 

"I don't know what to say.."

 

"Then dont. Pakinggan mo nalang ako. Sorry kasi hindi kita magawang iwasan. Makulit ako eh. Akala ko kapag umamin ako sa'yo madali nalang para sa akin ang lahat. Pero mas lalo lang nadagdagan. Gusto kita makita palagi. N-namimiss kita kapag h-hindi kita naaasar."

 

Nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ako sanay na ganito siya. Seryoso. Malungkot. At kagaya ko, nasasaktan. Ibang-iba siya ngayon kaysa sa unang pag-amin niya. Walang nagbabadyang ngisi sa mukha niya.

 

Masyado na bang malalim? Please dont.

 

"I decided na lapitan ka nalang palagi hanggang sa mawala. Pero lumala lang Engineer eh. Unti-unti akong nalulunod. H-hindi na ak-

 

"Tama na." pagputol ko sa kanya. Hindi ko kaya ang mga naririnig ko. Baka masaktan ko siya. I heard her small chuckle as she wipes away the tears about to roll down her eyes.

 

. Shes crying!

 

"Kung nasa isang nobela tayo siguro marami na ang nagagalit sa akin hahaha. Alam ko naman eh. Hindi ako ang bida sa kwentong 'to. P-pero hindi basta-basta ang role ng isang second lead. Nakakaputangina ang sakit"

 

"Seola…"

 

"Pasensya na. Nadala lang ako sa nabasa ko." nakagat ko ang sariling labi. Ilang tao pa ba ang kailangan kong saktan?

 

May nagawa ba akong masama sa past life ko kaya nararanasan ko 'to? Una ang kaibigan ko ngayon naman si Seola. Gusto kong magbiro at sabihing napakaganda ko naman pala pero hindi naman kasi talaga nakakaganda ang makasakit ng tao.

 

I swallowed hard. Ayoko man magsalita pero siguro ito ang dapat naming gawin.

 

"K-kung hindi mo'ko kayang iwasan s-siguro ako nalang. Ako na mismo ang lalayo sa'yo." 

 

Dahil kapag patuloy lang kaming maglalapit, masasaktan si Doc. At 'yon ang hindi pwedeng mangyari. Dahil kapag nasaktan siya ay doble naman sa akin. Hindi ko alam ang mangyayari kapag napuno siya at iwan ako. Nagalit pa nga lang siya ay halos mabaliw na ako sa kaiisip. Gustong-gusto ko na siyang puntahan at magsorry..

 

Napatungo si Seola. Hindi ko na makita ang mukha niya pero alam kong umiiyak siya dahil sa paggalaw ng balikat niya. Tumayo na ako. 

 

Hindi ko na magawang inumin ang nilamig kong kape.

 

"Goodnight" I said softly. Tiningan ko pa siya ng isang beses bago ako maglakad pabalik ng kwarto. Pero nakakatatlong hakbang pa lamang ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

 

Sinubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang hawak niya. Piste ang lakas!

 

"Ano ba Seola? Bitaw!" bulyaw ko. Kung patuloy siyang magiging ganito ay wala akong magagawa kung hindi ang magalit ng tuluyan sa kanya.

 

Totoong naiinis na ako.

 

"Last na. Promise" nanghihinang bulong niya. Ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa leeg ko. Nanghina ako.

 

"Bitawan mo na ako please" pagmamakaawa ko dahil wala talaga akong lakas para itulak siya. Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagkalma at sa wakas ay tuluyan ng bumitaw.

 

Nakahinga ako ng maluwag.

 

"Don't do it again. I'm begging you" naiiyak kong pagsusumamo sa pangalawang pagkakataon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

 

"Please?" pag-uulit ko nang hindi siya sumasagot. Naramdaman ko ang paggalaw niya at tumayo sa harapan ko. Ayoko siyang tingnan. She held my cheek and made me face her. Napansin ko ang pamumula ng gilid ng mga mata niya.

 

"Hinda na. Wag ka na umiyak." she said silently and gave me a soft kiss on my forehead. 

 

Pinanuod ko lang ang paglayo niya hanggang sa unti-unti na siyang nilamon ng dilim. I closed my eyes.

 

I hope she finds someone else better than me. She loves hardest and I don't deserve it.





 

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakalimutan ko palang ibaba ang kurtina kagabi. Mas pinili ko nga palang panuorin ang ulan habang nag-iisip hanggang sa makatulog. Hindi ko namalayan.

 

Bumangon ako mula sa pagkakadapa. I yawned. I think kulang pa ang tulog ko. Naglakad ako papuntang banyo nitong room habang hinihimas ang kumakalam kong tiyan.

 

Wala akong ayos na kain kagabi. Sana naman ngayon makisama 'tong tiyan ko. Lalo na susunduin ako ni Doc.

 

Si Doc!

 

Mabilis akong naghilamos at nagmumog. Mabilisan din ang ginawa kong pagsuklay. Pinalibot ko ang buhok sa tuktok ng ulo ko.

 

Tumingin agad ako sa sala paglabas ko. Nakatupi na ng maayos ang kumot na ginamit ni Seola.

 

Gising na din siya?

 

Mas lalong kumalam an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi