Joy

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy patambay" napangiti ako ng makita ko ang gulat sa reaksyon ni Wan. Napahawak sya sa dibdib nya.

 

"Anak ng kahoy!" sigaw nya.

 

"Ayan magkape ka pa masyado kang magugulatin" humila ako ng upuan.

 

"Wag mong hilahin bagong floorwax palang yung floor!" reklamo niya pero hindi ko ito pinansin.

 

"Anong gawa mo?" tanong ko habang sinisilip ang pinagkaka abalahan nya sa kanyang laptop. Napangiwi ako sa nakita ko. "Tsk numbers" umirap naman sya.

 

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" inayos nya ang eyeglass na suot at bumalik sa ginagawa.

 

"Hinatid ko si Seul" pinagmasdan ko ang kabuuan ng classroom nya. Nakahanay ng maayos ang mga upuan. Mahihiya kang tumapak sa sobrang kintab ng floor. Masarap sa mata ang kulay asul na kurtina sa bintana. May mga ibat ibang uri din ng halaman sa bawat sulok. Plantita!

 

"Tapos?" nilingon ko sya. Iniwas nya bigla ang tingin ng mahuli ko syang nakatitig sa direksyon ko.

 

"Tapos dito ko sya hihintayin. Kukunin lang naman nya yung mga gamit nya doon" tumango sya. Hindi ba sya nahihilo? Pero infairness ang cute nyang tingnan habang seryosong nagtitipa sa laptop. Palipat lipat ang galaw ng mga mata nya sa keyboard at monitor. Mukha syang hamster na naglalaptop! Natawa tuloy ako.

 

"Bakit dito?" nagsalubong ang kilay nya ng makita ang pagpipigil ko ng tawa. "Anyare sayo?"

 

"Nandito ako kasi mas gugustuhin kong guluhin ka kaysa tumunganga doon habang hinihintay ang magaling mong kaibigan. Natatawa ako kasi ang cute mo" 

 

"Cute mo mukha mo" mas lalo akong napangiti ng mapansin ko ang pamumula ng pisngi nya. Hindi na ako nagtaka. Ganyan talaga sya kapag nakakatanggap ng compliments. Masyado syang mahiyain.

 

"Yiee kinikilig" pang aasar ko.

 

"Tigilan mo'ko Ligaya" at alam kong pikon na sya tinawag na nya akong Ligaya.

 

"Init ng ulo mo. Eh kung ipasa mo nalang lahat ng estudyante mo para di ka na mahirapan?" suggestion ko sa kanya. Umangat ang kilay nya at hinarap ulit ako.

 

"Eh kung hindi mo kaya ako ginugulo dito? Kakausapin ko talaga si Kuya Guard sasabihin kong iban ka dito" sumimangot ako.

 

"Ang sama mo."

 

"Ang gulo mo"

 

"Ang liit mo",

 

"Damulag ka"

 

"Maganda naman"

 

"Wala namang jowa"

 

"Bakit ikaw meron? Wala ka ngang crush eh" natigilan sya. Mas lalo pa syang namula. Nanlaki ang mata ko. "Hoy meron??" umiling iling naman sya.

 

"W-wala busy ako" pinanliitan ko sya ng mata. Sa ilang taong pagkakaibigan namin, wala akong narinig sa kanya na may nagustuhan o nagugustuhan sya. Baka meron pero hindi nya lang sinasabi? Imposible namang wala.

 

"Sabihin mo lang kung meron" napatigil sya sa ginagawa at nilingunan ako.

 

"Bakit naman?" ngumiti ako sa kanya.

 

"Syempre para makilatis natin"

 

Totoo yun. Masyadong mabait si Wan para mapunta lamang sa gago. Napakswerte ng taong mamahalin nya.  Feeling ko kapag nagkagusto 'to si Wan magtatagal eh. Ugali palang nya alam mo nang nasa mabuti kang tao.


 

"Ayoko baka awayin mo" 

 

"Di mo sure" umiling iling sya.

 

"Eh ikaw?" tanong nya. Natigilan ako.

 

"Anong ako?" tuluyan nya na akong hinarap.

 

"Uso magmove on" napaiwas ako ng tingin.

 

She knows.

 

Alam nya ang nararamdaman ko doon sa isa. Matagal na. Hindi ko alam kung paano. Siguro maging sya ay nakahalata? Maliban lang doon sa isa dahil napakamanhid nya!

 

Pero kahit naman gusto ko si Seulgi at kung sakali man na ganoon din sya sa akin, nakakatakot sumugal. Nakakatakot isugal ang pagkakaibigan namin. Maraming magbabago kapag umabot kami sa puntong iyon. Kaya hanggang ngayon, patuloy ko pa ding nilalabanan ang nararamdaman ko sa kanya.

 

 At mabuti nalang hindi nya ako gusto.


 

"Ginagawa ko na" tumango sya.

 

"What if umamin ka nalang?" hinampas ko sya. "Aray naman nagsasuggest lang yung tao!" reklamo nya habang hinihimas ang kanyang brasong hinampas ko.

 

"Hinding hindi ko gagawin yan"

 

Ayoko.

 

"Paano ka makakapagmove on sige nga?" nakataas na kilay na sabi nya.

 

"Pwede namang magmove on nang hindi umaamin"

 

"Di mo sure" panggagaya nya sa sinabi ko.

 

Kailangan ba talaga yun? Ayokong umamin sa gagong iyon baka pagtawanan lang ako. 

 

"Wag mo kasing pangunahan. Loko loko yun pero hindi nya magagawang ipagsawalang bahala ang feelings mo." napabuntong hininga nalang ako.

 

Bakit kasi sa dinami dami ng taong magugustuhan ko sa kaibigan ko pa?

 

Ang hirap! 

 

"Bahala na" nasabi ko nalang. Tiningnan ko sya. "Kaya ikaw wag na wag kang maiinlove sa kaibigan mo okay? Kung ayaw mong maranasan ang paghihirap ko" umiwas sya ng tingin at humarap ulit sa monitor. Akala ko magtatrabaho na ulit sya ngunit tumitig lamang sya doon.

 

"K-kayo lang naman ni Seul kaibigan ko"

 

"Kaya nga baka mamaya inlove ka na pala sa kanya hayop na osong yun" natawa naman si Wan.

 

"Hindi ba pwedeng sayo?" 

 

…….

 

"Joke lang! Eww" bawi nya ng mapansin nya ang pagkagulat ko. Alam ko namang biro nya lang yun pero bakit natigilan ako? Siguro dahil hindi ko inaasahan ang sagot nya. Sa apat na salitang sinabi nya at sa segundong iyon, ibang Wan ang nakita ko.









 

"Waaaaaan!!!!" sigaw ko.  Muntik pa akong masubsob sa sahig kung hindi ko lang naitukod agad ang isa kong paa. 


 

Nooooo

 

Ano na naman bang nagawa ko?


 

Naamoy ko agad ang niluluto ni Wan paglabas ko ng kwarto. Iisang dorm lang kasi kami si Seulgi lang naiba 

 

Si Seulgi! Jusko naman.

 

"Anong nangyari?" nag aalalang salubong ni Wan. Kung normal lang 'to na araw tatawanan ko na naman ang itsura nya. Nakasuot sya ng apron na may design na strawberries, may hawak pa syang sandok.

 

"Tingnan mo" pinakita ko sa kanya ang cellphone ko.

 

"Uhh cellphone?" 

 

Tangina!

 

"Basahin mo kasi!" naiinis kong sambit. Binatukan naman nya ako.

 

"Tanga anong mababasa ko sa black screen?" napakamot ako sa ulo.

 

"Wait" in-on ko ito at hinarap ulit sa kanya. Napapikit ako. Ayoko na.

 

"Seulgi can we talk?" napasigaw ulit ako.

 

"Ahhhhh-ampp" tinakpan nya ang bibig ko. 

 

"Ang ingay mo kanina ka pa sumisigaw-aw!" napasigaw din sya dahil kinagat ko ang palad nya. Nalasahan ko pa.

 

"Ang dugyot Wan! Alat ng kamay mo" kinalikot ko ulit ang cellphone ko.

 

Call history

 

Nang makita ko ito, pumikit ulit ako at hinarap ito sa kanya.

 

"Tinawagan mo si Seulgi alas dose ng gabi. Natapos ala una. Wow nagtsismisan kayo ng hindi ko alam?" sinamaan ko sya ng tingin. Hahampasin ko sana sya pero mabilis syang lumayo.

 

"Wan kasi!" kainis parang hindi nya alam kung bakit ako ganito ngayon.

 

"Ano ba kasing pinoproblema mo? Ayan kasi maglasing ka pa!" tumalikod na sya at bumalik sa kusina. Sumunod ako. 

 

"Anong gagawin ko? What if may nasabi ako sa kanya? Or worst….

 

No! Ayokong isipin. Hindi pwede. Sana hindi ako umamin. Please.


 

"Goodmorning mga mahal kong kaibigan!" nanlamig ang buong pagkatao ko pagkarinig ko sa boses nya.

 

Punyeta bakit ang aga naman nya? 

 

"Oy Seul grabe parang walang hang over ah" nanatili lamang akong nakaharap kay Wan. Naiinis ako sa ngiti nya. Halatang nang aasar! 

 

"Si Joy lang naman ang hayok sa alak. May pagkain na ba?" lintek hindi ako makahinga. May alam ba sya? Anong sasabihin ko? What if  asarin nya ako? Gusto ko nalang lumubog.

 

Bakit kasi tinawagan ko? 

 

"Nagluluto palang." sagot ni Wan. Pabilis ng pabilis ang kalabog ng puso ko. Nakikisabay sa bawat hakbang na ginagawa ng taong nasa likod ko. Ramdam ko ang unti unti nyang paglapit.


 

Please…


 

"Hoy anyare sayo?" napaigtad ako nang banggain nya ang balikat ko. Hindi ko sya magawang tingnan.

 

"Natutulog pa ako wag ka magulo" mahinang sagot ko. Lintek na palusot! Pareho silang natawa. Napaubo pa ang katabi ko. Ubuhin ka sana habang buhay hayop ka!


 

"A-anong..hahahaha lasing ka pa ba?" hinihingal nyang tanong at ang sira ulo inilapit pa ang mukha sa akin. "Tingin ng tulog" hinawi nya ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Mabilis ko namang inalis ang kamay nya.

 

"Punyeta kasi! Bakit ang aga mo?" naglakas loob na akong harapin sya. Nawalan na ako ng choice. Bahala na. Naabutan ko syang nakanguso.

 

Yung labing yan!

 

"Ayaw nyo na ata ako dito eh" umirap ako.


 

"Arte mo" napawi ang pagnguso nya. Napalitan ng ngiti.

 

"Kulit mo. Alam mo ba Wan pinuyat lang naman ako ng damulag na 'to kagabi? Sab-

 

"Anong sinabi ko?" tanong ko agad. Ngumisi ang walanghiya! Kinabahan ako lalo.

 

"Kumain muna tayo" singit ni Wan sa usapan. Nagsimula na syang mag ayos ng lamesa.

 

"Tama kumain muna tayo grabe Wan alam na alam mo talaga paano ako alagaan. Thank you sa pasoup" lumapit sya dito at hinalikan si Wan sa pisngi. Napangiwi ako.

 

"Ang landi mo!" reklamo ni Wan habang pinupunasan ang pisngi kung saan sya kiniss ni Seulgi.

 

Malandi silang dalawa!


 

"Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan?" tanong ng gago habang nagbubukas ng ref. "Anong meron dito? Hmm"..

 

Seryoso bang may gusto ako sa patay gutom na to? Na walang ibang bukambibig kung hindi pagkain?


 

"Ano nga kasi y-yung sinabi ko sayo"


 

"Curious ka?" sagot nya nang hindi nakatingin. Nanatili ang atensyon nya sa ginagawa. 

 

Nakakayamot sya! Habang tumatagal parang nawawala yung kaba ko dahil sa pagkainis ko sa kanya.

 

"Sabihin mo na kasi Seul para matapos na. Gusto ko nang mag almusal" impatient na sambit ni Wan. Tumawa lang si Seulgi na ngayon ay nakapamburaot na ng saging.

 

"Sabi nya….."









 

"Isa pang tawa mo dudurugin ko bungo mo" pagbabanta ko kay Wan. Nakauniform na sya at ready na pumasok. Hinihintay nya nalang ulit si Seul. Palagi kasi silang nagsasabay. Habang ako naman ay nahuhuli dahil alas nuebe pa nagsisimula ang klase ko. Hindi ko nga alam kung makakapasok ako. Masakit pa din ang ulo ko. Dumadag pa sya. Kanina nya pa ako inaasar doon sa sinabi ni Seulgi. Na sinabi ko daw kagabi.


 

"Eh k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi