Joy

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil magkaservice na kami ngayon ni Joy!

Naalala mo yung attitude na ayaw maglampaso na klasmeyt ko?


Oo sya!


Kaninang umaga nagtaka ako nung may ibang sinundo si Kuya Pipoy. Tumigil kami sa malaking bahay doon sa kanto nung barangay namin. Medyo malayo sya sa bahay namin. Tinanong ko si Kuya kung anong ginagawa namin dun sabi niya may hinihintay daw. May kasama na daw ako.


Eh di natuwa naman ako!.


Pero yung excitement ko nawala nung makita ko kung sino yung lumabas sa gate!


Si Joy tabachoy!


Tapos nung makita nya ako sa loob ng tricycle nagulat sya! Matagal pa sya bago umupo kasi gusto nyang agawin yung pwesto ko! 


Na tagumpay naman nyang naagaw.
Asar sya Sarah G!


"Mommy gusto ko dun please" pag iinarte nya sa tapat ko. Nasa may bandang gilid kasi ako nakaupo ng tricycle yung malapit sa labas. Tinuro nya ako nang nakanguso. Akala ba nya cute sya?

"May nakasit na dyan baby" pagrarason ng Mommy nya. 


Thank you Mommy! Dapat ganyan hindi yung sunod sa layaw tong tabachoy na to? Ang laki laki kung makapag inarte wagas. Malelate na ako! 

."Ehhhh"
Grabe hindi talaga sya natinag! Ayaw nyang pumasok sa loob nagpapadyak pa sya  doon!
Gusto kong sabihan si Kuya na iwanan nalang sya kaya lang nung hinanap ko si Kuya andun sa may tindahan naninigarilyo! Jusko naman Lunes na Lunes naiistress ako.

"Ahm Ne pwedeng dyan nalang sya? Hindi kasi ito titigil eh baka malate pa kayo"

Binabawi ko na yung THANK YOU KO! Talagang yung anak nya ang masusunod. Kung kay mama 'to nakurot na nga ako di ko pa nakuha gusto ko!
Wala na akong nagawa kung hindi ang umusog para makaupo na sya. 

"Bye Mommy. Wala na po ba akong morning star?" tinapat nya sa mommy nya yung mukha nya.
Nye nye nye morning star! Muta lang yan samin eh.
"Wala na. Sige na galingan mo sa school ah wag pasaway kay teacher"

Ay naku Mommy pag iinarte lang alam nya gawin! Hindi po yan naglalampaso. Hindi yan marunong magwalis. Kung magwawalis man iwan iwan pa! Halos ako yung magwalis buong classroom kasi sinusundan ko yung mga iwan nya na kalat. Gusto kong magsumbong kaya lang masyadong mahal ng Mommy nya si tabachoy ako pa lumabas na masama!

Nakasimangot lang ako sa tabi nya buong byahe. 
Hindi ko sya kinakausap at ganun din naman sya. Nung makarating kami sa school, inunahan ko sya sa paglabas. Natapakan ko ata sapatos nya dahil narinig ko ang mahina nyang
"Ouch"

Heh wala akong paki inagawan nya ako ng pwesto!

Pagpasok ko nang gate nagliwanag ang mukha ko ng makita ko si Ate Irene!<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
26 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi