Chapter 6

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

“May naghahanap  sayo Engineer Kang” 

Nasa kalagitnaan ako ng site meeting nang marinig ko ang tawag sa akin sa labas. Lahat ng mga trades na nakikinig sa akin ay napadungaw din. Nakapalibot kami sa isang mahabang table. Nakapwesto ako sa dulo. Nasa second floor ang aming construction meeting kung saan dito nagtitipon tipon ang lahat ng mga trades na kasama sa project.


Sino naman kaya yun? Tinanguan ko ang tumawag pagkatapos ay binalik na ulit ang atensyon sa mga nakikinig.

“That’s all I want to say. I hope our Team will give their best to this big project. Can we trust each other?” sabay sabay naman silang tumango. Nagpaalam muna ako sa kanila bago ko tapikin sa balikat ang isa ko pang kapwa Engineer. 


 Nagpalinga linga ako sa labas. Saan yun? Bumababa ako mula sa second floor ng hospital.  Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng matanaw ko ang isang pamilyar na likod. Huminga ako ng malalim. Ano namang ginagawa nya dito? Tumikhim ako upang kunin ang kanyang atensyon. Napaharap sya sa akin at kagaya ng una naming pagkikita, suot na naman nya ang isang nakakaasar na ngiti. Gusto ko syang irapan kung wala lang kami sa trabaho. 

“Long time no see Ms. Engineer. How are you?” nakangiting aniya. Mas lalo pa syang lumapit sa akin at agad naman akong umatras. Amoy na amoy ko ang pabango nya. Amoy lalaki. Matapang. Masakit sa ilong! “Grabe  ‘to wala akong sakit huy” nakalabing pahabol nya nang makita nya ang pagkusot ko sa ilong.

Bakit ba ang hilig nyang lumapit?

“What are you doing here Ms. Kim?” tanong ko nalang. 

“Bakit? Bawal ba ako dito?” 

“Hindi naman” 

“Yun naman pala eh”

“Dapat nagsabi ka. May number ka sa akin diba?” tumititig sya sa akin na animoy may sinabi akong kakaiba. Pinaloob nya ang mga labi.  Nagpipigil ng ngiti. 


“So dapat pala nag aupdate ako sayo?” tumango ako. Nanlaki ang mata nya. Ano bang iniisip nya? 
“ Crush mo na din ako?” tinuro nya ang kanyang sarili. Napakamot ako sa ulo. Juskopo! Parang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

“ You should give a heads up to me related to our project, that’s all. Kagaya ngayon, nasa site meeting ako kung nagsabi ka sa akin eh di sana nasabihan kita kung anong oras dapat tayo mag uusap” paliwanag ko. Nagulat sya. Kamot batok na sumulyap sa taas.

“Im sorry. Actually… Gosh nevermind.  So youre on a meeting? You can go back there I’ll just walk around while waiting”

“You can join naman?” suhestiyon ko. Natawa sya.


“Wag na. Marami na akong iniisip wag na kayo dumagdag” pagbibiro nya pa na sya lang ang tumawa. “Psh wag ka nga masyado magseryoso hindi bagay sayo?” Sira ulo!

“Hindi na. Ano bang pinunta mo dito”? tanong ko. Nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman sya agad. Pansin ko ang suot nyang flat boots na itim. Wala din syang suot na hard hat. Tinanggal ko ang akin at binigay ito sa kanya. “Suotin mo “to baka kung mapaano ka dyan”. Tiningnan nya muna ako bago nya ito mabagal na kinuha.

“Mas maganda siguro kung ikaw mismo magsusuot sa akin nito” mapang asar na sambit nya. Naramdaman kong hindi na sya nakasunod sa akin kayat napatigil ako. At ang piste hindi nga! Nakamot ko ang pisngi. 

“Ano bang trip mo? Suotin mo na yan. Delikado magpalakad lakad dito baka mahulugan ka dyan ng kung ano!” saway ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang sumunod sya. Akala ko mang aasar pa eh. Tumalikod na ako.

“Hintayin mo kasi ako!” binagalan ko na ang paglalakad. Nakahabol naman sya. May naririnig akong sumisipol sa di-kalayuan. Tiningnan ko ng masama yung mga lumalanding construction worker na sa tingin ko ay mga wala pang asawa. Agad naman nilang iniwas ang kanilang mga tingin. Mga kabataan talaga! Narinig ko pa ang mahinang pag aray ng isa, napukpok ata ng martilyo. Sipol pa! Tiningnan ko ang kasama ko. Nakablack spaghetti strap top ito. Nakasampay sa kanang balikat ang putting jacket na dala na palagay ko ay hinubad nya dahil sa init. May mga namumuong pawis na din akong nakikita sa noo nya.


“Hilig mo talaga ang tumitig ano?” tahimik na sabi nya. Napaiwas ako ng tingin.

“As if” binuksan ko ang pintuan ng site office. Pumasok naman sya kahit hindi ko pa sinasabi. Feeling talaga eh. Tumungo ako sa aking table at pinaghila sya ng upuan. “Dito ka” tumango lamang sya habang nililibot ang kabuuan ng loob. Nagsimula ko nang linisin ang kalat sa ibabaw ng table ko maliban sa mga blueprints na hinayaan ko lang doon. 

“Kanino yung isa?” turo nya sa table na katapat ko. Hinubad nya ang hard hat na suot na dali dali ko naming kinuha. Tinabi ko to sa gilid. 

“Sa isa pang Engineer na kasama ko” kinuha ko ang alcohol mula sa bag. Inalok ko sya na hindi naman nya tinanggihan. Naglagay sya sa kamay at inamoy amoy ito.

“Amoy Engineer Kang”

“Ewan ko sayo” tumawa na naman sya.

“ Ang sarap mo talaga asarin!” pwes ako hindi natutuwa.

“Ano bang gusto mong pag usapan? Wala pang binigay na sched si Ms. Jung” masyado kasi itong busy ngayon dahil bukod dito, may housing project din syang pinagkakaabalahan. Kukulangin ata sa tao doon. Yun ang mga naririnig ko sa office.

“I know that. Bukod sa gusto kitang makita dito may meeting din ako with the owners. They called me yesterday, asking if busy daw ako sabi ko okay lang naman. Basta sinabi ko nalang na dito kami mag usap para makajoin ka.” I froze. Hindi ko na naintindihan yung ibang sinasabi nya. Owners lang ang pumasok sa pandinig ko.

Pupunta sya dito? Sila? Kasama nya ba yung partner nya? Parang natakot ako bigla sa magiging reaction ko kapag nakita ko silang dalawa. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Gusto kong makausap yung partner nya pero ngayong mangyayari na, parang gusto ko ng umatras. Calm down seulgi! 

“Okay ka lang ba?” natigil ako sa malalim na pag iisip nang marinig ko ang boses ni Seola. First time kong makita ang pag aalala sa itsura nya. Mukha syang disente kapag ganyan.


“Oo naman”  nakangiting sagot ko. Napatingin ako sa labas. Natatanaw ko mula dito sa loob ang paparating na pamilyar na kotse. Nagsisimula ko na naming habulin ang hininga ko. Nanlalambot din ang mga tuhod ko. Dalawang linggo ko na syang hindi nakikita magmula nung puntahan ko sya doon sa hospital na pinagtatrabahuan nya.

Hanggang ngayon, hinihintay ko pa din yung next time.  Ayoko naman kasi syang pangunahan. Masyado din naman akong busy pero gayunpaman, kung sakaling maisipan nyang kitain ako, maglalaan ako ng oras para sa kanya. Gosh Seulgi Malala ka na! Ano naman kasing magagawa ko? Kahit anong pigil ko sa sarili, naiisip ko sya. Sya lang yung hinihintay ko. At kung gaano katagal ko syang hinihintay, ganun na din katagal yung towel nya dito sa bag ko. Palagi ko itong dala in case maisipan nya yung next time. Naaalala nya pa din kaya?

“They’re here” tumayo na si Seola. Nakadungaw na din sa labas. Pero nanatili akong nakaupo. Naikuyom ko ang mga kamao. Magkasama sila. Gustong gusto ko syang makita pero naduduwag ako. Parang bigla akong nahiya. Hindi mapakali ang isipan ko. Natatakot akong mag iba trato nya sa akin ngayon. Ano ba “tong mga pinag iiisip ko. Focus Kang! “Engineer?” nagtatakang tanong ni Seola.  Napatingin ako sa kanya. Nakakunot na ang noo nya. Tinitingnan ang bawat galaw ko. Kung gumagalaw pa nga ba ako. Binasa ko ang nanunuyong labi. Kailangan ko ng tubig.

“M-mauna ka na. May…” kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong pants.”May tatawagan lang ako. S..si Ms. Jung oo tama nagpapa update sya tungkol sa meeting ngayon. Ikaw muna humarap sa kanila”  muntik na akong matumba pagtayo ko, mabuti nalang nakahawak ako agad sa table. Dali dali akong pumasok ng banyo. Nilabas ko ang pinipigilang paghinga nung makapasok ako. Tiningnan ko ang sarili sa salamin.

Ano bang nangyayari sa akin? Crush lang ba ‘to?

Kinapa ko ang dibdib ko. Malakas pa din ang tibok. Presensya palang nya, ninenerbyos na ako. Kailangan ko ng maraming oxygen kapag alam kong nasa paligid sya. Juskopo mamamatay ako ng hindi oras sa lagay na’to!  Naghilamos ako ng mukha. Huminga ng malalim. Act Normal self. Pinagmasdan ko ang sarili.. Fresh pa din naman ako. Naririnig ko na ang mga boses sa labas. Ilang beses akong napalunok. Pwede bang umatras? Hindi ako handa na makausap silang dalawa. Natatakot ako.

“Where is she?”  hindi na ako makalma. Hinahanap nya ako. Teka lang Doc nag gegay panicking pa ako! Hindi ko masyado marinig ang sagot ni Seola. Binilisan ko na ang pag aayos at sa huling pagkakataon, pinagmasdan ang sarili sa salamin. Kaya mo yan Kang! Ikaw pa ba? Ngunit parang bigla kong pinagsisihan ang paglabas dahil pagbukas ko ng pinto, saktong pagpasok ng isang matangkad na lalaki. Ibinigay agad nito ang atensyon sa taong dahilan ng pagkanerbyos ko. Na sinusuklian ito ng matamis na ngiti

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
34 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi