Chapter 14 part 1

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi talaga kayo magbabati?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan na parehong nakaismid sa isat-isa. Magkatabi sila kanina pero ngayon sobrang layo na nila. 

 

"Sya kaya nauna sinasabi ko lang naman opinyon ko" sambit ni Wendy habang nakatungo. Pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.

 

"Ikaw na nagsabi na opinyon mo. Sayo lang. Bakit pinagpipilitan mo pa saken?" si Joy sabay simangot at cross arms. Nakapandekwatro pa ito.

 

"Hindi ko naman pinipilit. Feeling mo lang yun"

 

"Hindi ako feeler! Halata kaya sa boses mo tsaka pilit mong isinasantabi mga sinasabi ko"

 

"Saan banda ko isinantabi? Ang sabihin mo talagang may galit ka sa'kin. Konting galaw ko lang na di mo nagugustuhan galit ka na" napaayos ako ng upo at pinanood na lamang silang dalawa. Napatingin si Joy kay Wendy.

 

"Ayan ka na naman eh! Di ba nag usap na tayo? Nagsorry na ako sayo! Ang kinaiinisan ko lang ay yung ngayon! Bakit bubuksan mo na naman yung topic na yan? Nagsorry na ako." medyo lumalakas na yung boses ni Joy. Aawat na ba ako?

 

"Nagsorry nga di ko naman maramdaman" napasinghap si Joy. Hindi makapaniwalang tiningnan ang isa na nakatungo pa din.

 

Konti nalang iisipin ko na ganito sila maglambingan.

 

"Anong gusto mo? Lambingin pa kita?" hindi nagsalita si Wan. Pero nasulyapan ko ang tinatago nyang pamumula.

 

"Lambingan na yan" mahina kong sabat. Nagpeace sign ako ng pareho nila akong tingnan ng masama.

 

"Isa ka pa!" si Joy. Napahawak ako sa dibdib.

 

"Oh bakit nasali ako?"

 

"Nakakabanas pagmumukha mo" bulong ni Wan. Hah! Inggit. Imbis na mainis ay nginitian ko pa sya para mas lalo syang maasar.

 

"Subukan mo kasing mainlove- aw" binato nya ako ng unan.

 

"Kung galit kayo sa isa't- isa wag nyo kong idamay. Kababati nyo palang mag aaway na naman kayo. Labas lang ako saglit. Pagbalik ko dapat bati na kayo ha." tumayo na ako at iniwan silang dalawa. Pumunta ako sa kusina ni Joy.

 

Tatawagan ko lang yung babylabs ko. Char. Dinial ko ang number nya at awtomatikong lumawak ang ngiti ko ng sagutin nya ito agad. Yieee hinihintay ako. Ano ba!

 

"Hi baby" di ko mapigilang mapakagat labi sa bungad nya. Nanggigigil ako. Wala pa naman ako sa kwarto wala dito yung unan.

 

"Hello busy ka pa?"

 

"Not really. Tapos na kayo?" umiling ako as if nakikita nya!

 

"Hindi pa. Naglalambingan kasi sila nauumay ako" narinig ko ang pagtawa nya. Matamis!

 

"Naglalambingan. You mean nag aaway?"

 

Alam nya ang ibig sabihin ko sa lambingan ng WenJoy. Palagi naman kasi akong nagkwekwento sa kanya. Tuwang tuwa nga sya nung sabihin ko yung WenJoy. Ang galing ko daw mag isip. Nagtanong sya kung may naiisip sya about sa amin. 

 

Syempre meron.

 

Seulrene. Yieeeee. Nakatanggap ako ng kurot sa ilong nung sinabi ko yun. Kinilig sya alam ko. Sus.

 

"Ano fa" 

 

"Ano na naman pinag awayan nila this time?" tanong nya. Sinilip ko muna ang wenjoy sa sala bago ako sumagot. Mahirap na baka marinig nila. Hindi nila alam na itsinitsismis ko sila sa bebelabs ko.

 

"Maliit na bagay lang Hyun. Pinag aawayan nila kung anong mas astig kung school for Good ba o school for Evil."

 

Natatawa na nga lang ako sa kanila. Nagkaroon kami ng time tatlo para magbonding. As usual nagmovie marathon kami at napili naming panuorin yung School for Good and Evil. Pareho naman naming gusto. Parang sinabi ko lang na maganda sa school for evil. Tapos ayun na nagsunod sunod na yung batuhan nila ng salita. Walang nagpapatalo. Si Joy sa Good habang si Wendy sa Evil. Kaya dinamay ako ni Joy eh kasi nasa side ako ni Wan.

 

"Is that yung dalawang magkaibigan na nagkiss?" nanlaki ang mata ko. Wala pa kami sa part na yun!

 

"Hoy anong kiss? Hyun spoiler" napanguso ako. Parang gusto ko na tuloy ulit magpatuloy. Bahala na kung nag aaway yung dalawa.

 

"Oh omg sorry haha wala pa pala kayo sa ending" natatawa nyang saad.

 

"Bakit naman sila nagkiss?" 

 

"And you dont want me to spoil you huh" 

 

ihhhh kasi naman! 

 

"Actually ship ko sila pero hindi naman ata sila mga bakla" pareho kasi silang maganda. Lalo na yung kulot. Crush ko sya pero syempre mas crush ko si Hyun.

 

"Hindi nga. But their love for each other is true" 

 

"You mean sila yung sinasabi nung Master of School na true love?" naeexcite na tuloy ako. Anong oras ba magbabati yung dalawa?

 

"You can say that. Kwentuhan nalang kita?" pang aasar nya.

 

"Hindi wag gusto ko pa maexcite" pigil ko. Hindi na ako magpapakwento tingin ko marami pang exciting part.

 

"I can imagine you na nagkakamot ng pisngi" 

 

Bakit nya alam?

 

"Imagine mo lang yun"

 

"I miss you" unti unting nag init ang mukha ko. Sure ako namumula na naman ako. Ang hirap hindi kiligin sa simpleng i miss you nya. So sincere. Walang halong biro na tipong sinasabi nya lang yun bilang magjowa kami. Ramdam kong namimiss na nga nya ako. Yung kilig meter ko Hyun ano ba!

 

"Ako din" 

 

in 1..2..3

 

"Ikaw din ano?" sabi na eh. Pinipigilan kong hindi matawa. Ayaw nya talaga kapag sinasagot ko sya ng ganun. Gusto nya palaging kumpleto.

 

"Miss na din kita" narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. "Busy ka na ba?"

 

"No hindi pa. Uhh about dun sa pagpunta natin kay Mom.."


 

Ah oo nga pala. Alam nyo yung feeling na excited ka tapos kinakabahan? Ilang araw nang ganito ang pakiramdam ko kapag naiisip kong pupunta kami sa Mommy nya.

 

Kung anu anong naiisip ko. What if hindi nya ako magustuhan? Pero alam ko namang mabait si Maam Bae. Maalala nya pa kaya ako?

 

"Nagfile na ako ng leave Hyun. Ok na ikaw?" sabi nya kasi malayo ang lugar kung nasaan ang Mommy nya. Aabutin daw kami ng kalahating araw sa byahe. Tsaka ehem sabi nya magfile daw ako ng leave for two days lang naman kasi diretso date na daw kami. Itutour nya daw ako sa probinsya nila.

 

Kinikilig na naman ako as usual. Mainggit kayo.

 

"Good. So excited to be with you. Sure akong magugustuhan ka ni Mommy"

 

Kinabahan ako lalo. Paano kung hindi?

 

"Tingin mo?"

 

"Hmm dont worry trust me"


 

Mabuti nalang pumayag sya. Akala ko hindi na eh. Akala ko pipigilan na naman nya akong kilalanin pa sya. Puro ako akala. Nagiguilty tuloy ako kasi mali palagi ang mga iniisip ko sa kanya. 

 

Dapat ko nang alisin sa sistema ko ang ganung pag iisip. Kung may gusto akong sabihin at itanong sa kanya gagawin ko na.


 

Nag usap lang kami tungkol sa mga gagawin namin next week. Nag offer sya na kung pwede sa bahay nya nalang ako matulog. Ihhhh.. Syempre naman papayag ako pero as usual magpapaalam muna ako kay mama. Sabi pa nya what if sya nalang daw magpaalam. Tumanggi ako. Kaya ko naman si mama tsaka si papa. Malaki na kaya ako! 

 

Inasar nya pa ako na baby pa daw kasi ako nina mama kung titingnan nga daw parang mas kaya pa ni Yeji ang sarili nya kaysa saken.

 

Hindi naman ahT_T

 

Nagtampo pa ako kunwari. Balak ko nga isang oras nya muna ako suyuin kaya lang masyadong nakakakilig mga sinasabi nya. Marupok lang tayo wag nyo ko sisihin!


 

"Sige na Hyun baka may gagawin ka pa. Kumain ka ha?" pansin ko kasing kanina pa tahimik ang WenJoy. Baka nagkabati na.

 

"You too. I'll hung up na okay? Sana bati na ang Wenjoy" natawa ako.

 

"You bet" binaba na namin pareho ang tawag.

 

Ano na kayang nagyayari dun sa dalawa?

 

Pagbalik ko magkatabi na sila. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Joy sa akmang pag akbay  kay Wan. Taranta nyang ibinaba ang kamay ng makita nya ako.

 

"Ayos na kayo?" tanong ko habang naglalakad papunta sa kanila. Napatingin sa akin si Wan at umirap.

 

"Ikaw tapos ka na makipaglandian?" tumabi ako sa kanya. Bale napagitnaan namin sya ni Joy. 

 

"Kung magjowa ka na kasi nang hindi ka naiinggit dyan?" ginulo ko ang buhok nya. Naiinis nyang hinawi ang kamay ko.

 

"Ano ba nagpatreatment palang ako wag mo guluhin" tumawa lang ako. Masyado talaga syang concern sa buhok nya. Sinilip ko si Joy at napangiti sa nakita. Pinipigilan nyang hindi mangiti sa reaksyon ni Wan. Umirap sya ng makita nya akong nakatitig sa kanya. Maldita talaga!

 

But Im so happy for her.

 

"Ang daya nanonood na sila. Ulitin nyo!" reklamo ko sabay akbay kay Wan.

 

And Im so proud of her.






 

"Sana all sinusundo" nagpatay malisya na lamang ako sa pang aasar ni Yeri. Kasalukuyan kong hinihintay ang aking babylabs. On the way na daw sya. Hindi ko na hinayaan na sya na naman ang maghintay sa akin. 

 

"Bakit ikaw wala ba?" tanong ko. Humaba ang nguso nya.

 

"Wala busy daw" napahinga ako ng malalim.

 

"Magmove on ka na" mahina nya akong kinurot sa balikat. Tiningnan ko sya ng masama. "Walang manners" ngunit dumila lamang ito. Parang hindi college jusko.

 

"Bakit Daddy naman kita. Wala na tayo sa trabaho" isinabit nya bigla ang mga braso sa akin. "Dad pasabay baka naman hehe" 

 

"Kotse ko ha kotse ko?" sarkastikong sabi ko. Atsaka kinakabahan ako sa mangyayari kapag nagkita na naman silang dalawa ni Doc. Baka kung anu ano na naman sabihin nito.

 

"Sige kay Doc nalang ako magpapaalam" sabay bitaw sa braso ko. "Bat nga pala ang dami mong dala Daddy Seul?" napansin nya bigla ang dala kong duffel bag at backpack. Bukas na kasi ang alis namin ni Doc. Ngayong gabi ay diretso na kami sa bahay nya. Iuuwi na nya ako. Char. Doon na ako makikitulog para hindi na sya mahassle sa pagsundo sa amin. Nakapagpaalam na din ako kina mama. Pumayag naman. Sabi sa inyo malaki na ako eh! Hindi na ako highschool.

 

"Wala trip ko lang" wala akong gana magkwento sa kanya. Alam ko namang aasarin nya lang ako. Ramdam ko ang pagsuyod nya ng tingin sa akin. 

 

"Daya di nagsheshare. Siguro doon ka na titira kay Doc ano? Wow ang speed" tingan mo 'to wala pa nga akong sinasabi lakas na mang asar.

 

"Titira ka dyan. Ingay mo umuwi ka na nga shoo." pagtataboy ko sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin.

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi