Chapter 5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Gustong gusto ko talaga kapag umuulan. Bata pa lang ako, alam na ni mama na kapag magsimula ng umulan, parang automatic aantukin ako. Tutungo agad ako sa kwarto, hihiga at maya maya lang nasa dreamland na ako. Kapag naman hindi sa kwarto, sa sofa naman namin. Dadalhin ko yung kumot at unan ko at feel na feel ang paghiga doon.  Ang sarap lang sa tenga nung buhos ng ulan. Para syang kanta na paborito ko. Gustong gusto kong pakinggan.

Hanggang ngayon pa din naman. 

Pinagmamasdan ko ang panaka nakang ulan sa labas mula dito sa entrance ng hospital kung nasaan ako. Medyo tumila na sya. Hindi parehas kanina on the way ko dito na malakas. Mabuti nalang dahil wala akong dalang payong. Medyo nabasa pa ako pagbaba ko ng sasakyan. 

Siguro kung nasa bahay na ako, masarap na yung tulog ko kanina pa.

 Sumulyap ako sa loob. May mga nurse na palakad lakad. Hindi naman masyadong madami yung tao sa waiting area. Kerri lang. Pero hindi ko magawang pumasok. Kasi ano namang gagawin ko sa loob diba?

Busy pa kaya sya?

Pagkagaling ko sa site, dumiretso agad ako dito. Mag aala sais na pero madilim na dito sa labas dahil sa panahon. Medyo nagugutom na din ako dahil hindi ako masyado nakakain kanina. Sa sobrang focus ko sa trabaho, di ko namalayang lunch time na pala kaya nawalan na ako ng gana. Kung hindi ko pa nakita yung isang constrcution worker na maganang kumakain ng baon nya kanina hindi ko malalaman na lampas lunch time na pala. Inalok nya pa ako pabaon daw ng misis nya.

 Ang sya nya lang tingnan. Ano kayang feeling nung may naghahanda sayo bago ka pumunta sa trabaho no?

"Hey" napaayos bigla ako ng tayo pagkarinig ko sa boses nya. Napaangat ang likod ko mula sa pagkakasandal sa pader.

"Hi" simpleng sagot ko na may kasamang pagmasid sa kabuuan nya. Nararamdaman ko na naman yung tibok sa kaliwang dibdib ko. Suot pa nya ang puting lab coat na may kulay asul na scrub suit sa loob. Puting sapatos. Hindi kagaya nung mga last encounters namin, iba ang ayos ng buhok nya ngayon. Maluwag ang pagkakatali nito sa likod. May mga buhok din na nagkalat sa mukha nya na pasimple nyang hinahawi sa gilid. 

Pero dahil si Irene Bae sya, grabe ang ganda pa din.

Ayokong mag assume pero bakit pakiramdam ko dumiretso agad sya dito pagkatapos nyang matapos sa ginagawa nya?  Mabilis ang kanyang paghinga. Tumakbo ba sya?

"Why dont you come inside?" tanong nya. Ayan na naman sya sa paraan nya ng pagtitig. Parang pasyente ako na pinag aaralan nya. Juskopo. Ganyan ba sya tumingin sa lahat?

"May kukunin lang naman ako eh" grabe lang yung pagpipigil ko na wag tumingin sa dibdib nya. Pareho naman kaming naka vneck. Naka plain white short sleeve chiffon tshirt kasi ako kaya  kita din naman yung akin!

 May dibdib ka din seulgi ano ba!

"Kahit na" iginala nya ang paningin sa labas. Kahit ang pagkunot ng noo nya maganda pa din. Doc, totoo ka ba talaga?  Hindi natuloy ang nagbabadya kong ngiti ng muli nyang ibalik ang tingin sa akin. "It rained?" sinipat nya ang suot ko. Napabuntong hininga sya. "Umuulan pa ba nung pumunta ka dito?

"Oo"

"Seu-

"Pero okay lang hindi naman ako masyado nabasa tingnan mo natuyo naman ako agad" medyo lumapit pa ako sa kanya para makita nyang okay lang ako. Okay lang basta sya. Pero sana hindi ko nalang ginawa. Juskopo ang lapit namin sa isat isa. Baka marinig nya ang tibok! Dinig na dinig ko ang paghinga nya.  O akin siguro yun? Hinihintay ko ang pagsagot nya pero nanatili lang syang nakatingin sa akin. Nakatingala sya dahil nga mas mataas ako sa kanya. 
 
Nagagalit ba sya? Tanga! Sinong hindi magagalit kung halos mayakap mo na sya sa sobrang paglapit mo?

Napaatras ako agad.

"Sorry hehe" umiling sya. Hinipan ang humarang na buhok sa mukha. 

"Its okay you said but dont do this again. You might catch a cold kahit pa naambunan ka lang. Are you taking vitamins? I'll give you some just to be sure." kinabahan ako sa unang linya nya. Akala ko yung paglapit ko ang tinutukoy nya na wag kong gawin ulit.

Ang hirap talaga makipagtalo sa mga Doctor kapag usapang ganito.

"Noted, salamat Doc" natawa sya bigla. Kumalma na siguro dahil normal na ang kanyang paghinga. Ipinasok nya ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang coat. 

Hindi nya dala yung book. Napansin nya siguro ang pagtingin ko sa kamay nya.

"I didnt bring it here. Lets get inside"susunod na sana ako nang bigla syang tumigil. Muntik na akong mabangga sa likod nya kung hindi lang ako nakaatras agad. "I forgot, its in the car pala" conflicted ang itsura nya. Tumingin ako sa paligid. Lumalakas na yung ambon. Kung lalakarin namin ang parking lot, maaambunan kami dahil wala kaming payong. Tumingin ulit ako sa kanya. Napakagat labi sya. Nag iisip. Sumulyap sa loob. "Theyre busy. My umbrella's in the car too. Jen? Geez she didnt know the existing of that thing!" hindi ko alam kung ako ba kinakausap nya o yung sarili nya? Cute. Magsasalita na sana ako nang bigla nyang tanggalin ang coat na suot. Nanlaki ang mata ko.

What are you doing Doc?

Tumingkayad sya para maabot ako. Sinaklob nya ang coat sa aming dalawa.

Gago. What kdrama is this? Parang naririnig ko yung madalas patugtugin ni Yeji na OST sa isang kdrama. 

"Uhh...atleast we're shielded from the rain right?" nahihiya nyang sambit. Hindi na sya makatingin sa mata ko. Hindi na napigilan ng mga labi kong ngumiti sa harapan nya. Ang cute ng itsura nya. Halatang nahihirapan syang abutin ang ulo ko.

"May vitamins ka ba sa sasakyan mo?" tanong ko. Kinuha ko ang coat mula sa kanya. Ako na ang nagpandong sa aming dalawa. Mas lumapit pa sya lalo sa akin. 


Breathe Seulgi 

"Yeah" nagsimula na kaming maglakad. Sinasabayan ko lang yung pace nya. Medyo mabagal pa nung una, pero nung naramdaman naming papalakas na talaga ang ulan, halos patakbo na ang ginawa namin. 

"Quick!" sigaw nya.

Actually Doc, kaya ko namang bilisan pero kasi sinasabayan lang kita. Kung gaano ka kacute,  ganun din kacute ang lakad mo. Pero dahil malakas ka sa akin, handa akong mabasa masabayan ka lang.

Nababasa na kasi yung kanang braso ko dahil sa malalaking patak ng ulan. Mas malaki yung pandong  ko sa kanya kesa sa akin. Sinasadya kong sakupin ng coat ang hanggang kaliwang braso nya. Hindi sya pwedeng magkasakit. Doctor sya eh. Pero nagulat ako nung bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya. Dikit kung dikit na kami. Pinalibot nya ang kanang braso sa bewang ko. Mas hinihila pa ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko sya.

Please

"Nababasa ka na. Malaki pa yung space ko dito"turo nya sa bandang kaliwa nya. Nung makarating kami sa sasakyan nya, pinauna ko na syang pumasok sa driver seat bago ako lumibot papuntang passenger. Feeling ko magrereklamo pa sya hindi lang natuloy dahil sa pagmamadali ko. Pareho kaming hinihingal. Pinagpag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi