Chapter 14 part 2

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Naaalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat. 

 

Anong oras na ba? Inaantok kong inabot ang aking cellphone sa ilalim ng unan na gamit ko. Wala akong makapa. Asan na yun?

 

"Gising ka na" naibuka ko tuloy ng tuluyan ang aking mata pagkarinig ko ng boses nya. Tsaka ko lang naalala na nasa ibang bahay pala ako! Naku po naman.

 

 "Bangon na. Gusto ka nilang makita" malambing na sabi nya sabay upo sa kamang hinihigaan ko. Namin pala.

 

Teka lang naman wala pa akong hilamos!

 

Masyado akong napagod sa byahe namin. Maghahating gabi na kasi nang makarating kami dito. Pinagpahinga agad kami ng tita niya. Pagkatapos kong mahiga kagabi ay nagtuloy tuloy na. Hindi ko namalayan na umaga na pala.

 

"Si Kuya Tito?" tanong ko. Ibinalot ko pa ang sarili sa loob ng kumot. Ang lamig dito sa kanila kahit wala namang aircon.

 

"Umalis na. Kanina lang" sagot ni Doc. Ginaya nya ako sa paghiga. Magkaharap kaming dalawa.

 

Hindi nakakasawang sabihin na  PUTANGINA ANG GANDA NG JOWA KO!

Simpleng tshirt at short lang naman ang suot nya pero bakit ang lakas ng dating sa akin? Humigpit ang hawak ko sa kumot. Gusto ko syang hawakan.

 

"Touch me" she uttered. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Bakit ba alam na alam nya kung ano ang nasa isip ko? Napalunok ako. Imbis na hawakan sya ay umusog na lamang ako palapit sa kanya habang nakabalot pa din ng makapal na kumot ang aking katawan.

 

"Kanina ka pa gising?" tanong ko. Tinakpan ko ng palad ang bunganga. Halatang gusto ko pang matulog dahil sa mayat maya kong paghikab. Nakakahiya naman sa jowa kong fresh at mabango na ang hininga.

 

"Hindi naman masyado" sagot nya sabay hila sa kumot at ipinasok ang sarili sa loob. Nawala tuloy yung lamig. Masyado kasing hot si Doc. Chos!.

 

"Inaantok pa'ko Hyun" pag amin ko. Mas lalo naman nyang inilapit ang sarili at tinap ang balikat ko.

 

"Then lets sleep more"



 

Nagtagal muna kami sa loob ng kwarto ng ilang minuto bago lumabas. Naabutan namin silang patapos na kumain.

 

"Tita!" masayang bungad nung batang babae kay Hyun pero sa akin nakatingin. Ang cute nya at ang liit. Kagaya ni Hyun, may nunal din ito pero pansin na pansin ang sa kanya.

 

"Goodmorning baby" bati pabalik ni Doc habang tinatanggal ang kanin na nagkalat sa bibig nito. May napansin din ako na chocolate sa kanyang damit. 

 

"Ay naku Rin pagpasensyahan mo na at makalat kumain ang batang yan. Teka nga at ayusin muna natin itong pinagkainan namin bago kayo" sabi ng ate nya. Si ate Gretchen. Sya yung nag asikaso sa amin kagabi. Second cousin na sya ni Hyun. Anak ito ng pinsan ng mama nya at sya din ang mama nitong bata.

 

"Leave it there ate. Okay lang" sagot nya habang pinaghihila ako ng upuan. Sumunod na lang ako. Nakakahiyang magkikilos dahil ibang bahay 'to. Sumulyap sa akin ang ate nya. Ngumiti. Lumabas ang malalim nitong dimple. Nasa lahi ba talaga nina Doc ang maging maganda?

 

"Okay ka lang ba? Feel at home. Wag ka mahiya hindi naman kami nangangagat" pabirong sabi nito.

 

Hindi daw eh bakit itong katabi ko ilang beses na akong kinagat?


 

Hindi ako makapaniwala na nasa kuta ako ng angkan nya. Ang sabi nya halos lahat daw ng nakatira malapit dito ay kamag anak nila. Sa side ng mama nya. And speaking of mama. Tumingin ako sa kanya.

 

"Dito na ba nagtuturo mama mo?" napatigil sya sa paglalagay ng ulam sa plato ko. Napansin ko ang pagkagat ng labi nya. Sa totoo lang, wala pa talaga syag nakwekwento sa akin tungkol sa mama nya. Naisip ko, kung dinala nya ako dito upang makita ito ibig sabihin dito na ito nakatira ngayon.

 

"Lets talk about that later." alam kong pilit lang yung ngiti nya. Hindi nalang ako nagsalita.

 

Pagkatapos naming mag almusal ay nagpatunaw muna kami ng kinain. Alam kong matakaw na talaga ako pero dumoble ata ngayon. Masyadong masarap ang luto ng ate nya.

 

Take note Seulgi: Matuto ka nang magluto dahil nasa lahi ng jowa mo ang masasarap magluto! Pew.

 

Kasalukuyan kaming nakaupo at nanonood sa sala nila. Cartoons. Kasama din kasi namin si Nathalia. Yung bata. Sa kabilang sofa sya nakaupo. Pero imbes na sa tv ang tingin ay nasa akin ang mga mata nito. Kanina pa nga eh. Ngumiti ako sa kanya sa hindi ko na mabilang kung ilang beses na. Inalis nya ang tingin sa akin pero wala pa nga atang segundo ay ibinalik nito agad ang tingin. Natawa na ako.

 

"Whats funny?" naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Doc sa gilid ko.

 

"Yung pamangkin mo" sagot ko. Sumenyas ako sa bata na lumapit.

 

"What about her?" ngunit hindi ko na nasagot si Doc. Mabilis na lumapit sa akin si Nathalia. Parang hinihintay lang talaga nya na palapitin ko sya sa akin. Umubo ito. Hinagod ko ang likod nya.

 

"May meds ba syang iniinom ate?" tanong ni Doc sa ate nya na dumaan sa harap namin.

 

"Oo mabuti nga at lumabas na ang plema nya." nilapitan nito si Nathalia.  Pinunasan nito ang mukha at pinalitan ng damit. "Blow" utos nito sa bata habang pinapasinga sa puting towel. Sumunod naman si Nathalia. Cute. Ibinilin muna sya sa amin ni ate bago nya ulit kami iwan.

 

"Ilang taon ka na?" mahinang tanong ko. Itinaas nito ang kanang kamay at pumorma ang tatlong daliri.

 

"Three" may accent pa nga! Maingat kong pinisil ang pisngi nya.

 

"Nag iischool ka na?" narinig ko ang pagtawa ni Doc sa tabi. Tumango naman si Nathalia.

 

"Opo" magalang na sagot nito. Kung kanina may distansya pa kami, ngayon ay nasa pagitan na sya ng mga binti ko. Nakadantay ang dalawang kamay. Yung barbie na hawak nya kanina ay kinuha na ni Doc.

 

"Sinong teacher mo?" nagmumukha na din siguro akong bata. 

 

"Si Teacher Annie tapos may friends din ako" ginulo ko ang buhok nya.

 

"Oh? Galing mo naman. Sige nga 1+1?" siniko ako ni Doc pero hindi ko sya pinansin. Maglaro muna sya ng barbie!

 

"Two" pumalakpak ako. Natuwa ang bata at parang nahihiya pa.

 

"Wow galing galing. Pwede ka nang mag aral sa Harvard" siniko ulit ako ng katabi ko.

 

"Ang kulit mo" bulong nya. Mas makulit kaya sya! Nag uusap kami ng pamangkin nya panay ang siko nya.

 

"Are you Tita Rin-rin bestfriend?" inosenteng tanong ng bata. Juskopo naman nabestfriend pa! Umiling ako.

 

"Girlfriend" pagtatama ko.

 

"Yes because youre a girl" mas lalong lumakas ang tawa ni Doc. Kinamot ko ang pisngi.

 

"Pag malaki ka na tsaka tayo magkwentuhan tungkol sa amin ng tita mo" mukhang hindi naman sya nakasunod sa sinabi ko.

 

"Titas a Doctor." ilong naman nya ngayon ang pinisil ko.

 

"And I'm an Engineer" tumutok ito sa akin. Nag iisip.

 

"You build houses?" tumango tango ako.

 

"Yes. We build buildings. We built different because we make difference" gusto kong matawa sa nakikita kong reaksyon ng bata. Mas lalo ko atang ginulo ang isip nya.

 

Sarap talaga kumausap ng bata!

 

"Anong sinasabi mo?" bulong sa akin ni Doc. Nakikiliti ako sa hininga nya malapit sa tenga ko.

 

"Wala sa amin lang yun" mas lalo pa nyang inilapit ang mukha sa tenga ko. Jusko naman Hyun may bata! Hindi ko tuloy mapigilang matawa habang inilalayo ang sarili sa kanya. Malakas ang kiliti ko sa tenga at leeg.

 

"Tingnan mo Tita mo papansin" sabi ko kay Nathalia. Pero hindi ito sumagot. Pabalik balik ang tingin nya sa tv pati sa akin.

 

"You look like someone Tita Sugi"

 

Sugi??

 

"Hey look at me Nathalia. Its Su-L-Gi" diniinan ko yung L! 

 

"Sugi!" napadiin ang kamot ko sa pisngi. Mahina ko ding kinurot si doc na tumatawa na naman na parang Kris Aquino pero mahina lang din. Nagpipigil.

 

"Sabayan mo ko ha?" tumango naman ang bata.

 

"Su"

 

"Su"

 

"Ll" pinakita ko sa kanya kung paano bigkasin ang L. Ibinuka ko ng bongga ang bibig ko yung makikita nya kung saan banda nakadikit ang dila ko. Gumaya naman sya. Good.

 

"Ll" 

 

"Gi"

 

"Gi"

 

"Seulgi!"

 

"Suygi!" napafacepalm na lamang ako.

 

"So who looks like Tita Suygi?" pagsingit ni Doc. Tiningnan ko sya ng masama. Tinap nya lamang ang pisngi ko. Tsk! Di nya ako madadala sa ganyan.

 

"Her" tinuro nya yung pinapan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi