Chapter 11

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

This is the best hug ever Seulgi-yah

 

Seulgi-yah

 

Seulgi-yah

 

Nabingi lang ba ako nung gabi na iyon o sadyang tinawag nya ako sa pangalan na iyon? Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nung mangyaring naglakas loob ako na yakapin sya at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang init nya sa katawan ko. Ayaw akong tantanan!

 

"Wala naman kasing aasa kung walang nagpapaasa, di ba Engineer?" lumingon ako sa katabi kong nakapangalumbaba habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng manlift. Nakaupo kami ngayon sa sako ng mga buhangin na nakatambak sa gilid.

 

"Kasalanan ng umasa, paano kung friendly lang talaga yung taong gusto nya? Mabait tapos concern lang sya sayo, ikaw lang yung nagbibigay ng meaning" ginaya ko ang posisyon nya. Bumuntong hininga sya.

 

"So kasalanan ko?" tumango ako bilang sagot. Kasalanan ko din.

 

"Wag na kasi tayo umasa" bulong ko.

 

"Pero Engineer tingin ko naman may aasahan ka" napatingin ako bigla sa kanya. Ayun at nakangisi na naman! "Yieee umasa sya oh…"

 

"Tigilan mo nga akong bata ka! Nasaan na ba si PM at nang mautusan ka ulit" nakita ko ang pagsimangot nya. Dalawang Linggo nang nag o-ojt si Yeri sa company.  Ngayong linggo lang sya inassign dito sa field at ako ang mentor nya. Grabe lang yung tuwa nya nung nalaman nyang ilalagay sya dito. Talagang nagkwento pa sya sa akin kung gaano nya kinaaayawan yung naunang mentor nya. Puro pagtitimpla ng kape lang daw ang pinagawa sa kanya at wala syang natutunan. Though nakakainis naman talaga yun, sinabi ko nalang na ganun talaga. Nagsisimula palang sya. Marami pa syang mararanasan. Ang maganda kasi dito sa company namin, may allowance silang binibigay para sa mga intern. Kaya hindi ko din masisisi si Yeri kung bakit gustong-gusto nya dito. Malas ka lang kung mapunta ka sa Engineer na tamad magturo.

 

"Wag naman Engineer mainit sa labas" natawa ako. Sya kasi ang paboritong utusan ng aming Project Manager. Kanina lang, ang dami nyang papel na pinaxerox.

 

"Sumbong kita sa kanya" pagbabanta ko.

 

"Pero kahit ganun sya, mahal na mahal ko si PM kaysa sayo" pagbawi nya sa sinabi. Tinaasan ko sya ng kilay.

 

"Ganun?" nagpeace sign sya at isinabit ang sariling braso sa akin.

 

"Joke lang Dad" tinanggal ko ang kamay nya.

 

"Magtrabaho ka na puro ka lovelife" pang-aasar ko. Nung isang araw kasi, nagkwento sya sa akin about doon sa lalaking hindi nya alam kung gusto ba sya o hindi. Mixed signals. Naisip ko tuloy bigla si Doc.

 

"Pag ako talaga jinowa nya mang iinggit ako" umiling ako.

 

"Hindi ka nga nireplayan kagabi eh" napahawak sya sa dibdib nya at emosyonal na tumingin sa akin.

 

"Wag mo nang ipaalala Engineer. Sige na magtatrabaho na po ako." tumayo na ito at nagpaalam. Napangisi ako ng makita ko sa di-kalayuan si PM na parang may hinahanap. Goodluck Yeri.

 

 

Hinilot ko ng bahagya ang sentido ko. Hindi pa din nawawala ang sakit ng aking ulo. Kasalanan ni Wan 'to! Kagabi, nagulat nalang ako nung mag-aya syang magtagay sa bahay nila. Nagtaka ako kung bakit kaming dalawa lang at wala si Joy.

 

"Galit sya sa'kin"

 

"Nag-away kayo?" ngumuso sya at anytime ay tutulo na ang luha nya. Putangina lasing na ata!

 

"Hindi ko alam. Feeling ko iniiwasan nya ako. Wala ba syang nasabi sayo?" umiling iling ako.

 

"Wala,ano bang ginawa mo?" ilang beses nyang ipinilig ang kanyang ulo. Juskopo lasing na nga!

 

"Wala akong maalala. Bukas na ang pasukan paano ako makakapagturo neto?"

 

"Tawagan mo"

 

"Ikaw nalang" napapangiti ako sa itsura nya. Ang cute ng kaibigan ko.

 

"Suyuin mo" umiling iling na naman sya.  Mas lalo syang mahihilo sa ginagawa nya.

 

"Hindi ko kaya"

 

"Akala ko ba you will pursue her? Asan na ang tapang mo" tiningnan nya ako ng masama.

 

"Lakas mang asar eh kumusta naman kayo ng kagome mo?"

 

Hindi na tuloy ako nakapagsalita. Sinamahan ko nalang sya hanggang sa makatulog ito. Inayos ko muna ang pagkakahiga nya at niligpit ang mga kalat namin bago ako nagpaalam kay Ryu umuwi. Wala ang mama at papa nila, may inaasikaso daw. Mabuti nalang. Tinatry kong tawagan si Joy ngunit hindi nya ito sinasagot. Duty nga pala. Minessage ko nalang sya at sinend sa gc naming tatlo yung itsura ni Wan. 

 

           Bowrd op Prupesyunal

 

Gommie:     .jpg

                 Kaninong teacher 'to?😂

 

Joyieee: Anyare dyan?

 

Gommie: Lasing ang ating hamster😂

 

Joyieee: Nag-inom kayo? Ng wala ako?

 

Gommie: Oo?

 

Joyieee: Mga madadaya! Hoy sana manlang binuhat mo yan sa kwarto nya di ba?

 

Gommie: Ikaw nalang isantabi mo muna yang galit mo!

 

Joyieee: Ako galit? Kanino?

 

Gommie: Malay ko sa inyo ang gulo nyo. Ge uwi na ako sana bukas bati na kayo!

        

Bahala na sila magsuyuan.

 

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa.

 

 From: Madam Choi

           You'll come yes?

 

 Napahilamos ako sa mukha. Kung pwede lang tumanggi ginawa ko na. Mapapasabak na naman ako sa inuman nito. Bukas na kasi ang grand opening ng sarili nilang bar. Mga mayayaman nga naman mas lalong nagpapayaman. Asawa nya mismo ang Engineer in charge nito. Base sa mga naririnig kong bulungan sa opisina, for good na daw dito si Mrs. Choi at pagtutuunan nya ang bago nilang bussiness. Kanina, sa Team Meeting nagulat nalang kami ng bigla syang pumunta doon upang ipaalam sa amin na invited kami mamayang gabi sa party nya. Para icelebrate ang pagbubukas ng The Bar. Tinamad na siguro silang mag isip ng ipapangalan kaya sinimplehan nalang nila? 

 

Me: I will Madam:)

 

Tumayo na ako at bumalik na sa trabaho. Bahala na mamaya kung anong mangyari.

 

____&&&&______

 

"Sigurado ka na kaya mong umuwi mag-isa mamaya?" tanong sa akin ni Joy. Nagpahatid ako sa kanya dito sa The Bar.

 

"Oo nga" napairap sya sa sagot ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nyang itinanong sa akin yan. Kaya ko naman. Hindi naman ako magpapakalasing. Uuwi naman agad ako dahil bukod sa may trabaho pa bukas, masakit pa din ang ulo ko gawa nung kagabi. Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko.

 

"Ganda yan?"

 

"Syempre" ibinida ko sa kanya ang suot kong Mom jeans, tube top na black na pinatungan ko ng  loose-fitting denim jacket. Simple lang naman ang suot ko.

 

"Hindi naman halatang naghanda ka" ako naman ang umirap sa kanya.

 

"Umalis ka na nga. Ayusin nyo buhay nyo ni Wan" 

 

"Tsk" lumingon ako ulit sa kanya.

 

"Seryoso Ligaya, ano bang nangyayari sa inyo? Kung may kasalanan man sya sayo pag-usapan nyo. Hindi naman sa kinakampihan ko sya pero hindi ko pa kasi naririnig yung side mo" bumuntong-hininga sya at lumingon sa akin pabalik.

 

"Wala naman syang ginawang mali. Ano lang kasi…."

 

"Ano?" 

 

"Paano ko ba sasabihin?" nagkibit-balikat ako.

 

"Ewan ko din" binasa nya ang labi at napasabunot sa makapal nyang buhok. Ano bang nangyayari sa kanya?

 

"Lapit ka" sinenyasan nya akong lumapit sa kanya.

 

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

 

"Basta lapit ka!" malakas na sabi nya. Napalapit tuloy ako bigla. Jusko naman ang lakas ng boses nya!

 

"Ano ba kas- huy" nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang magkabila kong pisngi habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. "J-joy…"

 

"Ikaw.."

 

Huh?

 

"Ikaw dapat. Ikaw lang"

 

Gago nagcoconfess ba sya? Teka lang naman hindi ako ready. Ayoko syang saktan.

 

"Jjj-joyy..

 

"Pero tangina bakit ganun? Bakit ang bilis?" binitawan nya na ako. Napahawak ako sa pisngi  at hinilot hilot ang panga ko. Masyado kasing mahigpit ang pagkakahawak nya. Gigil eh!

 

"Eh bakit hindi kita maintindihan? Ano ba kasing meron Ligaya?" naiinis kong sambit. Nagulat naman sya at malambot na tumingin sa akin.

 

"Sorry okay? S-sige na. Dont worry kakausapin ko na sya. Magsosorry ako"

 

"Isure nyo yan please lang." lumabas na ako ng kotse nya. "Ingat ka" bilin ko sa kanya bago ko isara pabalik ang pinto. Hinintay ko munang mawala sya sa paningin ko bago ko napagpasyahang pumasok sa loob. Binasa ko ang signage na nasa taas. The Bar. Let's go!


 

 "You came!" sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Mrs. Choi. Alam kong maganda na talaga sya pero mas lalo syang gumanda sa suot nyang bodycon dress. May kasama syang babaeng pula ang buhok. Mas maliit ito sa kanya pero sa tingin ko hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. "Oh by the way, this is Hyo the very best Disc Jockey in the world!" hinampas naman sya ng nito bago ibinaling ang tingin sa akin. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

 

"Laki mo na ah" nagulat ako sa sinabi nya. Kilala nya ako? Natawa si Mrs. Choi.

 

"Unfortunately, she doesnt remember any of us" 

 

"Hey girl!" naputol ang pag-uusap namin ng may biglang yumakap kay Mrs. Choi. Napaatras ako. "I miss you, talagang wala ka nang balak bumalik huh". 

 

"Dito ka na din kasi" nagsunod-sunod ang pagdating ng mga bisita nya. Halos hindi ko na sya makita ng dumugin sya ng mga ito. Malakas ang tugtog kayat halos magsigawan sila sa pag-uusap. Dahan-dahan akong sumibat. Nakakahiya naman sa reunion nila. 

 

Iginala ko ang paningin upang maghanap ng kakilala habang pinagmamasdan ang designs nitong bar. Ware-house style sya. Ibang-iba sa inaasahan ko. Masyadong maamo ang awra ni Mrs. Choi para sa designs nitong bar. Sabagay, sino nga ba naman ako para magdesisyon. Atsaka nanirahan sya sa ibang bansa, nakuha nya siguro doon yung idea. May mezzanine floor din. Maganda siguro doon kung ang trip mo lang ay manuod ng mga nagsasayaw.


 

"Engineer dito!" napalingon ako sa pamilyar na boses na tumatawag. Nangiti ako ng sa wakas ay makakita ako ng kakilala.  Lumapit ako sa kanila at pasalampak na umupo sa couch kaharap ni Engr. Reyes.

 

"Buti pinayagan ka ng mister mo?" tanong ko sa kanya.

 

"Hanggang alas nuebe lang ako dito" natawa kaming lahat sa pagnguso nya. Tiningnan ko ang mga kasama. Mga kaTeam ko sa project. Nasulyapan ko si PM na nagkakamot ng tenga habang nakatutok sa kanyang cellphone.

 

"Wag ka na masyado mag-alala sa mga bata pwede naman natin silang puntahan mamaya" kumunot ang noo ko.

 

"Bakit?"

 

"Ah, yung mga intern nagpaiwan kanina. Doon nalang daw sila maghihintay ng umaga sa site para sakto sa oras ang pagbuhos doon sa roof deck"

 

"Pwede naman sila sa bahay muna malapit lang naman" sambit ni PM.

 

Wala ba silang Engineer na kasama doon?  Napagpasyahan kong itext si Yeri.

 

To Yerima:

     Hindi mo'ko sinabihan na magpapaiwan ka? Mag-ingat kayo dyan. Tatawag ako mamaya.

 

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ng biglang may mabigat na braso ang pumalibot sa batok ko.

 

"Hello Engineer!" malakas na bati ni Seola sa tenga ko. Napapikit ako. "Oh wag ka muna mainis hehe hows my look?" pinagmasdan ko ang suot nya. As usual sa mga taste nya. Nakahigh-waisted black skinny jeans na naman sya, leopard print top na pinatungan nya ng kanyang paboritong leather jacket. Umirap ko.

 

"As usual" mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakasakal sa bato

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi