Chapter 19

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Naalala ko pa 'nung minsang nagkwento sa akin si mama tungkol sa kanila ni papa. Sabi niya, wala pang isang taon na magkasintahan sila ay nagpasya na silang magsama.

 

Nagulat pa ako.

 

Hindi ba masyadong mabilis?

 

Isang taon na lang at gagraduate na dapat si mama. Nursing. Habang si papa ay hindi na nakapag-aral pa at nagustuhan na lang na magtrabaho.

 

Ang ending, naudlot ang pagiging nurse ni mama at bumagsak sa pagiging housewife.

 

Imagine yung galit ng mga lolo at lola ko sa kanila?

 

Pero dahil madiskarte at matalino si papa, nakakuha siya ng magandang trabaho. Kaya nung pinanganak ako, medyo hindi naging mahirap para sa kanila na mabigay pangangailangan namin.

 

Pero ilang taon muna bago sila tinanggap ng kanya-kanya nilang magulang. 

 

Tinanong ko si mama kung bakit sa "konting" panahon na iyon ay pumayag siyang sumama kay papa.

 

Dahil ba nabuo agad nila si kuya?

 

Mabilis ang naging pag-iling ni mama at walang kurap na sumagot.

 

"Dahil mahal ko ang papa mo"

 

Sabi niya, hindi naman daw sa tagal ng pinagsamahan ninyo nakadepende ang desisyon mo para masabi mong  siya na ang gusto mong makasama habang buhay.

 

Ang importante yung nararamdaman mo.

 

Dahil kahit gaano pa kayo katagal magsama, once na mawala yung "feelings"?

 

Maghihiwalay pa din kayo.

 

Eh paano kapag isa lang yung gustong bumitaw tapos yung isa may nararamdaman pa din?

 

Anong dapat gawin 'nung isang nagmamahal pa din?

 

Masakit mag let go.

 

Pero mas masakit manatili sa taong alam mong hindi ka na mahal.



 

"Oo ikaw. Mahal kita. I love you. Saranghaeyo, Seulgi-yah"

 

Napalunok ako. Nakatitig pa din sa magaganda niyang mata.

 

Gusto kong ulitin niya yung mga sinabi niya pero hindi ako makapagsalita. Nakakalunod ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. 

 

Tila may pwersa na humihila sa akin papunta doon at wala na akong kawala.

 

Natamaan talaga ako sa babaeng 'to.

 

Mama ito na ba 'yon?

 

I do na agad baby. Punta na tayo sa simbahan!

 

Nahihiya siyang nag iwas ng tingin at tumikhim.

 

"Its okay. I just felt like saying it because when will I? Nadala ako sa-

 

She stopped talking when I kissed her forehead. She pouted. Natawa ako at pinisil ang pisngi niya.

 

"Magpakasal na kaya tayo?" I said half-joking.

 

Kasi kung papayag siya ay pabor na pabor 'yon sa akin! Sino ako para umangal di ba?

 

Baka Irene na 'to.

 

"You can't even say the words and yet you wanted to marry me?" napaatras ako dahil sa pagtataray niya. Kinabahan ako bigla eh.

 

"You really want me to say the words?" pang-aasar ko ulit. Ang cute  kasi ng mukha ng baby kapag naaasar. Ugh!

 

Umiling siya at hinila ang kamay ko.

 

"I don't know about you. Let's go. I'll take you home baka hinahanap ka na ng mama mo" I chuckled at malakas siyang hinila pabalik.

 

"Yah!" reklamo niya ng tumama ang mukha niya sa dibdib ko.

 

"Sorry hehe" I gently tapped her nose.

 

"Mas mahal kita" I finally said the words at feeling ko ako yung kinilig sa sinabi ko nung makita ko ang pinipigilan niyang pagngiti.

 

Ang ganda kainis!

 

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napatingin din tuloy ako sa kanya.

 

Konting lapit pa at magkakaroon na talaga ng kissing scene dito sa terrace ni Ligaya!

 

"Sorry but you're in the wrong place. Get your own room will you?!" napalayo kami sa isa't-isa nang marinig ang boses ng dambuhala. Halatang irita sa naabutan at inirapan pa ako.

 

"Nakatulog nalang yung bata kahihintay sa inyo" she added.

 

Shoot. Si Yeri nga pala! Nauna na kasi 'yun sa kotse kanina.

 

"I-I'm sorry yeah we're heading home. She's already sober so I guess safe ng iuwi siya" Doc explained while looking at me.

 

Ako pa talaga ginawa niyang palusot. Hindi naman ako nalasing.

 

Sa "I love you" niya ako nadrunk eh. ang landi ko.

 

"Hmm. Yeri went back here and said na dito nalang daw siya matutulog"

 

"Where's she?" tanong ni Doc sabay hawak sa kamay ko. Wala na sina Seola sa sala pagbalik namin.

 

Umuwi na siguro. Matagal pala kaming naglandian?

 

"Unfortunately, she's in my room beside Wan! Imagine yung may-ari mismo ng bahay ang matutulog sa guest room? How great is that?" napangisi nalang ako sa reklamo ni Joy habang natawa naman si baby.

 

"Umuwi na sina Seola?" tanong ko na lang bago pa humaba ang pagrereklamo ng kaibigan ko. Nakakahiya kay Doc.

 

"Oo"

 

"How about Exy? Okay na ba siya?" si Doc naman ang nagtanong.

 

"Sort of. Hinayaan ko na mukhang kaya naman siya ihandle ni Seola"

 

Sinamahan niya kami hanggang sa labas pero bago pa ako makasakay ay may binulong sa akin si Joy.

 

"I believe you then." tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

 

Anong sinasabi niya?

 

Pero hindi na niya ko pinansin. Sumilip siya sa loob at ngumiti kay Doc.

 

"Ingatan mo 'tong kaibigan ko Doc tanga pa naman minsan" sinimangutan ko siya at balak sanang batukan pero mabilis itong nakatakbo palayo. Nagawa pang kumaway!

 

"Bye! Take care!" 

 

Kung wala lang dito si Doc hinabol ko na siya at hindi ako uuwi ng hindi siya nagagantihan. Kung makatanga tsk.

 

"Pinagtatawanan mo 'ko?" tanong ko kay Doc ng makita ko siyang tumatawa. Inabot niya ang pisngi ko.

 

"Because you're cute" I smirk.

 

Palagi naman.

 

Natahimik kami pareho habang ako ay iniisip pa din yung nangyari kanina. Napatingin ako sa labas upang itago ang nagbabadya kong ngiti. Nakakahiya kapag nakita niya.

 

I heard her giggling.

 

"Bakit?" agad kong tanong. She just shrugged her shoulder at napailing.

 

"I suddenly remember the maltese. May issue ba kayo 'non?" humaba na naman ang nguso ko.

 

"Tsk. Ewan. Kahit ako hindi alam kung bakit galit sa akin si haetnim. Iniisip ko nalang na binabackstab ako ni Joy sa kanya" mas lalong humagikhik si Doc.

 

Tawang-tawa lang?

 

"So haetnim ang pangalan niya. So cute"

 

"So mas bet mo na siya kaysa saken?" mabilis niya akong sinulyapan.

 

"What are you saying?"

 

"Wala. Cute naman talaga siya kung hindi niya lang ako inaaway!" nakamot ko ang pisngi.

 

"Baka kasi nakikita niyang inaasar mo si Joy" 

 

"Bakit ako lang? Nang aasar din naman si Wan!" frustrated kong singhal.

 

"Ang cute mo mapikon"

 

"Hindi kaya ako pikon"

 

"Says who?" pinanliitan ko siya ng mata.

 

"Hindi mo na 'ko mahal?" nanlaki ang mata niya.

 

"Nilalandi mo ba 'ko?" sasagot na dapat ako nang biglang magring ang cellphone niya.

 

Chairman

 

Tumingin ako kay Doc. Patuloy lang siya sa pagdadrive at halatang walang balak sagutin ang tumatawag.

 

"Baby.." pagtawag ko.

 

"Don't mind her. So how about Ms. Kim? I heard you kanina. Seems like she confessed something sa'yo?"

 

Napalunok ako.

 

"Crush lang 'yon" napansin ko ang mabilis niyang pagsulyap sa tumutunog niyang cellphone at ang paghigpit ng kapit niya sa manibela.

 

Bakit ba ayaw niyang sagutin? 

 

"Kailan?"

 

"Huh?" napatingin ako sa mukha niya.

 

"Kailan siya umamin."

 

Hindi agad ako nakasagot.  Hindi ko naman din kasi makuhang sumagot dahil aware ako na distracted siya.

 

Halatang iniiba niya ang usapan. I sighed.

 

"Sagutin mo muna yung tumatawag" umiling siya.

 

"I said don't mind her." 

 

"Baka importante"

 

"Mas importante ka"

 

Hindi ko siya maintindihan!

 

"Baby sige na. Kung ayaw mong marinig ko ang convo niyo lalabas ako" napapreno siya bigla sabay kuha sa phone. Akala ko sasagutin na niya yung tumatawag pero nagulat ako ng bigla niya itong patayin.

 

She sighed deeply and softly looked at me.

 

"I'm sorry baby its not that nandito ka kaya ayaw ko siyang sagutin. Its because…"

 

Nahihirapan siya.

 

Hinawakan ko ang kamay niya.

 

"Hayaan mo na. Mukhang kailangan mo na talagang magpahinga. Gusto mo ba sa bahay ka na matulog?" dire-diretso kong sabi ng hindi nag-iisip.

 

Tokneneng! Nahihiya tuloy ako sa ngisi niya.

 

"Kaya mo ba?" tila nanghahamon ang tono ng boses niya. 

 

"Bakit naman hindi?" hamon ko pabalik.

 

"Tulog lang?" tumaas baba pa ang kilay niya. 

 

Loko.

 

"Ano ba gusto mo?" she chuckled at nagpatuloy ulit sa pag drive.

 

"I'll do that next time. Wag nating biglain parents mo" 

 

Umiling ako.

 

Sayang!





 

"Like bakit siya pa yung parang ayaw ako kausapin? Ako nga 'tong naimbyerna sa kanilang dalawa ni Yeri!" bulyaw ni Joy habang pilit kong inaabot yung tool na pinakuha ko sa kanya.

 

"Hindi yan yung isa!" reklamo ko.

 

"Plier din naman 'to ah?" umiling ako. Hirap na hirap akong tingnan ang ginagawa niya dahil kasalukuyan akong nasa ilalim ng sasakyan. Yung van nina mama.

 

May kaunting sira lang at matatapos naman agad kung hindi lang 'tong si Joy ang katulong ko.

 

"Yung long nose ang kailangan ko!" sigaw ko. Jusko naghalo ang pawis at amoy ng grasa sa katawan ko.

 

"Mahaba din naman ilong nito?" nagtitimpi akong napapikit.

 

"Basta yung hindi parehas nung kinuha mo kanina!"

 

"Ay i think ito na 'yon" nakahinga ako ng maluwag nung sa wakas ay tama na ang naibigay niya.

 

Patuloy lamang siya sa pagdaldal habang ako ay seryoso sa pag-aayos ng van. Gusto ko ng maligo.

 

Paggising ko palang kanina ay mukha agad ni Joy ang tumambad sa akin. Dito na din siya pinag almusal ni mama at hanggang ngayon nga ay hindi pa din siya umaalis. Nakaalis na lang si mama ay nandito pa din siya.

 

Magtatampo daw kasi si Yeji kapag nalaman nitong dumaan siya dito at hindi manlang siya ginising.

 

Pero duda ako 'don. Heto nga at ako ang ginugulo.

 

Nangangati na din ang katawan ko. Hindi sapat ang karton na ginamit kong sapin sa likod para hindi ako madumihan.

 

"Seryoso yan?" umirap ako kahit hindi niya ako nakikita.

 

Marunong naman kasi akong mag-ayos ng 

mga sasakyan dahil noong nag-aaral pa ako, kapag summer ay umeextra ako sa talyer ni tita. Kapag nagbabakasyon kami sa province ni mama imbes na mamasyal ay mas gusto kong matuto tungkol sa mga sasakyan.

 

Hindi kagaya nitong isa na may sariling sasakyan pero hindi alam pinagkaiba ng mga tools!

 

Minsan nga ay tuturuan ko 'to. Pero hindi libre.

 

"Hoy may tumatawag sa'yo sagutin ko na ba?" sigaw niya.

 

"Oo please malapit na ako matapos" pakiusap ko.

 

"Its your baby. Hi Doc!" mas lalo kong binilisan ang pagkilos.

 

"Sabihin mo wait lang!" sigaw ko.

 

Nang matapos ako ay agad akong lumabas mula sa ilalim ng sasakyan. Nakamot ko ang pisngi ng makitang nagkalat ang tool set ko.

 

"Shes here" rinig kong sabi ni Joy habang inaayos ko yung mga ginulo niya.

 

"Tsk. Kahit kailan talaga ang kalat mo!" reklamo ko. Nakarinig ako ng hagikhik.

 

Halos matumba ako ng makita ko ang mukha ni Doc.

 

"Ang pangit niya kapag nakapout Doc. Seryoso ka baby mo 'yan?" pang-aasar ni Joy habang nakahawak sa phone ko. Tinapat niya talaga sa pagmumukha ko!

 

Nakavideo-call pala!

 

Agad kong kinuha sa kamay niya yung phone. Nagpunas ako ng mukha gamit ang suot kong sando.

 

Walang hiya talaga 'to si Joy! Yung itsura ko.

 

"What are you doing?" tanong ni baby habang pinagmamasdan ako.

 

"Ba't napatawag ka?" agad kong tanong. Nilapag ko muna sa mesa yung phone. Maghihilamos lang ako.

 

"Wait lang mag-

 

"I'm outside. Are you not going to let me in?" 

 

ANO DAW?

 

Kinuha ko ulit yung phone. Nanlaki ang mata ko ng mapamilyaran ang paligid sa likod niya.

 

"Totoo?" 

 

"I brought something for you!" pinakita niya yung plastic na bitbit niya.

 

"Surprise ba 'yan? Eto na lalabas na" kinikilig kong sambit. Hawak pa din yung phone. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop na si Joy. Baka gising na si Yeji.

 

Tinakbo ko ang gate at bumungad sa akin ang napakagandang mukha ng girlfriend ko.

 

"Baby!" masayang bati ko. Hindi ko siya magawang lapitan dahil nahihiya pa din ako sa amoy ko.

 

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Natigil ang paningin niya sa bandang gilid ko. She smirked.

 

"Tama lang pala yung dating ko"  tumaas ang kilay ko.

 

"Ano na namang iniisip mo?" 

 

"Hmm. Lets say na bigla ko lang naisip na puntahan ka. Glad na sinunod ko ang utak ko kung hindi…" namula ako ng bigla siyang lumapit at hawakan ang bewang ko.

 

"Kung hindi..?"

 

"I won't be able to see you in this state." naramdaman ko ang paggapang ng palad niya papunta sa tiyan ko. Mabilis niya itong nagawa dahil open sides muscle tee sando ang suot ko. Kaya pala kanina pa siya tingin ng tingin sa gilid ko!

 

Pinigilan ko siya. Jusko naman tirik na tirik ang araw baby!

 

"Baby pigilan mo. Halika na nga!" hinila ko na siya papuntang garahe kung nasaan ako kanina.

 

"You know how to fix cars?" tanong niya agad nung makita niya ang mga kalat dito.  Tumango ako.

 

"Upo ka muna diyan" sumunod naman siya at kinuha ko ang dala niya.

 

"Para sa'ken lang 'to?" excited kong tanong nung makita ang box ng cupcakes na dala niya.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi