Chapter 15

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

 

But I'm hotter when my morning hair's a mess

'Cause even with my hoodie on

Bet I made you look (I made you look)

Mhm-hm-hm……


 

Naabutan ko ang magaling kong kapatid na nagsasayaw sa harapan ng kanyang cellphone. Walang sabi sabi akong pumasok at dumiretso sa kama nya. May gusto akong hanapin.

 

"Ate naman!" nagugulat na sigaw nya. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng maikling shorts habang suot ang paborito kong hoodie. Hoodie ko! Sinamaan ko sya ng tingin.

 

"Ba't nasa'yo yan?" nakataas na kilay kong tanong. Pinagmasdan ko ang nakakalat na mga damit sa kama nya. Ano bang ginagawa nitong batang 'to? Inirapan nya lamang ako at pinatay ang maingay nyang cellphone.

 

"Tsk! Patapos na sana eh. Kainis. Ano bang ginagawa mo dito?" naiinis na tanong nya pabalik. Nagsimula na nyang pulutin ang mga kalat sa kwarto nya.

 

"May hahanapin ako" sagot ko. Kinuha ko ang toy drawer na nakatago sa ilalim ng kama nya. Alam kong dito yun nakatago. Dati ko 'tong kwarto kaya  alam kong nandito lang yun. Nung bata pa si Yeji sa kwarto sya nina mama palagi natutulog at itong kanya ngayon ang ginagamit ko. Habang kay kuya naman ay sa kasalukuyan kong kwarto. Nung umalis na sya ay ipinarenovate namin itong second floor ng bahay. Mas pinalawak ni mama. Ngayon ay tig iisa na kaming kwarto. May mga gamit pa akong naiwan dito. Lalo na yung mga laruan ko nung bata pa ako na ginamit din ni Yeji. Alam kong nandito lang yun.

 

"Anong trip mo ate? Malayo pa ang pasko wag mong sabihing ang mga pinaglumaan nating laruan ang ibibigay mo sa inaanak mo?" sambit ni Yeji habang nakapamewang at nakatingin sa ginagawa kong pagkalkal. Medyo maalikabok na yung iba. May mga barbie, cars, robot at kung anu ano pang laruan. Nasaan na ba yun? Alam kong dito ko lang lahat yun nilagay nung nagalit si mama nang minsang mainis sya dahil sa kalat ng kwarto ko dati. Muntik pa syang madulas noon nang minsan pumasok sya at maapakan nya ang mga ito.Madalas din kami mag agawan ni Yeji sa laruan noon.

 

"Dont mind me. Ituloy mo lang yang ginagawa mo" sagot ko sa kanya.

 

"Sinira mo na. Nawala ako sa mood!" hindi ko na lamang sya pinansin. Sa susunod ko nalang din sya aawayin tungkol sa hoodie ko na suot suot nya. Hindi pa ako masanay sanay sa pagkuha nya ng mga damit ko ng walang paalam. Tapos kung awayin nya ako wagas! 

 

Napangiti ako ng sa wakas ay makita ko na ang hinahanap ko. Maliliit na action figures ng paborito kong anime dati. Inuyasha. Kumpleto pa siguro yung mga characters nito. Nakalagay ito sa isang transparent jar.

 

 Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nung binigay ito sa akin ni Doc. Grabe lang yung iyak ko nun. Sobrang saya ko kasi. Ikaw ba naman regaluhan ng crush mo di ba? Nagpapasalamat talaga ako sa diary ko eh. Kay Sarah G dahil unti unting bumabalik sa ala-ala ko yung mga nakaraang nawala na sa isip ko. 

 

Tumayo na ako at handa na sanang lumabas pero hinarang ako ni Yeji.

 

"Kung marunong kang kumuha dapat marunong ka ding magbalik."  ngumisi ako sa kanya.

 

"Kung marunong kang kumuha dapat marunong ka ding magpaalam" sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang suot nya. Dire diretsong na akong  lumabas ng kwarto nya. Bahala na sya dun magligpit ng kinalat ko bwahaha. Napakamaldita! 


 

Pinatong ko sa lamesa katabi ng kama ko yung jar. Nangingiti 'kong pinagmasdan ito bago ko buksan. Nakamot ko ang pisngi ng makita kong wala na ang isang kamay ni kagome! Naalala ko nag agawan kami ni Yeji dito. Hayssss kahit kailan talaga kontrabida sa buhay ko yung batang yun! Inayos ko sila isa isa. Nagselfie din ako kasama sila at syempre isesend ko ito sa bebelabs ko.


 

Me:     .img_

        Hulaan mo kanino galing 'to. Clue crush ko:)


 

Kinikilig ko itong sinend sa kanya. Alam ko namang mamaya nya pa yan mababasa. Sobrang busy nya kasi ngayon at palagi syang nakanight shift. Nagmadali kong buksan ang cellphone ko nang bigla itong tumunog.

 

Tabajoy:  Samahan mo'ko bukas ng gabi. Ako susundo sayo.

 

Me:  Si Wan?

 

Tabajoy: Coding

 

Ah oo nga pala. Nagreply ulit ako.

 

Me: Baka may jowa ako?

 

Tabajoy: Pake ko? Baka busy jowa mo?


 

Napasimangot ako sa katotohanan. Tsk! Namimiss ko na baby ko huhu. Pero ano naman bang magagawa ko? Kasalanan ko dahil nagjowa ako ng Doctor. Char. Hindi naman ako nagrereklamo. Masaya ako dahil sya ang minahal ko. Naks! Sadyang namimiss ko lang talaga sya araw araw. Namimiss ko na yung kapilyahan nya. BabyyyyyT_T


 

Me: Oo na! Sa'n tayo pupunta?

 

Tabajoy: Basta!

 

Me: Kasama si Wan?

 

Tabajoy: Syempre hindi!

 

Me: Bakit nagagalit? T_T

 

Tabajoy: Naaasar ako sayo palagi.

 

Me: Eh bat ako isasama mo?

 

Tabajoy: Tagabitbit.

 

Me: Hindi ako sasama!

 

Tabajoy: Di wag walang susundo sayo.

 

Me: Baka marunong akong magcommute?

 

Tabajoy: Sumbong kita kay Doc!

 

Me: Hindi mo yan magagawa bleh:p

 

Tabajoy: Gusto mo bang malaman nya na hindi ka nagpasundo? Pupuntahan ka nya beach panigurado at magugulo ang trabaho nya. Gusto mo yun?

 

Me: Oo na sasama na letse ka

 

Tabajoy: Mas letse ka. Matulog ka na di na yun magrereply.

 

Me: Pakapa mo! Siguro kaya hindi kasama si Wan kasi isusurprise mo sya no? Aamin ka na yieee dalaga na ang baboy.

 

Tabajoy: TANK IN A MALL!


 

Napahiga ako sa kama at napahawak sa tiyan kakatawa. Halatang galit na si Ligaya. Tiningnan ko kung anong oras na. 9:45 p.m. Konting tiis nalang at magpaparamdam na ang baby ko. Kaya mo yan self. Wag ka munang antukin.




 

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang malakas na vibration ng cellphone ko.

 

         Doc:* calling……

 

Napabangon ako bigla at nagkusot ng mata. Nakaidlip pala ako jusko! Sinagot ko ang tawag nya.

 

"Hello Hyun?" hindi ko na napigilan ang sariling humikab. Nagtakip ako ng bibig.

 

"Omo natutulog ka na ba baby? Im sor-

 

"Okay lang hinihintay naman talaga kita. Ano k-kumain ka na ba?" nahihiya kong tanong. Hanggang ngayon ay nauutal pa din ako kapag gusto ko syang tanungin sa ginagawa nya. 

 

"Im eating right now" narinig ko ang kaluskos sa linya nya. Kumakain nga sya.

 

"Ganun ba? Kain ka muna pwede naman tayong mag usap mamaya" tumayo ako upang hinaan ang aircon sa kwarto. Nakasando lang kasi ako dahil mainit kanina.

 

"I miss you na baby I can't wait to talk with you. Hows your day?" kinilig muna ako ng ilang seconds bago ko sya magawang sagutin.

 

"So far so good. Ilang months nalang at mabubuo ko na ang pangarap mo hehe" proud kong sagot sa kanya. She chuckled. Eargasm talaga eh.

 

"Hmmm by the way, nasayo pa din pala yung gift?" napakagat ako sa labi at tumango. As if kaharap ko sya at nakikita nya ang pagtango ko.

 

"Oo naman. Nahulaan mo na ba kung sino yung nagbigay?" kinuha ko ang paborito kong yakapin na unan.

 

"Maganda ba sya?" natawa ako sa sagot nya.

 

"Sobra" natagalan bago sya sumagot ulit.

 

"Crush mo?" mas lalong lumawak ang ngiti ko.

 

"Matagal na. Childhood crush" napasinghap sya. "Okay ka lang Hyu-" namatay bigla ang tawag. Huh? Tatawag na dapat ako ulit nang bigla syang mag video call. Nag ayos muna ako ng sarili. Sinuklay ko gamit ng mga daliri ang aking buhok. Umupo din ako ng maayos at ipinatong ang unan sa binti ko.

 

"Hi baby" bumungad sa akin ang napakagandang mukha ng girlfriend ko. Napansin ko ang suot nyang asul na scrub suit at medyo magulo ang buhok nya. Pero hindi ito rason para magmukha syang haggard. Kitang kita ko ang mukha nya kahit pa medyo madilim sa kwarto kung nasaan man sya. Napansin ko din ang bunk bed sa likod nya.

 

"Nasan ka?" tanong ko habang nakatingin sa likuran nya.

 

"We Doctors have what we called an on-call room. Dito kami madalas magpahinga." pinakita nya sa akin ang kabuuan ng kwarto. Maliit lang yung space. Bunkbed at isang couch lang ang nandoon. Talagang ginawa lang sya para sa mga night shift doctors na gusto magpahinga.

 

"Ikaw lang mag-isa?" ibinalik na nya ang focus ng camera sa kanya.

 

"Jen's outside. Kausap yung lover nya" tumango ako. Mabuti naman at may kasama sya. 

 

"Tapos ka na kumain?" tanong ko ulit.  Ngumiti sya at mas lalo pang inilapit ang mukha sa screen.

 

"Oo naman yes" napairap ako sa panggagaya nya sa akin. Tawang tawa lang naman ang baby. Pasalamat sya mahal ko sya. "So you've been crushing on me since what?" mapang asar na tanong nya.

 

"So nakipagvideo call ka talaga para asarin ako huh baby?" 

 

"Bat di mo ko sagutin?"

 

"Bat ka muna nagtatanong?" malakas syang tumawa. Feeling ko nagecho sa buong room nya yung tawa nya.

 

"Ang pikon mo talaga baby. Cute" kumindat pa talaga! Alam nyang kahinaan ko yun eh. Tumingin ako sa kanya ng diretso na syang ikinatahimik nya. Tumikhim. "Why are you so serious?" she mumbled something pero hindi ko narinig.

 

"Ano yun Hyun?" 

 

"Wala sabi ko gusto na kitang makasama" unti-unti kong nararamdaman ang pag unat ng pisngi ko. Aish kainis ang hirap magpigil ng ngiti. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nasulyapan ang nakabukas na pintuan ng kwarto ko. Hindi ko pa pala nasasara. Tumayo ako. Sinandal ko muna sa unan yung phone. "Hey where are you going?" rinig kong sabi ni Doc.

 

"Teka lang isasara ko lang yung pinto" kita naman nya ako dahil nakaharap ang screen ng cellphone kung saan ako pupunta. "Saan na nga ulit tayo?" tanong ko pagbalik. Pero hindi sya sumagot nakatitig sya sa…

 

Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang dibdib ko. Nakalimutan kong wala akong bra! Juskopo. Nakasando lang ako kaya panigurado kitang kita nya yung..yung.. lalo na at kulay puti yung suot ko.

 

"Hoy baby yung mata mo" sita ko sa kanya. Mukhang nagulat naman sya at tarantang ibinalik ang mga mata sa akin.

 

"Aren't you cold?" mahinang tanong nya. Mas lalo akong nag init ng mapansin ko ang mabilis nyang pagsulyap sa dibdib ko.

 

"H-hindi. Mainit kasi kanina tsaka hininaan ko na yung aircon" halos hindi na ako makatingin sa kanya ngayon. Kinuha ko ang phone at bumalik sa dati kong pwesto. Niyakap ko ang unan at sinadyang takpan ang bandang dibdib ko. Nakakahiya. Mabuti sana kung may maipagmamalaki ang hinaharap koT_T.

 

"Baby…" bumigat ang paghinga ko sa tawag nya. Parang may kung ano akong naramdaman. Parang gusto ko syang puntahan at hawakan bigla. Ano ba 'to? Huminga ako ng malalim. Nagsisimula nang maglakbay ang isipan ko sa kung saan.

 

"Ano…uhhh m-may pupuntahan daw kami ni Joy bukas" pag-iiba ko ng usapan upang mawala ang tensyon sa aming dalawa. Mukhang nakuha naman nito ang atensyon nya. Ipinatong nya ang pisngi sa kanang kamay nya.

 

"Saan daw?" nagkibit balikat ako.

 

"Ayaw nyang sabihin. May kutob na ako na tungkol kay Wan hehe lalayag na ata ang WenJoy ko baby" excited na sabi ko. Umiiling syang natawa.

 

"Pero Seulrene lang malakas" nagtaas baba pa sya ng kilay. Bakit ba sya ganyan? Kainis gusto ko sya biglang panggigilan at yakapin.

 

"Ang ewan mo baby." napansin ko ang pagsulyap nya sa suot nyang relo. Namimiss ko na naman sya kahit na kausap ko pa sya. " Ilang minuto ang pahinga mo"? tanong ko.

 

"It doesn't matter. Hindi pa naman ako tinatawag ni Doc." tumitig sya sa akin ng matagal. "I really miss you but for now kailangan mo nang matulog. Babantayan kita" 

 

"Hindi pa ako inaantok"

 

Pero traydor ang mga mata ko dahil habang nag uusap pa kami ay unti-unti na itong bumabagsak. Naririnig ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi