Chapter 4

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayon ang araw ng pagbisita ko sa site. Kasama ko si Ms. Jung.  Sya yung Chief Operating Officer namin. Nasa loob ako ng kotse nya.
Habang nasa byahe, puro trabaho lang yung pinag usapan namin. Syempre, kailan ba naman 'to hindi nagseryoso. Mula nung pinakilala sya bilang new COO nung nakaraang buwan, parang biglang nagbago ang atmosphere sa office. Masyado kasi syang seryoso sa buhay. Ni minsan, hindi namin sya nakitang ngumiti. Tapos palagi pang nakataas ang kilay nya.

Kaya sa loob ng ilang buwang pananatili nya, wala pa talaga syang nakakasundo.

Balita ko anak sya ng may ari ng company. Magkapatid sila ni Mr Choi Minho. The CEO. 

Magkapatid sila pero bakit magkaiba sila ng apelyido?

"I made a deal with one of the most well-known construction firm here in our country" napatingin ako sa kanya.

May bago na naman akong makakatrabaho.

"We need more construction workers and foreman"

Lumingon sya saglit sa akin bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Other than visiting the site, I want you to meet the Supervisor. I already talked to her boss. He already signed the contract." sumulyap sya sa mga dokumentong nasa kamay ko. "Ibigay mo yan sa kanya".

"Okay boss" sagot ko. Tumingin ako sa labas. Medyo malayo na yung lugar mula doon sa office. Puro mga puno tsaka ricefileld na yung nakikita ko sa paligid.

Dito ba sya nakatira? Ito ba yung dinadaanan nya lagi?

"We're here" nandito na pala kami. Bababa na sana ako ng marealize kong hindi sya nagtanggal ng seatbelt. Nilingon ko ulit sya. Tiningnan ko sya ng may pagtataka.

Hindi pa ba sya bababa?

"I gotta go. Minho called. He wants me to pick his wife at the airport" walang emosyon na sabi nya.

So iiwan nya ako dito nang mag isa?

"Y-you'll leave me here?" kinakabahan kong tanong. Inobserbahan ko ang paligid. Nasa harap namin ang isang luma at may kalakihan na ospital. Giniba na ang kalahati nito. Nakatirik ito sa gitna ng malawak na lote. Wala akong makitang ibang buildings bukod dito. Puro puno yung nakikita ko sa likod.

"The Supervisor will be here naman"

Kahit na! Hindi ba pwedeng tsaka na sya umalis kapag may kasama na ako?

"C-can you atleast stay hanggang sa dumating sya?" umikot ang mata nya sa sinabi ko.

"What? You're not a kid anymore stop being a chicken!" 

Wow naman! Hindi ba pwedeng matakot kahit matanda na? Kaya ayoko  dito eh! Babatukan ko 'to.

"Lalabas na boss" inayos ko na yung mga dala ko. Inipit ko sa kili kili yung mga documents. Nung makalabas ako, hindi ko pa magawang isarado yung pintuan ng kotse nya. Nakahawak pa din ako dito.

Baka pwede pa syang mapilit?

"Let go" utos nya. Ngumuso ako. Hindi ko madescribe yung itsura nya. Nandiri ata.

Aba ang cute ko kaya!

"You aint that cute Ms. Kang. That can't trick me. Let go" walang kabuhay buhay na sabi nya. Wala akong nagawa kung hindi ang bumitaw. Sya na mismo ang nagsara ng pinto.

"Boss...." tawag ko ulit. Bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Talk to her nicely. Use your charms" sabi nya pagkatapos ay iniwan na ako.

Iniwan nya talaga ako!

Nung mawala na sya sa aking paningin, nagsimula ko nang obserbahan ang paligid.

Tabing highway pala yung lugar. Sa kabilang kalsada, may mga bahay naman pero iilan lang. 

Ang tahimik.

Puro malalaking truck at kotse ang dumadaan sa kalsada.

Pumihit ako paharap. Ito yung gusto nyang iparenovate?

Naalala ko tuloy yung hinatid nya ako sa bahay dalawang araw na ang nakalilipas.
Hanggang ngayon rinig ko pa din yung kantang pinatugtog nya.

Favorite ko na din ata kasi dalawang araw ko na ding pinapakinggan iyon. Maging yung mahinang pagsabay nya sa kanta saulo ko pa. 

Nobody gonna love me better
I'ma stickwitu forever

Yung galaw ng ulo tsaka kamay nya habang nagdadrive sya. Kung paano sya ngumiti sa akin kapag nahuhuli nya akong nakatingin sa kanya. Yung boses nya. Matamis!

Nobody gonna take me higher
I'ma stickwitu


"Take care" 

"Ikaw din doc"

Gusto kong maulit ang pangyayaring 'yun.

Kailan ko kaya sya ulit makikita? Lord pwedeng isa pa?

Kinaltukan ko ang sarili. 

Nababaliw na ako.

Nanatili lang akong nakatayo.  Matagal pa ba  yung kikitain ko?

Nagpalinga linga   ako sa paligid. May nabibilhan kaya dito ng tubig? Nauuhaw ako.

Hahakbang na sana ako nang bigla akong makarinig ng busina.

 Isang itim na big bike ang paparating. Papunta sya sa direksyon ko. Hindi ko makita kung sino yung nagdadrive dahil sa helmet na suot nya.


Teka!

Babanggain nya ba ako? 

Papalapit na sya sa pwesto ko.

Hindi ako makagalaw.. Napapikit nalang ako.

Mukha ni Doc ang nasa isip ko. Gusto ko pa syang makita ulit!

Hindi ko na alam ang nangyayari. Tanging pag andar lang ng motor ang naririnig ko.

Ang ingay!

 Tinakpan ko ang dalawang tenga ko. Nahulog ang mga papel na nakaipit sa kili kili ko. 

Bwiset ka kung sino ka man!

Nawala ang ingay makalipas ang ilang segundo.

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.

Asan na yun? 

"Hey sorry for scaring you. I just want to have fun" rinig kong sabi ng boses sa likod ko. Mabilis akong humarap sa salarin. 

Isang babaeng itim! 

Naka all black outfit sya. Yung tshirt lang sa loob ng leather jacker nya ang kulay puti. A black jeans. A black boots. A black big bike. Hawak nya sa kaliwang kamay ang kanyang black helmet.

Hindi halatang paborito nya ang kulay itim!

"Done checking out the coolest chic alive?" mayabang na sabi nya. Napaismid ako.

Hindi ko sya type. Pero si Wendy oo. Ganyang ganyan yung mga tipo nya. 

 Nagsimula ko ng pulutin yung mga nahulog na papeles. Maghanap sya ng kausap nya sino ba sya? Wala akong ganang makipagtalo.

Have fun nya mukha nya!

Ang lawak lawak ng lote bakit dito pa kung saan ako  nakapwesto  naisipan nyang mag have fun?

 Naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko. Tumulong sya sa pagpupulot. Dapat lang kasalanan naman nya 'to!

"Hey im really sorry okay?"  pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko. Tumayo na ako. Sumunod sya. Siguro mas mataas sya sa akin ng kaunti kung hindi lang ako nakaheels ngayon.  Flat boots kasi yung suot nya pero magkasingtangkad na kami. "Look i didnt mean to scare you".

Anong didnt mean? Kasasabi nya lang na gusto nya ng fun!


"Sa comedy bar ka sana pumunta" pamimilosopo ko sa kanya. Natawa sya.

" Tell me, what do you want me to do?. I wanna make it up to you" 

Umalis ka sa harapan ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi