Chapter 8

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Humahangos na pumasok ako ng ospital kung saan dinala ang kapatid ko.

Si Yeji.

Nasa trabaho ako nung tumawag si mama. Inatake ng asthma ang kapatid ko habang tumutulong doon sa shop. Sya kasi ang pinagbantay nina mama dahil umalis sila ni papa upang kumuha ng mga supplies. Tanging mga empleyado lang doon ang kasama nya at sila din daw ang nagdala sa kapatid ko sa ospital. Jusko. Hindi ko alam kung paano nila nadala si Yeji doon. Halos magkakasing edad lang kasi sila. Pero nagpapasalamat pa din ako. Mabuti nalang nandoon sila at hindi nila ito pinabayaan.

 

"Yeji Kang?" hinihingal kong tanong doon sa receptionist. Hindi ko na magawang kumpletuhin ang dapat sasabihin ko. Gusto ko na syang puntahan agad. Parang nagulat pa nga ang kausap ko. Tumitig pa ito sandali at tarantang tumingin sa monitor. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa nya. Parang nanginginig pa ang kanyang mga kamay sa pagpindot. Bago lang ba 'to?

Pakibilisan please.

"Ate Seul!" mabilis akong lumingon sa tumawag ng pangalan ko. Si Winter. Binalingan ko muna ang receptionist bago ko sya puntahan.

"Salamat Miss ah" sabi ko dito at nagmamadaling sinalubong si Winter. Pareho kaming dalawa na hinihingal. Nakashort lamang ito at puting tshirt. Duty ata sya kanina at sigurado akong kasama sya sa nagdala dito sa kapatid ko. 

 

"Nasa ICU sya ate" parang may kung anong bumagsak sa buong pagkatao ko pagkarinig ko ng sinabi nya.


 

"H-huh?"

 

"Si Yeji nasa ICU po. Doon po sya agad dinala pagpunta namin dito" pagpapaintindi nya sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya. Anong gagawin ko? Paano? Anong ginawa ng kapatid ko? Bakit naman umabot sya sa ganito? Akala ko ba okay na sya. "Ate.." pag agaw muli ni Winter sa atensyon ko. Hindi na kasi ako halos mapalagay dahil sa pag aalala.

"Puntahan natin sya" agad naman itong tumango at sabay kaming naglakad.

"Sinarado po muna namin ang shop ate" kwento nito.

"Okay lang. Nasaan ang ibang kasama mo?" tanong ko sa kanya. Mabilis ko syang hinila sa gilid ko. May dumaan kasing mga nurse na may hila hilang pasyente na nasa stretcher. Nakita ko pa ang duguang kaitsurahan nito. Natakot ako bigla. Kahinaan ko ang makakita ng dugo.

"Nandoon po sila" tinuro ni Winter ang mga kasamahan nya sa di-kalayuan. Magkakatabi silang nakatayo sa labas ng isang room. Binasa ko agad ang signage na nasa itaas. Intensive Care Unit. Dito na yun.

"Winter" tawag sa kanya ni Lia. Isa sa mga nagtatrabaho sa shop namin. Napatingin na din sa amin ang dalawa pang kasama nya. Isang matangkad na babae at si Ryujin. Bakit 'to nandito?

"Si Ate Seul" tinuro ako ni Winter. Kilala ko naman na sila maliban nalang doon sa matangkad. Bagong recruit ata ni Win. Si Lia at Winter kasi matagal na silang pabalik balik sa shop namin upang umextra. Kapag walang pasok, doon sila nagpapart time job at summer job. Kada weekend kapag hindi sila busy, hindi sila nagdadalawang isip na tumulong doon. Katiwala na sila ni mama. Yung isa, siguro bago 'to. At si Ryujin hindi ko alam kung paanong nakasama sya dito. Nakasuot ito ng statement shirt na black at ripped jeans. Parang gagala lang.

"Si Yeji Ate Seul. Hindi po namin alam kung anong gagawin namin kanina. Nagsabi sya na sumasakit ang dibdib nya kaya hindi na po namin sya pinagalaw pero natakot po kami ng makita naming nahihirapan na po syang huminga" paiyak na si Lia habang nagkwekwento ng tungkol sa nangyari kanina. Pare pareho silang namumutla at nag aalala. 

"Paano nyo sya nadala dito?" tanong ko.

"Si Ryujin po" agad naman itong lumingon sa amin mula sa pagkakatitig sa pintuan ng ICU. Hindi ko masyado makita ang mukha nya dahil sa itim na facemask na suot. Tinanggal nya ito bago nagtanong.

"Why po"? sumulyap ito sa akin saglit at mabilis na tumingin kay Lia.

"Ate Seul asking how did we get here" singit nung isang kasama nila.

"Uhh I drove them here" nahihiyang sambit nito. Bakit ba hindi sya makatingin sa akin? Tinanguan ko sya.

"Thank you Jin-jin" nanlaki naman ang mga mata nito. Ayan tumingin din!

"How-

"We're siblings remember?"natatawang sambit ko.

"I…I know po." nahihiya itong yumuko at binalik ulit ang suot na facemask. Hinarap ko silang apat.

"Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan pero salamat talaga sa inyo. Wag na kayong mag alala magiging okay din ang kapatid ko." nginitian ko sila isa isa.

Magiging okay din si Yeji. Alam ko.

"Winter, bumalik na kayo sa shop. Ako na ang bahala dito. Pauwi na din sina mama. Teka, may dala ba kayong mga susi? " nagkatinginan silang tatlo.

Sabi ko na nga ba.

 

"Ikaw yung naglock!" turo ni Lia kay Winter.

 

"Oo nga pero wala akong susi!" sagot naman ni Winter. Mabuti nalang may spare key din ako. Kinuha ko ito sa loob ng aking bag.

 

"Wag na kayong mag away. Eto ang susi, kayo muna bahala doon. Baka si papa lang ang dumiretso doon pakibigay nalang to sa kanya. Si mama dito agad yun pupunta." binigay ko kay Winter ang susi kasama ng pera. Nagtataka nya akong tiningnan. Ngumiti ako sa kanya. "Sa inyo yan. Salamat ulit."

 

"Hala si Ate Seul. Kahit wag na po." nahihiyang sambit ni Winter.

"Tanggapin nyo na. Ibili nyo ng snacks nyo o kung anong gusto nyo bahala na kayo" natutuwa talaga ako sa kanila. 

"Kunwari lang yan si Win Ate" pang aasar sa kanya ni Tangkad.

"Heh tigilan mo'ko Yunana"

 

Yunana?

 

"Salamat ate ah. Paghahatian namin 'to ni Lia. Hindi ko bibigyan yung isa dyan!" sabi ni Winter habang iniirapan si Yunana.

 

Kakaiba naman pangalan nya.

 

"Yuna lang kasi baka isipin ni ate Yunana talaga pangalan ko!" palihim akong natawa. Tama naman sya. Binalingan ko ng tingin si Ryujin na nakatulala pa din sa pintuan ng ICU.

 

"How about you Ryujin?" nagulat naman ito at napabaling ulit ang tingin sa akin. Tinanggal nya ulit ang facemask na suot. Ako nahihirapan sa kanya eh.

"Yes po Ate?" magalang na tanong nito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" 

"Not until Yejis fine" mabilis na sagot nya. I like her.

"Baka mamaya pa sya. Wala ka bang pupuntahan?" paninigurado ko dahil base sa suot nya halatang may lakad sya.

"Uhh.." she looks conflicted.

"Dont worry. I'll message you mamaya about her. Sa ngayon,pumunta ka muna sa dapat mong puntahan. Ako na ang bahala dito." nakumbinsi ko naman sya ilang minuto ang nakalipas. Nag isip pa ata. 

"Alis na kami Ate. Ingat ka po" paalam ni Lia.

"Kayo din" sagot ko. Hinatid ko muna sila sa labas pagkatapos ay bumalik sa loob kung nasaan  si Yeji.

 

Ano na kayang ginagawa sa kanya ngayon?  Okay lang ba sya? Kailangan nya ba ng kasama?

 

Oo naiinis ako kapag inaasar nya ako pero mas gugustuhin ko pang bwisitin nya ako maghapon sa bahay kaysa mabwisit sa kaiisip dito. Huminga ako ng malalim at sumandal sa pader.

 

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Ngayon ko lang din naramdaman ang pawis sa katawan ko. Kinuha ko sa bulsa ang panyo at pinunasan ang buong mukha ko. Humawak ako sa batok at tumingala. 

 

Please be okay.


 

"Engineer" napabalikwas ako sa pagkakasandal ng marinig ko na naman ang pagtawag nya. Pamilyar na pamilyar na talaga sa akin ang boses nya na kahit hindi ko na sya lingunin, alam kong sya ang tumatawag sa akin. Na pati puso ko, awtomatikong tumatalon kapag malapit lang sya.

 

"Doc" hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang itsura nya. Nakashort sleeve button down polo sya na nakatuck in sa kanyang checkered trouser pants. Pinaloob nya ito sa kanyang lab coat. May kung ano syang hawak na mga papel sa kanang kamay. Tumaas ang titig ko sa mukha nya.

 

Namiss ko sya.

 

Ilang araw ko naman kasi syang hindi nakita. Mabuti pa si Miss Jung palagi nyang kinakausap. 

 

"Are you okay?" nabalik ako sa reyalidad ng bigla syang magtanong. Hindi ako okay Doc. Ngumiti ako sa kanya.

 

"Oo naman Doc. N-nag aalala lang ako para sa kapatid ko" nakatingin pa din ako mukha nya. Katulad ng dati, may kakayahan na naman syang pakalmahin ako. Lulubos lubusin ko na ang pagtitig sa kanya ngayon dahil alam ko, ilang araw na naman ang dadaan bago ulit magtagpo ang landas namin.

 

Kailan ba kami uusad?

 

Kung may iuusad ba. Sa aming dalawa, parang ako lang naman ang may gustong may mangyari pa na iba.

 

"What happened?" lumapit sya sa pwesto ko. Naaamoy ko na naman sya. Naikuyom ko ang mga kamao.

 

Wag kang lumapit masyado Doc. Delikado.

 

"Umatake y-yung asthma nya" nanghihina kong sagot. Pasimple akong lumayo at sumandal na lamang sa pader. Pinaloob ko sa bulsa ang nakakuyom na kamao. Sumilip sya sa pintuan ng ICU bago humarap sa akin. 

 

Breathe Seulgi

 

"Kailan ba sya huling inatake?" maingat na tanong nya. Nag ipon muna ako ng hangin bago ko sya sinagot.

 

"Matagal na. Isang taon na ata o sobra pa" nakalimutan ko na kasi yung huling inatake sya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi