Nutrition Month

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakapagod! Ang dami naming ginawa kanina.

 Pasensya ka na pala Sarah G kung ilang linggo na naman kitang hindi kinausap. Ang dami kasing activities sa school! Bukod sa officer na ako sa classroom, may performance tsaka competition akong inasikaso..

Hayssss ang bata bata ko pa pero sobrang busy ko na! Chos.

Yun nga. Kaninang umaga nagparade kami. Grabe lang yung nilakad namin! Pagdating ko sa school, sobrang busy ng mga tao. Lalo na yung mga officer kasi may program sa hapon. Nakita ko pa nga si Ate Irene na nagdedecorate ng stage. Actually, katulong dapat kami dun pero hindi ako nakakapunta dahil nga yung vacant time sana namin ginugugol namin sa practice.

Yung ipeperform namin na ayoko ng maalala buong buhay ko! 

Tapos ang dami kong dala na mga gulay! Paano kasi si mama sabi nya dalhin ko daw lahat ng gulay na nasa rep! Para tuloy akong nagtitinda ng mga gulay sa room T_T. 

Nagpaalam lang naman ako sa kanya na kukuha ako kahit dalawang pirasong labanos dadalhin ko lang sa school. Kasi ang utos sa amin magdala daw kami ng prutas o kaya gulay. Bibitbitin daw namin yun habang nasa parade.

Eh ayoko naman ng prutas! Masasayang lang yun. Tsaka baka hingin ni Moonbyul. Pinapantasyahan pa naman nya laman ng rep namin! 

Kaya ayun pinadala nya sakin yung mga pechay, sayote, labanos tapos carrots tapos may malunggay pa juskopoT_T.

Nahihiya nga akong dalhin!

Wala naman akong magagawa kasi baka magalit si mama kapag nag inarte ako! 

Tapos nakabilao pa sya Sarah G huhuhuhu. 

Nung nasa tricycle nga kami alam ko tawang tawa na sa akin si tabachoy!

Pero inunahan ko na sya ng masamang tingin! Yung tingin na aapakan ko ulit ang kumikinang nyang sapatos kapag tumawa sya sa kaitsurahan ko!

Mabuti pa sya dalawang piraso lang na apple dala nya habang ako...

Hindi kami nag away buong byahe. Nababadtrip ako sa bilaong hawak ko! 

MamaT_T

Nung makababa kami ng tricycle, nadistract ako sa mga drawings na nakadisplay sa labas. 

Nasa gitna yung drawing ko! Kahapon kasi yung postermaking contest. Tapos mamaya sa program sya ijajudge at iaanounce kung sino yung mananalo.

Hindi na din pala masama na pinush nila ako dito. Malay mo manalo ako o kaya kahit third place lang edi may prize ako! 

May pera ako yeeeyyyy!!

"Hey bebe" napatingala ako sa taong humarang sa akin. Nanlaki ang mata ko.

Wow

Ang ganda nya! Teka si Ate Sunmi ba 'to?

"Ate Sunmi?" tanong ko. Nilagay ko sa kaliwang bewang yung hawak ko sa bilao. Nangangalay na kasi yung sa kanan!

"Ako nga hihi" ngiting ngiting sagot nya. Titig na titig ako sa kanya. As in.
 
Majorette sya?

Ang ganda ng costume nya. Pinaghalong blue, red tsaka white yung kulay ng costume nya na may trim na gold. Ang ikli ng dress nya kaya kitang kita ko kung gaano kahaba yung legs nya!

Nakastocking ba sya? Parang hindi eh pero grabe ang puti ng paa nya!
  May suot din syang sumbrero na pahaba. Kulay blue tsaka red din yung kulay. Pinagmasdan ko yung baton na hawak nya.

What if magpaturo ako sa kanya kung paano gumamit nyan?

"Ang ganda mo naman Ate Sunmi" excited kong sabi sa kanya. Nagulat pa ata sya kasi medyo natulala pa sya ng ilang seconds.

"Talaga ba? Kapag ganito lang ba ako maganda?" 

Hala si Ate pinuri na nga eh nagdedemand pa!

"Galingan nyo po mamaya ah!" sabi ko nalang. Nangangalay na talaga ako sa bitbit ko.

"Oo naman panuorin mo ko ah!" 

Inuutusan nya ba ako? 

"Opo" oo nalang ako.

 Tiningnan nya ang mga dala ko. Nahiya tuloy ako bigla. Tsaka ko lang naalala yung kaitsurahan ko kumpara sa kanya huhuhu.

"Ang cute mo talaga" 

Nangunot ang noo ko. Anong cute sa itsura ko? Kasinghaba na siguro ng suot nyang sumbrero ang pagtulis ng nguso ko! Narinig ko naman ang pagtawa nya.

Narealize nya na bang mali ako ng pinasukan? Na dapat nasa palengke ako imbes na eskwelahan?

"Halika na tulungan na kitang bitbitin yan" mabilis naman akong napailing sa suggestion nya.

Ang ganda ganda nya ngayon tapos magdadala sya ng bilao?

"W-wag na po ate. Hindi bagay" pagtanggi ko.

"Hindi bagay?" nagtatakang tanong nya.

"Yung bilao hindi bagay sa costume mo" napaatras ako dahil sa lakas ng tawa nya sa sinabi ko.

Anong nakakatawa dun? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Hindi yan. C'mon give me your bilao" give me daw pero sya na mismo yung kumuha! Hindi na ako nakatanggi kasi baka kapag nakipaghilahan pa ako sa kanya mahulog yung mga gulay!

Pinabayaan ko nalang sya. Mas matanda sya sa akin kaya sunod nalang ako.

"Kasali ka ba sa magpeperform mamaya?" tanong nya habang magkatabi kaming naglalakad  Natigil ako sa paglalaro ng baton nya. Pinahawak nya kasi sa akin 'to tapos sa kanya daw yung bilao na nasa kanang bewang nya. Pinagtitinginan na nga sya ng mga estudyanteng masasalubong namin. 

Ako yung nahihiya para kay Ate!

Kaya itong baton nalang yung pinagtuunan ko. Pinapaikot ikot ko lang sa kamay ko ganun. 

Kung sasali ako sa banda ng school gusto ko sa drums ako para astig! 

"Sunmi" sasagot na sana ako ng hindi ko inaasahan na nasa harap na pala namin si Ate Irene. Nagulat ako. Nabitawan ko tuloy yung baton! 

Hala! Nalaglag ito sa semento!

 Dali dali ko naman itong pinulot. Baka madumihan lagot na!

"Whats that?" rinig kong sabi ni Ate Irene. 

"Bilao daw sabi ni Seulgi" natatawang sagot ni Ate Sunmi. Kita mo na! Pasabi sabi pa sya ng cute eh pinagtatawanan naman pala nya yung dala ko!

"Bakit na sayo?" tanong ni Ate Irene. Hindi ako makasingit sa usapan nila. Busy ako magpagpag ng nadumihang baton ni Ate Sunmi. Ginamit ko yung panyo ko bilang pamunas. Kinakabahan ako baka magalit sya sa'kin! Si Ate Irene naman kasi nanggugulat. Alam ng crush ko sya eh!

"Tinulungan ko sya?"

"Kanina ka pa hinahanap sa court. Nandun na yung mga bandmates mo ikaw nalang yung kulang"

"Ako na magdadala nyan Ate Sunmi. Punta ka na sa court" sabi ko habang hindi ako nakatingin sa kanila. Sinisipat kong mabuti kung napunasan ko ba ng maayos yung baton nya. May dumi pa kaya?

"Okay lang. Ihahatid lang kita tapos pupunta na ako doon" napakamot ako sa pisngi! Ang kulit ni Ate Sunmi! Magsasalita na sana ulit ako ng maunahan na naman ako ni Ate Irene.

"Give me that" mabilis tuloy akong napatingin sa kanila. Kay Ate Irene pala.

Seryoso? 

Anong meron sa bilao ko at gustong gustong dalhin ng magagandang nilalang sa harap ko?

"Ako na" pagtanggi ni Ate Sunmi. Inilayo nya ito kay Ate Irene.

"Nagagalit na si Sir. May last practice pa ata kayo. Magsisimula na yung parade maya maya lang" paliwanag ni Ate Irene habang inaabot na yung bilao. 

Paano maging bilao?

"I can explain kay Sir" makulit na sabi ni Ate Sunmi. 

"Excuse me po" nabaling ang atensyon namin sa estudyanteng dadaan. Nakaharang na pala kaming tatlo sa pathway! Gumilid kaming tatlo. Napagitnaan ako nilang dalawa. Malakas ang pabango ni Ate Summi pero naaaamoy ko pa din si Ate Irene. Feeling ko hindi sya nagcocologne. Amoy downy kasi sya pero parang mas mabango pa sa downy. Ewan ko lang.

Nakatingin pa din sila sa isat isa.

Ako na! A

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
33 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi