Chapter 10.5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Nandito sya. 

 

Hindi naman siguro 'to panaginip 'no? 

 

Nakatingin sa akin ang magaganda nyang mata, bukod doon, nasilayan ko na naman ang paborito kong parte ng mukha nya. At katulad ng dati, humanga na naman ako sa dating nya. Mula sa suot nyang puting sapatos, pink trouser pants, white shirt na pinatungan nya ng pink na suit jacket. Grabe walang palya! Nakukuha nya talaga ako sa mga paganyan nya ng walang kahirap hirap.

 

Walang nagsasalita sa amin. Kahit gusto ko, hindi ko din naman alam kung paano ko sya kakausapin. Kukumustahin ko ba agad? Tatanungin? At pakiramdam ko ganun din sya atsaka itong katabi ko. Nagpapakiramdaman.


 

"Baby baby may tumatawag sayo…BABY MAHAL KO MAY-" sabay sabay kaming tatlo na napatingin doon sa lalaking kaibigan ni Seola. Napapakamot sa ulong nagpipindot ito sa cellphone nya at nahihiyang tumingin sa amin.

 

"Hehe pasensya na kayo.  Uhhh a-asawa ko hehe sige sagutin ko muna. Bro'" paalam nito at sumenyas kay Seola na tinanguan naman sya habang tumatawa.

 

"Kadiri kayo!" sigaw nito. Natawa ako habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Nung mawala ito ibinalik ko ang tingin sa harapan ko. Sinalubong ako ng hindi ko mapangalanang itsura ni Doc. Seryoso na parang hindi.

 

"H-hello Doc…" napakagat ako sa labi pagkatapos ko syang batiin. Nag init ang pisngi ko ng makita kong sulyapan nya ito. 


 

"Where have you been?" tanong nya na nasa akin pa din ang paningin.

 

"Dyan lang sa tabi-tabi" si Seola ang sumagot. "Ikaw Doc ba't ka napadpad dito? This is not your way right?" 

 

Tama si Seola. Malayo ang lugar na ito sa kung saan sya nakatira. May pinuntahan ba sya? Lumikot ang galaw ng mga mata nya. Parang naghahanap sya ng sasabihin.

 

"I-

 

"Bro tawag ka ng bff mo" naudlot ang sasabihin nya sa biglang pagsingit nung lalaki.

 

"Tss nagsumbong ka ano?" ngumisi ang lalaki at nagkibit balikat. Hindi ko maintindihan pinag uusapan nila. Sabagay, magkaibigan nga naman. Ganyan din naman kaming tatlo nina Wan. Hindi ko naman inaasahan ang biglang pag akbay sa akin ni Seola. "Bab- Ms.Kang kausapin ko lang bff ko tapos uwi na tayo okay? Dyan ka lang" kinurot pa nito ang pisngi ko. "Cute mo" dagdag pa nito at mapang asar na naman na tumawa. Nakakainis! Tinanguan nya si Doc pagkatapos ay sabay silang tumalikod nung lalaki na nakangisi pa din.

 

Kaming dalawa nalang ni Doc ang naiwan. Ang hirap ng ganito, yung gustong gusto mo syang makita. Na madami kang gustong sabihin at itanong sa kanya pero kapag nasa harapan mo na biglang hindi mo na alam kung paano magsalita. Bakit ba ganto? Kapag nakikita ko kasi sya, mas ginugusto ko nalang hangaan at pagmasdan sya. At sa sobrang tahimik namin, feeling ko maririnig nya ang ingay ng nagwawala kong puso. Letse self ang corny!

 

Nasulyapan ko ang sasakyan nya.

 

"Ayos na ba ang sasakyan mo?" tanong ko habang nilalabanan ang titig ng maamo nyang mata. Sa halip na sagutin ako, naglakad sya papalapit sa akin.

 

Isang hakbang


 

Dalawa


 

Tatlo


 

Apat


 

At sa panlimang hakbang nya upang makalapit sa akin ay sya namang pag atras ko. Nagulat sya. Bakit ako umatras? Hindi ko na kasi kaya yung nararamdaman ko. Baka bumigay ako sa harapan nya. Nakakalunod syang mahalin.

 

Mahalin?

 

Putangina mo Seulgi!

 

"Am I scaring you?" mahina nyang tanong.

 

Oo. Natatakot ako sa nararamdaman ko sa'yo Doc.

 

"Look. I just want to tie your shoelace properly" napatingin sya sa sapatos kong hindi na nga maayos ang pagkakasintas. Juskopo naman Seulgi parang bata! Umupo ako at sarili ko na mismo ang nag ayos nito. "Let me do it" hindi na ako nakaiwas nang umupo sya sa harapan ko at inagaw ang ginagawa ko. Bahagyang nagtama ang mga kamay namin. Naramdaman ko na naman ang init nya.

 

Kalma puso ano ba!

 

Nakasquat din sya habang seryosong tinatali ang sintas ng sapatos ko. Naalala ko tuloy nung elementary pa kami. Nung pinapatahan nya ako sa pag iyak dahil gabi na at wala pa yung service ko. Dumating sya para pakalmahin ako. Ganitong ganito yung pwesto namin noon. Pero ngayon, heto sya at sya na mismo ang dahilan kung bakit hindi makalma ang puso ko. Umangat ang tingin nya sa akin pagkatapos nya sa ginagawa. Hindi sya tumayo. Nanatili lang sya sa pag upo kagaya ko. Ang lapit nya. Magdudugo na ata ang labi ko sa kakakagat.

 

"Stop doing that" saway nya habang nakakunot ang noo. Sa sobrang lapit nya sa akin, pansin na pansin ko ang ilalim ng mga mata nya. Halatang kulang sya sa tulog. 

 

"Her tears Seul I can feel it. Nung nakasabay ko sya lumabas umiiyak na sya"

 

Sumagi sa isip ko yung sinabi sa akin ni Joy. May problema kaya si Doc sa pamilya nya? Si Ma'am Bae. Matagal na panahon nang wala akong balita sa kanya.

 

"Doc…." sa wakas ay nasambit ko. Ang problema nga lang hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin ang gusto kong marinig nya mula sa akin.

 

"Hmmm?" 

 

"Ano.." lumunok ako. "Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo dati?" lumalim ang titig nya na animoy makikita sa mga mata ko ang sagot. Hinga Seulgi!

 

"Alin doon?" 

 

"Yung sinabi ko sayo noong hinatid mo'ko sa bahay" ewan ko kung ako lang pero bakit pakiramdam ko pabebe ang tono ng boses ko? Juskopo ang sagwa! Nagbebaby talk ba ako kay Doc? Help! 

 

"Lahat kasi ng sinasabi mo saulo ko eh mahirap hulaan kung alin doon"

 

Ayan! Isa pa yan sa ugali nya. Yung mga linyahan nyang hindi ko alam kung sinasadya ba nya o hindi. Ang lakas makapagpakilig.

 

"S-sabi ko sayo kapag may maitutulong ako sayo tawagan mo lang ako di ba?" ngumiti sya. Gusto ko nalang maglupasay.

 

"Ah yung sabi mo kapag kailangan kita?" tumango tango ako.

 

"Oo yun. Malay mo may maitulong ako" ipinatong nya ang mga braso sa kanyang tuhod.

 

"Bakit pa kita tatawagan kung pwede naman kitang puntahan?" naghalo halo na ang emosyon ko sa sinabi nya. Hindi nya ako pinuntahan di ba? Ibig sabihin lang nun hindi nya ako kailangan. Tumingin ako sa sahig upang hindi nya mahalata ang lungkot sa aking mukha."Alam mo ba kung bakit ako nandito?" umiling ako. "Kasi nandito ka" mabilis kong ibinalik ang tingin sa kanya.

 

Anong ibig nyang sabihin?

 

"Have you eaten?" kumalam ang sikmura ko dahil sa tanong nya. Nakalimutan kong kaya nga pala kami bumaba agad ni Seola dahil sa gutom at uhaw. At dahil nga malapit lang kami sa isat isa, napatingin sya sa tiyan ko. "Hah! She didnt…" huminga sya ng malalim. "Okay uhhhh will you go with me?" 


 

Letseng puso ka kumalma ka naman aba!

 

Gustong gusto kong umoo pero paano si Seola?

 

"Right. Ihahatid ka nga pala nya"


 

No wait! 

 

"Engineer?" napalingon kaming dalawa kay Seola. Naabutan nya kami sa pwesto namin. "Ginagawa nyo?" nagtataka nyang tanong habang nasa likod nya yung lalaki na nakangisi at may ibinubulong sa kanya. Mukhang nainis si Seola kayat nakatanggap ito ng hampas.


 

"Awts nandadamay ng sakit" reklamo nito. Tumayo ako at iniabot  ang kamay sa katabi ko upang tulungan sya. Mabilis naman nya itong kinuha. Maingat ko syang hinila patayo ngunit bago ko sya bitawan,

pinisil ko ang palad nya ng dalawang beses.

 

Sasama ako sa'yo.

 

"Wag ka munang umalis" bilin ko sa kanya bago ko lapitan si Seola. "Ms. Kim"

 

"Hindi pa ako okay" agad nyang sambit na ikinagulat ko. Parang alam na nya kung anong gusto kong mangyari. Hindi ko sya mabasa dahil blangko ang itsura nya bagay na ngayon ko lang nakita sa kanya.

 

"ohhhh" dinig kong bulong nung lalaki.

 

"Kasi ano-" 

 

Anong sasabihin ko? Paano ba kasi tumanggi?

 

"Joke lang hahhahaha tawang tawa talaga ako sa itsura mo Ms. Kang!" inilapit na naman nya ang mukha sa akin. Umatras ako. Gaga ba sya? " Sige na humayo ka na. Okay na ako and thank you for your company. For the first time, may dumamay sa akin. Kontento na ako doon. Go lang enjoy kayo" nakuha pa nyang kumindat! Tinapik tapik sya sa balikat nung lalaki.


 

"Ako nalang ang ihatid mo 'bro"


 

____&&&&&_____


 

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Doc habang sumusulyap sa labas. Naghahanap siguro ng pwedeng kainan.

 

"You decide" naramdaman ko ang paglingon nya sa direksyon ko ngunit nanatili akong nakatingin sa harapan. 

 

"I own that line Engineer" di ko na napigilan ang matawa dahil  sa sinabi nya.

 

"No you dont." umangat ang gilid ng labi nya.

 

"Are you teasing me?" nakangiting tanong nya. Pansin ko lang magmula nung umalis kami doon sa talyer, nagliwanag yung mukha nya. Kanina pa hindi matanggal ang ngiti nya. Naghahum pa sya sa tugtog ng kanta. Pati tuloy ako nadadamay. Mukha akong tanga na nakangiti habang nakatingin sa kanya. 

 

Ibang iba sya ngayon kaysa noong mga nakaraang araw. Okay na kaya sya?

 

"Bunny.." tinakpan ko ang bibig ko. Ano ba Seulgi! bakit ko nasabi yun juskopo! Nadala lang ako Lord! Sana hindi nya narinig.

 

"Bear…" nanlaki ang mata ko. "What? Didn't anyone tell you na you really look like a bear?"

 

Marami.

 

Pero iba ang dating kapag sa kanya galing. Atsaka akala ko kasi…

 

"You still see me as Bunny huh" juskopo aatakihin ata ako sa puso kahit wala naman akong sakit dahil sa lumalabas sa bibig niya.

 

"W-what do you mean by s-still?" kinakabahan kong tanong. Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Nandito na ba kami? Humarap sya sa akin pagkatapos nyang tanggalin ang seatbelt nya pati yung akin. Napasinghap ako nung lumapit sya. Hindi ako makagalaw.

 

"There." pagkatapos nyang asikasuhin ang seatbelt ko, pinat nya ang ulo ko. " Little Seulgi grown up so well"

 

Nurse gising na po ako!


 

Punong puno ng tanong ang utak ko. Kailan nya nalaman? Simula palang ba alam na nya? Gustong gusto ko nang magtanong pero hindi ako makatiyempo. Ang bilis nya kasi maglakad. Nasa likod nya lamang ako. Parang kabisado na nya itong lugar dahil dire-diretso ang lakad nya at parang alam na agad kung saan sya pwepwesto. Naagaw ang atensyon ko ng napaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi