Chapter 16 [M]

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Dear Sarah G

           

          Mahal ko si Doc. Mahal na mahal. Pero bakit pakiramdam ko nakukulungan ako sa pagpaparamdam sa kanya na mahal ko sya? Kasi ako ramdam na ramdam ko sya. Shes not saying the "words" but I can feel it. The way she holds and kiss me. The way she cares for me. Yung mga linya nya na sobra akong pakiligin.

 

        Hanggang kailan ko pipigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang salitang "Mahal kita"? 

 

      Hanggang kailan ako matatakot?

 

       Dapat ba hintayin ko pang mauna sya? Ganoon ba sa isang relasyon? 

 

Hintayan? 

 

      Wala kasi akong alam. Ang alam ko lang gusto ko sya lagi makita. Gusto ko sya palaging mahawakan. Gusto ko sya laging makitang masaya. Gusto kong malaman ang lahat-lahat sa kanya.

 Sa sobrang pagkasabik ko sa kanya…..

 

           !

 

First kong maramdaman yung kagabi. Kapag naaalala ko yung ginawa ko sa kanya..

 

      ahhhhhhhh!!!!!

 

   Putek! Matanda na ako di ba? Normal lang yun! Magjowa na kaya kami! Atsaka hindi naman sya nagalit.

 

      "Why would I regret it if we will do it together"?

 

  Naririnig ko pa din sya hanggang ngayon Sarah G! Siguro nga tama sya. Masyado pa akong baby  Charot!

 

 Sa susunod na umabot kami sa puntong hindi na namin kontrol ang isat-isa, sisiguraduhin kong alam ko na ang ginagawa ko. Mahirap kasi kapag masyado kang mabait at inosente like me. Chos. 

 

  Yung totoo. Wala pa talaga akong experience sa *drum rolls*

 

      !

 

   Tangina naaalala ko na naman! Bakit ba kasi umabot kami sa ganun? 

 

     Muntik na kagabi juskopo at nahihiya ako kay DocT_T.

 

   Partly, kasalanan nya naman kasi inakit nya ako. Char. Pasensya naman kung sa edad ko ay ganito pa din ako makareact. Talagang sa buong buhay ko hindi ko pa naranasan ang makipag. As in. Zero.

 

Kaya kagabi nanibago ako sa sarili ko. Yung pakiramdam ko habang tinitingnan ko sya. Habang bumababa yung halik ko mula sa labi nya papunta sa leeg at-

 

   Ooopss hindi mo na kailangan malaman yun. Akala mo ah!

 

   Sa amin lang yun ni Doc okay?

 

 

Nangingiti kong isinara si Sarah G at itinabi ito sa gilid katabi ng aking sketch pad.

 

Sa pago-overthink ko kanina ay napalapit tuloy ako sa kanya. Iba pa din kapag si Sarah G kausap ko. 

 

Napailing na lamang ako.

 

Tumayo ako upang mag-unat. Magmula ngayon, kailangan ko ng maging flexible. Minsan nga ay sasama na ako kay Joy mag-gym.

 

 Para sa amin ni Doc. Charot.


 

Inayos ko muna yung kama ko. Pinalitan ko yung punda ng mga unan pati na din bedsheet. Tatlong araw na kasi akong hindi nakakapagpalit.


 

jeogi jeo banjjag-ineun byeoldeul jung-e

gajang yeppeun byeol-eul nege julge

nal hangsang usge haneun salam neoppun-inikka

eonjena nae yeop-e iss-eo jullae


 

Paborito ko na talaga 'tong kanta ng MRT. First time kong marinig to nung nasa bus kami ni Doc. Kahit wala akong maintindihan, nadadala nya yung emosyon ko.

 

geugeosman-eulo nan haengboghae

ileon nae mam al geos gatdamyeon

naleul kkog an-ajwo

 

At tama naman ako sa hula ko na inlove yung kumakanta. Nagsearch ako ng english lyrics at feel na feel ko lang yung meaning.

 

jeogi jeo banjjag-ineun byeoldeul jung-e

gajang yeppeun byeol-eul nege julge

nal hangsang usge haneun salam neoppun-inikka


 

"pun-inikka" pagsabay ko sa dulo ng kanta. Oo dulo lang. Mahirap sumabay eh.

 

eonjena nae yeop-e iss-eojullae

geugeosman-eulo nan haengboghae

ileon nae mam al geos gatdamyeon

naleul kkog an-ajwo


 

Nang maayos na ang lahat ay humiga na ako. Pinatay ko na din yung ilaw. Magkaiba kami ni Yeji, kung sya ay mas nakakatulog na maliwanag, ako hindi. Gusto ko madilim. Mas madali akong nakakatulog kapag wala akong nakikita.

 

Kinuha ko ang cellphone at nireplayan muna si Jin-jin. Kahapon nya pa ako kinukulit tungkol kay Seola. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ibigay na lamang ang number ni Ms. Kim sa kanya. Bahala na sila mag-usap. Pareho naman sila ng hilig. Pareho din makulit. 

 

Nagmessage din ako kay Doc.

 

 To: Doc:*

       Among those sparkling stars over there, I'll give you the most beautiful stars.  Goodnight baby❤️


 

Sana kiligin sya hehe. Salamat sa MRT!

 

Pumikit na ako at hindi na naman napigilan ng utak kong alalahanin yung nangyari kagabi…



 

"Baby!" she called me almost shouting. I chuckled. Excited yarn?

 

Nagmadali akong nag-ayos upang makalabas ng site nung mareceive ko ang message nya.

 

 Namimiss na kasi namin ang isa't-isa at hindi sapat ang video call lang. Si Doc ang susundo sa akin ngayon. Heto nga at naunahan na naman nya ako. Marami pa kasing kaming pinag-usapan tungkol sa budget at mga materyales kaya ako natagalan.

 

"Hi" ngiting bati ko sabay hawak sa kamay nya. Halatang nagulat sya sa ginawa kong aksyon. Pinagmasdan nya muna ang magkahawak naming kamay at napansin ko ang unti-unti nyang pagngiti. Halos atakihin ako sa puso ng bigla nya akong abutin at halikan. Mabilis lang yung ginawa nya pero kasi….

 

"N-noona" napatingin ako sa lalaking tumawag sa kanya na kanina ay naabutan  kong kausap nya. Sa tingin ko ay kasing edad lamang ito ni Yeri at halatang nag-aaral pa.

 

Kilala ba 'to ni Doc?

 

I giggled nang makita ko ang pamumula ng pisngi ni Doc. Though slight lang naman.

 

Ayan kasi landi pa!

 

Tumikhim si Doc at hinarap ang lalaki. Mas matangkad ito sa amin. Sobra. 

Nahihiya itong umiwas ng tingin at tumungo.

 

"Hes leaving next week by the way" natulala ang lalaki sa sinabi ni Doc. Kumibot ang mga labi at pansin ko din ang mayat maya nitong pagpisil sa kanyang ilong. Hes cute. Malilikot ang mga mata nito at halatang naghahanap ng sasabihin.

 

"You must atleast say goodbye to him. He misses you at ilang araw ka na nyang hinahanap." 

 

Nakikinig lang ako sa kanila. Mamaya nalang ako magtatanong.

 

"J-just tell him na nagkita tayo" mahinang sambit ng lalaki. Nahagip ng paningin ko ang nameplate na nasa kanang dibdib nya.

 

Hong Seok

 

Ba't parang narinig ko na yung pangalan nya somewhere?


 

"Beb?" pareho kaming napatingin sa kalalabas lang na si Yeri. Kumunot ang noo ko. Beb? Ngumiti ang lalaki sa kanya at agad syang nilapitan. Nakita ko ang pagpulupot ng kamay nito sa bewang ni Yeri. Nahihiya namang nag iwas ng tingin sa akin ang babae!

 

"Sorry kung hindi na ako nakareply. Deadbatt. But atleast naabutan kita" paliwanag ng lalaki. Ngumiti lamang sa kanya si Yeri.

 

"Okay lang." tumingin sya sa amin ni Doc. Pinagtaasan ko sya ng kilay. Naramdaman ko naman ang mahinang kurot sa akin ni baby. 

 

"So its her" nangingiting sambit ni Doc habang nakatingin kay Hong Seok. Ang haba naman ng pangalan nya! Korean ata parents nito.

 

"You can say that noona. We're dating anyway" kibit-balikat na sagot ng lalaki.

 

Kaya pala pamilyar. Ilang beses ko na palang narinig ang pangalan nya sa bibig ni Yeri. Sya pala si Mr. Paasa. Ngumisi ako kay Yeri. Kanina nya pa iniiwasan ang mga titig ko.

 

"M-magkakilala po kayo Doc?" tanong ni Yeri. Tumingin ako kay Doc. Mas lalo naman syang dumikit sa akin na halos mayakap na nya kalahating katawan ko.

 

Juskopo.

 

"He is Jins brother. Small world right?" nagkatinginan kami ni Yeri sa sagot ni Doc. 

 

Ang liit nga ng mundo.


 

Hindi naalis ang paningin ko kay Yeri kahit pa nasa loob na ako ng sasakyan ni Doc. Sinusuotan sya ng helmet ni Hong Seok.

 

"No worries baby. Safe driver yan si Hong Seok" bulong ni Doc. Ngumuso ako at umayos ng pag upo.

 

"Hindi ako nagwoworry no" tumawa naman sya at pinisil ang pisngi ko.

 

"Cute. Okay lang naman na maging concern ka kay Yeri. Shes our daughter anyway" napatingin bigla ako sa kanya at hindi ko inaasahan na sobrang lapit lang pala ng mukha nya. Pinigilan kong bumaba ang tingin sa labi nya.

 

"D-daughter ka dyan" tumawa lamang ito at mabilis na nagnakaw ng halik.

 

"Daddy ka nya so automatically Mom nya na ako." confident na sabi nya bago nagsimulang magpaandar.

 

Kailan pa nya yun naisip? 

 

Napangiti na lamang ako at napagdesisyunang titigan na lamang sya. Wala nang mas gaganda pa sa view na nakikita ko. 

 

"Im driving baby. Stop flirting" reklamo nya. Huh. Taste your own medicine! Hindi ako nakinig sa kanya.

 

Titig pa lang yan. Ano nalang kung magsalita at umaksyon ako? Chos.

 

Napalunok ako ng kagatin nya ang labi nya.

 

Naghalikan na naman kami ng matagal kaya alam ko kung gaano katamis ang dulot nito sa akin. Pero alam ko din na marami pang magagawa ang labing yan.

 

Hindi lang sa pisngi at sa sarili kong labi kaya akong baliwin nyan.

 

Ano kayang feeling?

 

"B-baby what are you thinking?" 

 

Maging ang pagbuka ng mga ito ay hindi ko pinalampas.  Ang sarap sa pakiramdam kapag lumalabas ang salitang baby sa labi nya at ako ang tinatawag nya.

 

Paano nalang kung tawagin nya akong baby sa ibang dahilan? 


 

"S-saan mo gustong kumain b-baby?" tumingin tingin sya paligid. Nalipat tuloy ang paningin ko sa leeg nya.

 

Parang ang sarap bigla daanan ng halik. Masyadong nakakaakit. Hanggang amoy lang ako eh. What if halikan ko naman? Mukhang malambot din naman. 

 

Nagulat ako ng bigla nyang itigil ang sasakyan. Masyadong malakas ang pagkakapreno nya. Halatang gigil.


 

"Ba't tayo tumigil?" nagtatakang tanong ko.  Rinig na rinig ko ang malalim nyang paghinga.

 

"Playing innocent baby? Gosh you.." hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla nya akong halikan. Akala ko mabilis lang pero nang tanggalin nya ang seatbelt nya at kumandong sa akin ay alam kong magtatagal pa sya. Nangingiti akong tumugon sa halik. 

 

Best in kandong? Si baby na yun.

 

Bumaba ang kamay ko sa balakang nya. Mas lalo ko syang nilapit sa akin. She gasped.

 

"God baby…" she whispered between our kisses. I bend my head to get more access to her lips. Naramdaman ko ang pagdiin ng kapit nya sa balikat ko.

 

I deepen the kiss. Nakakaadik. Nakakalunod.

 

"Bab-" I cut her off and use this chance to insert my tongue inside . She softly moaned.

 

Tangina! Hindi ko na kontrol ang sarili ko.

 

Gamit ang isang kamay ay mas idiniin ko ang katawan nya sa akin. Taking every space between us. Habang ang isa naman ay nasa leeg nya. 

 

 

Pero hindi din naman sya nagpapigil. Unti-unting bumaba ang kamay nya mula sa batok papunta sa dibdib ko. Mas lalo akong nag-init ng maramdaman ko ang palad nya sa tiyan ko.

 

Pareho kaming natigil sa paghahalikan at napatingin sa isat-isa. Parehong habol ang hininga. 

 

Dahan-dahan nyang ipinasok ang kamay sa damit ko. Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang malambot at mainit nyang palad na humahaplos. Hindi nya pa din inaalis ang mga mata mula sa akin.

 

I felt her finger playing my navel.

 

"B-baby.." bulong ko sa pamamagitan ng mabigat kong paghinga. Napasulyap ako sa labas at oo nga pala nasa gilid kami ng kalsada juskopo!

 

Ayoko namang dito pa mangyari ang "first" namin ni Doc. 

 

Hinawakan ko ang kamay nya at kahit ayoko pa man ay pinigilan ko na sya sa ginagawa. Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ito pagkatapos ay sa labi nya. Ngumiti ako.

 

"Kumain muna tayo baby. Yung totoong pagkain" malakas syang tumawa at pinanggigilan ang pisngi ko.

 

"Yeah. Nakakagutom pala magmomol" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

 

Anong..

 

"Kanino ka natuto nyan?" she just smirk at bumalik na sa pwesto nya. God namiss ko agad ang katawan nya. 

 

Magtigil ka babae!

 

"Sa anak natin" napabuga ako ng hangin.


 

Yeri!



 

Nagtalukbong ako ng kumot ng marinig ko ang maingay na tunog ng alarm clock ko.

 

5 minutes pa please.

 

Hanggang ngayon ay pahirapan pa din ako sa pagbangon. Napapikit ako ng nawala ang tunog.

 

Prom

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi