Chapter 18

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Seul, ayaw mo talaga sumali?" tinapunan niya ng tingin si Jisoo atsaka umiling bago ibinalik ang tingin sa baba. Kanina niya pa pinapanuod ang mga nagpapractice ng graduation. Lalo na ang Ate niya.

 

"Ayoko" mahinang sagot niya.  Naramdaman niya ang paglapit ng kaklase sa pwesto niya. Ipinatong din nito ang dalawang kamay sa bakal at nangalumbabang tumingin sa baba.

 

"Sabi ng ate ko masaya daw siya at excited sa graduation pero malungkot din daw at the same time kasi marami siyang maiiwan na memories"

 

"May ate ka pala?" tanong niya.

 

"Oo. Kaya nga nalulungkot ako kasi ako nalang maiiwan dito. Hindi ko na din siya makakasabay tapos sa malayong lugar pa siya pinapag-aral nina papa. Edi hindi ko na talaga siya makikita"

 

Mas lalong nalungkot si Seulgi sa narinig niyang iyon. 

 

Paano naman ako Jichu na hindi ko talaga kapatid si Ate Irene? Habambuhay ko na siyang hindi makikita.

 

"Ikaw may kapatid ka din ba sa kanila?" tanong ulit ni Jisoo habang itinuturo ang mga nagpapractice sa baba.

 

"Wala"

 

"Ganon. Parang malungkot ka?" napanguso siya.

 

"Wala akong kapatid pero may ate ako na parang kapatid ko na din."

 

"Si Ate Irene ba?" napatingin siya sa kausap.

 

"Ba't mo alam?" ngumiti ito sa kaniya.

 

"Palagi kaya kayong magkasama tapos kapag pupunta siya dito sa room natin hinahanap ka niya kapag wala ka" ibinaling niya ulit ang tingin sa baba. Napangiti siya ng maabutan niyang nakatingin sa kanila ang Ate Crush niya. Pasimple siyang kumaway.

 

"May sasabihin ako sa'yo Seul" mahinang bulong ng katabi sa kanya.

 

"Ano yon?" tanong niya pero nasa baba pa din ang tingin.

 

"Crush k-

 

Hindi na niya narinig pa ang sinabi ng kausap ng biglang may humila sa kanya papasok ng kanilang room. Si Moonbyul.

 

"Oh nauna ako bwahahahaha panalo ako!" nakangising sambit nito habang nakahawak sa kamay niya.

 

"Eh hindi naman bagay si Seulgi!" 

 

"Alangan hubarin ko damit niya? Okay na yon ang aarte niyo atleast may nabring akong something yellow!"

 

Napakamot siya sa pisngi at malakas na bumitaw kay Moonbyul. Naglalaro pala ang mga kaklase niya ng Bring Me at ang pasaway na Moonbyul ay siya na naman ang nakita.

 

"Yung ngipin mo yellow" naiinis na bulyaw niya atsaka iniwang nagtatawanan ang mga kaklase niya.

 

"Ano ulit 'yong sasabihin mo?" tanong niya ulit kay Jisoo na nasa pintuan at tumatawa din.

 

"Wala hahaha nakalimutan ko na"

 

Ang bilis naman niya makalimot? napakamot na lamang si Seulgi sa pisngi at ipinagpatuloy ang panunuod sa baba.

 

________________


 

"Taympers! taympers!" pagsuko ni Seulgi at walang pakialam na naupo sa sahig.

 

"Haha weak!" pang-aasar ni Moonbyul pero sinimangutan niya na lamang ito.

 

Kanina pa sila naglalaro ng habulan at nakakaramdam na din siya ng pagod. Katatapos lang din kasi ng practice nila para bukas sa recognition. Hindi niya din alam kung bakit napapayag siya ni Moonbyul na sumali.

 

Inamoy-amoy niya ang sarili at napangiwi.

 

Patay na naman ako ne'to kay mama! 

 

"Here oh" napatingala siya sa taong nag-aabot sa kanya ng kulay pink na tumbler.

 

Si Ate Crush!

 

"O-okay lang ate baka magkalaway!" pagtanggi niya dahil kahit papaano ay naisip niyang nakakahiya kung maki-inom pa siya.

 

Mabuti sana kung si Tabajoy 'to!

 

Ngumiti naman ang crush niya at umiling. Napausog siya ng bigla itong umupo at tabihan siya.

 

"Friends na kayo ni Moonbyul?" may tonong pang-aasar sa boses ng ate Crush niya habang binubuksan ang tumbler.

 

"H-hindi kaya!" pero tumango lamang si Irene at nilagay sa kamay niya ang tumbler.

 

"Drink this okay lang" napalunok na lamang si Seulgi at dahan-dahang uminom. Muntik pa siyang mabulunan ng tubig ng maramdaman ang malambot na kamay nito sa likod niya.

 

"Masama natutuyuan ng pawis" bulong nito habang pinupunasan ang basa niyang likod.

 

Pero imbes na matuwa ang batang seulgi ay mas lalo siyang nalungkot.

 

Malapit na siyang umalis ng school. Kapag nangyari yon, sino na ang gagawa ng mga ganitong bagay sa kanya?

 

Atsaka kung meron man, papayag ba siya?

 

"What are you thinking?" tanong ni Irene sa kanya. 

 

Why does she look so sad? Irene asked herself.

 

"Kasi…." hindi alam ni Seulgi kung aamin ba siya.

 

"Kasi?"...

 

Iniwas niya ang paningin sa crush niya.

 

Naalala niya bigla yung sinabi sa kanya ng kaibigang si Wendy. Na kapag daw may gusto siyang sabihin at kinakabahan siya ay kailangan niya lang daw mag-ipon ng hangin. Para hindi siya parang nalalagutan ng hininga kapag magsasalita.

 

Ganoon kasi siya kapag nagrerecite!

 

"Aalis ka na" mahinang sabi niya pagkatapos niyang huminga ng malalim pero sapat na para marinig ng kausap.

 

"Ako? Saan naman ako pupunta?" nagtatakang tanong ni Irene.

 

"Edi sa ibang school!" kamot-pisnging sagot ni Seulgi.

 

Nang marealize ni Irene ang ibig sabihin ni Seulgi ay unti-unti siyang napangiti.

 

"Ah you mean after graduation?" tumango ng ilang beses si Seulgi at di-mapigilang mapanguso. Hindi niya din tuloy mapigilang kurutin ang pisngi nito.

 

Ang cute niya talaga!

 

"I'm not leaving you seulgi-yah. Hindi naman ako sa malayo mag-aaral and my Mom is here. We can still see each other and play. Pupunta pa din ako dito whatever happens" 

 

Ang kaninang lungkot na nararamdaman niya ay napalitan ng tuwa. Ngiting-ngiti na naman tuloy siya.

 

"Talaga?" 

 

"Talagang-talaga" nanggigigil na sagot ni Irene habang nilalaro ng palad ang magkabilang pisngi ni Seulgi.

 

If Seulgi is a teddy bear, she'll definitely buy it without hesitation no matter how it cost.

 

Kung pwede lang iuwi.


 

"Gusto mo magpicture tayo?" Irene asked excitedly. Mukhang ganun din naman si Seulgi.

 

"May camera ka?" tumango naman si Irene.

 

"I have my Mom's camera here" may kinuha ito sa bag at inilabas ang camera na kulay pula.

 

"Eh sinong magpipicture?" kamot-ulong sambit ni Seulgi.

 

"Si Mommy!" nagulat siya ng biglang sumigaw si Irene at tinawag ang mama niya di-kalayuan. Mukhang paakyat na sana ito sa 

classroom nila. Agad naman itong lumapit sa kanila.

 

"What is it anak?" pareho sila ng Ate Crush niya magsalita. Malambing!

 

"Can you take a picture of us Mommy? Please?" napatulala si Seulgi kay Irene. Nabigla siya. Hindi niya akalain na may mas icucute pa pala ang kagome ng buhay niya.

 

Ganyan pala siya magpababy kay Ma'am?

 

Nakapout ito at hindi niya maexplain kung bakit kailangan pa nitong ikurap ang mga mata ng ilang ulit.

 

"Nagpapacute ka naman kay Mommy. Haynaku Joohyun ikaw talaga!" ginulo ng guro ang buhok nito at napangiti si Seulgi ng biglang sumimangot si Irene at mabilis na inalis ang kamay sa ulo niya.

 

"Yung hair ko Mommy magpipicture pa kami!" reklamo nito bago tumayo at hinila siya. Si Irene na din mismo ang nagpagpag ng shorts niya. Napatingin tuloy siya sa adviser niya pero busy na ito sa pag-aayos ng camera.

 

Baka isipin ni Ma'am feeling ate ko anak niya huhu.

 

"Say cheese!" nakangiting utos ng guro.


 

Flash


 

____________

 

Recognition Day.



 

Kanina pa siya nagtatago kay Irene. Alam niyang hinahanap siya nito dahil ilang classmate na niya ang nagsabing tinanong sa kanila ni Irene kung nasaan siya.

 

Sinasadya niyang hindi magpakita.

 

Ayokong makita niyang malungkot na naman ako.

 

Patapos na ang recognition at nasabitan na din siya ng medalya. Hindi niya nga alam kung paano siya nasama sa mga honors.

 

Hindi naman siya matalino.

 

Baka favorite na ako ni Ma'am?

 

Hinigpitan niya ang hawak sa papel na nalukot na sa kamay niya.

 

Yung ginawa niyang letter kagabi. Baka hindi na niya maibigay.

 

Kahit inassure na siya ng crush niya na palagi pa din silang magkikita ay may bigla siyang narealize

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
36 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi