Kagome Higurashi

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Bago ang lahat, gusto ko lang pong sabihin na wala pong amnesia si seulgi T_T. Hindi ako marunong ng mga ganun  light lang po ang story na ituu. Wag po kayo masyadong mag isip at mag expect huhuhu. Nawala lang talaga sa isip nya yung mga nangyari dahil nga masyado pa syang bata noon. Don’t worry fluff lang po tayo dito *grin*.
Super thank you sa mga nagbabasa at nakaabang dito:))I miss you mga bading!!!

 

 

Hello Sarah G! 
Matagal na naman tayong hindi nakapag usap. Sisihin mo ang pagiging secretary koT_T. Hindi na kita masyado nabibisita dahil nga palaging pagod ang kamay ko sa kasusulat. Kung pwede lang magreklamo eh kaya lang baka pagalitan ako ng mga teachers ko. Lalo na nung mama ni crush. 

Inaamin ko na. Crush na crush ko talaga si Ate Irene. Oo na tomboy na ako. Masama kaya yun?

Madalas na kami magkita hehehe. Palagi na kasi kaming nagsasabay kapag lunch. Sabi ni Joy ang feeler ko daw! Narinig kasi nya yung usapan namin ni Wan na baka sinasadya nina Ate Irene na hintayin kami sa canteen kapag lunch time. 

Totoo kaya!

Nung sumunod na araw kasi naabutan namin sila na hindi pa kumakain, nung dumating kami tsaka lang sila nagsimula. Nagpatuloy na ganun lang yung nangyayari pero minsan kapag naman kami ang nauuna, sinasabihan ko si Wan na hintayin sila. Wala akong pakialam sa opinyon ni Joy. Panay ang reklamo nya na nagugutom na sya. Wala naman sa akin kung mauna na sya kumain. 
Kumain sya kung gusto nya! 

"Edi mauna ka na wala namang pumipigil sayo!" inis kong sabi sa kanya kasi naririndi na ako sa boses nya.

"Im not that bad para mauna" 

"Lumipat ka ng pwesto wag ka dito!"

"Excuse me? Ako kaya niyaya nyo!"

"Si Wan lang hindi ako!"

"Edi kami nalang ni Wan ang mauuna!"

"Bestfriend ka huh? Bestfriend?" tumingin ako sa kaibigan kong hindi na alam ang gagawin sa gitna namin. Palipat lipat nalang ang tingin nya sa amin ni Joy.

"Oh nag aaway na naman ang mga chikiting" 
Kaya ayun naaabutan kami palagi nina Ate na nag aaway. Tuwang tuwa lang naman si Kuya Carl. Lalo na kay Joy, ewan ko ba siguro kung hindi ko alam na bakla siya iisipin kong crush nya si tabajoy. Gandang ganda kasi sya eh. Tiningnan ko si Wan, ayun nakasimangot na naman.

Ayaw ba nya kay Kuya Carl?

"Hi seulgi" nagulat ako sa biglang paglapit ni Ate Crush (alam kong marami na akong tawag sa kanya pero final na yan. Sure na. Ate Crush na tawag ko sa kanya mula ngayon). Sobrang dikit nya talaga sa akin Sarah G. Hindi ako makahinga huhuhu.

"H-hello ate.." kinakabahan na sagot ko. Bakit ba kasi ako ninenerbyos?

"Hi.." nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Nakangiti sya sa akin. Nanlaki ang mata ko.

Kilala ko sya!

"Seulgi pala pangalan mo?" ang ganda nya ngumiti. Pero gayunpaman, kay Ate Crush pa din ako magkakacrush!  

"Ate Tangkad" napatakip ako ng bibig sa nasabi ko. Lahat sila napatingin sa akin. Unti unti akong naglakad patago sa likod ni Ate Crush. Ang bango nya talaga. Pero nakakahiya pa din!

"Ate Tangkad?" nalilitong tanong ni Kuya Carl. 

"Magkakilala kayo?"  tanong ni Ate Crush. Ang cute ng reaction nya. Halatang nagulat sya.

"Tell them baby" nakangiti pa din si Ate Tangkad. Pilit nya akong sinisilip sa likod ni Ate Crush na biglang lumayo sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako magtatago huhuhu. Napatingin ako kay Joy. Sa kanya kaya? Tutal mataas naman sya. Sinalubong nya ang aking tingin ng nakataas ang isang kilay. Wag nalang pala! Kay Kuya Carl kaya? 

"Seulgi..." tawag sa akin ni Ate Crush. Napilitan tuloy akong harapin sya, at dahil magkatabi sila ni Ate Tangkad, nakikita ko din ito.

Sa isip ko lang dapat kasi yung Ate Tangkad eh!

"Ano... tinulungan nya ako" yung pakiramdam ko kanina Sarah G parang kaharap ko yung mga teachers namin.

"Ah sya  ba yung dito sa canteen seul?" tumango ako sa tanong ni Wan.

"Yung umiyak ka?" gusto kong sugurin si Joy huhuhu. Mamaya hahamunin ko yan ng sabunutan!  

"You cried that time baby??" gulat na tanong ni Ate Tangkad. Lalapit sana sya nang bigla syang tawagin ni Ate Crush. 

"Ate Yoo.." tumabi sya ulit sa akin at pinatong ang kanang kamay sa kaliwang balikat ko. "Uhhh dito ka din ba maglalunch?" tiningnan ko sya. Akala ko ba gusto nyang malaman kung paano kami nagkakilala ni Ate Tangkad? 

"You decide" natatawang sagot ng kausap. Naramdaman ko ang pagpisil ni Ate Crush sa balikat ko. Kinikilig ako Sarah G imbis na masaktan. At para idistract ang sarili ko, hinanap ng mga mata ko sina Ate Sunmi at Ate Classmate.

"San sina Ate Classmate?" lahat na naman sila napatingin sa akin. Bakit kaya ako ganitoT_T. Kasalanan 'to ng katabi ko kasi pinapakaba nya ako ayan tuloy nasasabi ko ng malakas ang dapat ay sa isip ko lang.

"Sino naman si Ate Classmate be?"

"Ganyan po talaga sya mga ate kapag hindi nya alam ang pangalan ng isang tao, kung anu ano ang itatawag nya para matandaan nya kung sino"pagsingit ni Wendy sa usapan na ngayon ay nasa gitna na nina Kuya Carl at Joy. Napabungisngis silang lahat maliban kay Joy at Ate Crush na nakatitig lang sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang yumuko. Aawayin ko na ba ang bestfriend ko mamaya?

"What a cute baby." komento ni Ate Tangkad. "Gusto ko sanang sumabay kaya lang may klase pa ako. Sinamahan lang talaga kita dito. So, Rene di ako makakasabay"

Ano kaya sya ni At

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi