Chapter 13

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina pa ako paikot-ikot sa bawat sulok ng bahay niya. Nakatatlong isang daang bilang na din ako. Hindi ako mapakali.

"Wag kang aalis. Wait for me here okay? I'll be back"

Huling narinig ko sa kanya bago nya ako iwanan at nagmadaling umalis pagkatapos nung…

Nung..

 

Napahawak na naman ako sa labi ko. Napangiti.

Gosh

Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at pinanggigilan ang unan.

Bakit ganun? Iba ang epekto ng ginawa nya sa akin. Hindi naman sya ang first kiss ko. Kahit papaano naman ay naranasan ko na ang mahalikan.

Sino nga ulit yun? Ah ewan nakalimutan ko na.

Pero hindi iyon katulad nito na parang..

Parang masarap ulit-ulitin!

Omygod!

Tinakpan ko ng unan ang namumula kong mukha. Sumilip sa paligid na parang may makakakita sa kalandian ko.

Matagal pa kaya sya? Ang sabi nya nagkaroon daw ng emergency sa ospital. Kailangan daw sya. Ramdam ko ang kaba nya kanina. Gusto ko sanang sumama pero pinigilan nya ako.

Sinong hindi matatahimik kung bigla kang ikulong sa yakap at halikan?

Ulit.

Kaya ang ending natulala lang naman ang isang marupok na ako. Namalayan ko nalang nakaalis na sya. Niyakap ko ang sarili ng makaramdam ako ng lamig. Sinulyapan ko ang labas mula sa bintana.

 

Umuulan.

Limang minuto bago mag ala una.

Uuwi naman siguro sya di ba?

Sabi nya maghintay lang ako. Dapat umuwi sya! Hindi pwedeng basta basta nalang syang mang iiwan pagkatapos nya akong pakiligin!

 

So unfair!



 

"Baby wake up. Lipat ka sa kwarto" naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko.

"kgkglfll…" natawa sya. Bakit sya tumatawa? Nakapikit pa ako dahil hindi ko magawang imulat ang mata ko. Kusa itong bumabagsak.

"Ano yun?"

"Nanjfldldl paldksj" 

"Gosh." may sinasabi sya pero hindi ko masyado maintindihan.

"I'll prepare the bed muna. You need to get up baby sasakit likod mo dyan bukas"

Sino ba kasi yung baby?

Naaninag ko syang tumayo at akmang tatalikod na pero parang may sariling utak ang mga kamay ko. Hinila ko sya papalapit. Napaupo tuloy sya.

"Wag mo na akong iwan…" pinalibot ko ang mga braso sa bewang nya. Naramdaman ko ang paninigas nya. "May epekto din pala ako sayo" nakangiti kong bulong. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Of course you do." napahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Tulog na tayo"I heard her giggled.

"Clingy.." 

 

Namalayan ko nalang na magkayakap na kaming dalawa habang pinagkakasya ang mga sarili sa di-kalakihan nyang sofa. Nakapalibot ang mga braso ko sa kanya upang hindi sya mahulog. Nakaunan naman sya sa dibdib ko. 

" Your hug really is the best seulgi-yah. Paano mo yan nagagawa?" 

Napaisip ako. Pangalawang beses ko nang narinig iyon sa kanya. Kinikilig ba sya sa yakap ko? 

Sus mahalin nya lang ako kahit segu-segundo pa may supply sya ng yakap ko!

"Sabi nga nila" naramdaman ko ang paggalaw nya.

"Who?" 

"Si Joy" 

"Sya lang?" napadilat ako. Syempre pati si Wan kaya lang mas madalas si Joy ang nagsasabi sa akin ng ganun. Kahit nung hindi ko pa alam na may nararamdaman sya sa akin, madalas nya na sabihin yan. May mga beses nga na yayakapin nya ako bigla kasi kinakabahan daw sya. Lalo na nung nagtake sya ng board exam halos hindi nya na ako bitawan juskopo!

"Si Wan tsaka si mama si Ate Sophia si.." napatigil ako at tiningnan sya nung marinig ko ang hagikhik nya.

"Kanina mo pa ako pinagtatawanan" pinisil nya ang pisngi ko.

"Because youre too cute for me" hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko.

"Nacocomfort ka ba ng hug ko?"

Juskopo seulgi ang cheesy! Nakicringe ako huhuhu. Pero paano ko  ba yun babawiin?

"Always" sya naman ang humawak sa kamay ko at inilagay ito sa bewang nya. Napalunok ako. "Lets sleep na baby" mas lalo syang sumiksik leeg ko.

Kanina antok na antok ako pero ngayon hindi ko na alam kung paano ulit ako makakatulog!

"S-sinong b..b.."

Putangina ang hirap bigkasin!

"Hmmm?"

"Yung ano..be-..baby" pahina ng pahina ang boses ko.

"Yes baby?"

Naku naman Lord itutulog ko na 'to.

"Wala uhh ano goodnight Hyun" nasabi ko nalang. Pinilit ko ang sariling pumikit.

"Until tomorrow baby…"


Susmaryosep na baby yan!



Sa buong buhay ko ngayon ko lang masasabing ito ang pinakamasarap na tulog ko. Ni hindi nga ako nanaginip. Pwede pala yun? O baka nanaginip ako pero nakalimutan ko lang? Kinapa ko ang pwesto sa tabi ko. Napabangon ako bigla ng hindi ko sya naramdaman.

Gising na sya?

Nilibot ko nang tingin ang paligid. Nasulyapan ko ang jacket na suot nya kagabi nung umalis sya. Napangiti ako.

Totoo yung nangyari kagabi. Hindi guni-guni. Yes!

 

"Goodmorning" bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan ko syang nilingon.

"Ang ganda talaga" nanlaki ang mata ko nung marealize ko ang sinabi ko. Jusko! "Hi…ay ano k-kanina ka pa gising?" nahigit ko ang hininga ng humakbang sya papalapit.

"Hows your sleep?" tanong nya.

"Masarap" natigilan sya. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya. Bakit biglang uminit? Nagkunwari akong nagkusot ng mata. "Uwi na ako Hyun" nasabi ko nalang. Nakakahiya kasi na dito pa talaga natulog. Kagabi pa ako dito!

"Eat first. Ihahatid naman kita" umiling ako.

"Hindi na Hyun masyado na akong nakakaabala sayo. Ako nang bahala" tumayo na ako ngunit humarang sya.

"Stop saying that. I like what Im doing. I like you" kung may sakit siguro ako sa puso nagseizure na siguro ako dito. Hindi ko kinakaya ang sinasabi nya lalo na ang mga titig nya.

"A-alam ko. Ako din kaya lang-

"Ikaw din ano?" tanong nya. Seryoso ba syang hindi nya alam ang sinasabi ko?

"Ayun. Pareho tayo pero kas-

"Parehong ano?" pinagmasdan ko ang expression nya. Hindi sya nang aasar. Seryoso syang naghihintay ng sagot. Juskopo Doc naman!

"Feelings" hindi na tuloy ako makatingin sa kanya.

"Name it" 

 

Seryoso? Bakit ang kulit nya ngayon? Hindi naman ako naiinis ano lang..

Tangina kinikilig ako pero nakakahiya! 

 

"Ayoko lang na naaab-

"What feelings baby?"

Baby

 

Baby

 

Baby


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Isiniksik ko ang mukha sa leeg nya. Ginalaw galaw ko ang mga katawan namin.

"Baby ka dyan! Gusto kita Hyun kaya lang masyado na kitang inaabala. Kagabi pa ako dito tapos tingnan mo nga kagabi tinawag ka sa ospital tapos umuwi ka pa dito kasi nandito ako tapos busy ka na mamaya dapat nagpapahinga ka ngayon imbis na asikasuhin ako na wala namang ibang ginawa kundi gustuhin ka. Gusto kita. Gustong gusto"

Tae ano ba 'tong sinasabi ko?

 

"Ayaw mo ng baby? What do you want then?" kumalas ako sa yakap at hindi makapaniwala syang tiningnan. Sa lahat ng sinabi ko yun lang ang tumatak sa isip nya?

"Seryoso Hyun?"

"What?" natatawang tanong nya.

"Inaasar mo lang ako eh!"

"Why would I? Im just asking kung anong gusto mong endearment natin"

Endearment. Natin. Namin.

Ayoko nang umuwi!

"Yun nalang" nanghihina kong sabi. Wala pa akong almusal jusko!

"Anong yun?" 

"Yan ka naman eh!" palakas ng palakas ang tawa nya.

"What? Be specific baby. I dont want to assume things" 

Kainis ang ganda nya! Huminga ako ng malalim.

"Ba…" kinamot ko ang pisngi. Bat ba ko hirap na hirap? Ganito ba basta walang experience?

"Ba..?" niyakap ko nalang ulit sya at itinago na naman ang namumula kong mukha sa leeg nya. Paborito ko na 'tong gawin sa kanya magmula ngayon hehe.

"Baby. Gusto ko baby" 

Papag-aralan ko talaga ng bongga ku

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi