Bunny

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ang mga readers ko ay parang si seulgi. Nakakakilig. Thank you sa pagbabasa guys huhuhu. Enjoy Reading!

 

Sarah G!!!!!!!! Wait teka hindi ko mapigilan. Parang gusto ko tumili habang nagsusulat. Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari kanina. Excited ka na bang malaman? Bayad muna! Pero dahil mahal kita sige libre nalang 'tong kwento ko.

Hindi ako makapaniwala na makakasabay kong maglunch si Ate Irene! Huhuhuhu naiiyak ako Sarah G kasi nagkamoment kami. Natutunan ko lang yan kay Wendy sabi kasi nya mabuti pa daw ako nagkaroon ng moment sa crush nya!

Nagkamoment din naman sila ni tabajoy? Pero isang malakas na hampas sa balikat lang ang natanggap ko nung sinabi ko yun. Sabi nya hindi naman daw nya crush si Joy. Si Eric daw yung crush nya. Yung Grade 5 na Best in Math palagi.

Okay hindi tomboy ang kaibigan ko. Akala ko kasi may crush talaga sya kay Joy  kasi nahuhuli ko sya palagi na nakatingin kay tabajoy na laging nakasimangot! Tapos kanina niyaya pa sya ni Wendy na sumama sa amin sa canteen. Nakita nya kasi si Joy na naglalabas ng baon nya tapos mag isa lang sya. Okay lang naman yun sa akin. Pero nakakainis lang dahil nagpapilit pa ang bruhilda! Natagalan tuloy kami nagugutom na ako eh!

Ang arte talaga sya na nga 'tong sinasama!

Nakabusangot ako on the way namin sa canteen kasi sya lang yung kinakausap ni Wendy! Sa likod nila ako pumwesto at kitang kita ko kung gaano kaliit ni Wendy sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa. 

"Whats funny?" nakataas na kilay na tanong ni Joy. Pareho silang napalingon sa akin. Napalakas ata tawa ko.

"Wala kaya" 

"Hoy seulgi alam kong may iniisip ka! Bakit ka tumatawa?" nanghihinalang sabi ni Wendy. Hindi nila inaalis ang tingin sa akin.

"Wala nga kasi!" kamot pisngi kong pagtanggi. Inirapan ako ni tabajoy.

"Crazy" 

"Chubby" nanlaki ang mata nya.

"WHAT DID YOU SAY?" malakas na pagkakasabi nya. Hindi ko alam pero habang tumatagal nasasanay na ako sa pagmamaldita nya. Hindi na ako kinakabahan kapag sinisigawan nya ako. Kung sabunutan man nya ako edi gagantihan ko sya!

"CHUBBY"! malakas ko ding sagot. At dahil alam ko na ang sasabihin nya inunahan ko na sya.

"Y-

"YAH! tigidig tigidig kabayo ka ba?" akmang hahablutin na nya ang buhok ko ng mabilis humarang si Wendy sa gitna namin.

"Wag nga kayo mag away" saway nya. Humarap sya sa akin. "Seulgi masama mang asar" napanguso ako. Kinakampihan nya talaga si tabajoy. Nakakalungkot Sarah G T_T.

"Oo na ako na naman may kasalanan dwende" binulong ko lang yung huli kong sinabi pero as usual sa sense of hearing ng kaibigan ko narinig nya pa din. Pareho na sila ni Joy na masama ang tingin sa akin.

Pinagtutulungan ba nila ako? Hindi ako papatalo! 

"Natatawa ako kasi ang cute nyo tingnan" tinuro ko si Joy. "Kapre" tinuro ko naman si Wendy "na may kasamang duwende HAHAHAHAHA" bago pa nila mahawakan, nagtatakbo na agad ako. Naramdaman kong hinahabol nila ako.

"Yah!"

"Seulgi!"

Nakakainis ang haba ng legs ni Joy! Malapit na nya akong maabutan. Binilisan ko pa lalo ang takbo. Nakikita ko na ang canteen.

Konti na lang.

"Awts" napaupo ako sa sahig. May nakabungguan ako. Huhuhu ang sakit ng pwet ko. Gusto kong umiyak. Ganito siguro yung naramdaman ni Joy nung natumba sya dati dahil sa paghihilahan namin ng tambo. Masakit pala huhuhu.

"Hala sorry be omygod okay ka lang ba? Uhhhh yeah i know hindi pero can you- seulgi??" umatras ang papalabas na luha ko nang marinig ko ang boses ng kagome ng buhay ko. Kaya pala amoy downy. Sya pala yung nabunggo ko.

"Whats the rush bebe? Saan masakit?" nagawi ang paningin ko kay Ate Sunmi na gumaya kay Ate Irene sa pag upo sa harapan ko. Pareho silang nakaalalay sa akin. Sa kanang balikat ko sya nakahawak, habang si ate Irene naman sa kaliwa at sa tuhod ko.

Hinawakan ako ng crush ko Sarah G! Nararamdaman ko ang lambot ng kamay nya. Parang nawala bigla yung sakit ng pwet ko. Pareho sila ni mama. May magic yung kamay.

"Hala ka Gurl paiyak na" tumingala ako upang makita kung sino yung nagsalita. Si Kuya Echosero lang pala. May kasama syang isang babae na klasmeyt din nila. Gurl?

"Seulgi... baw...bawiin mo yung sinabi mo!" nabaling ang atensyon naming lahat sa pagdating ni Joy. Hingal na hingal sya.

Patay na! Sumulyap ako sa likuran nya. Malapit na din makarating dito si Wendy. Dahan dahan akong tumayo. Tinulungan ako nina Ate Irene. Parang bumalik ulit yung sakit nung nawala na ang malambot na kamay ni Ate Irene sa akin.

Hawakan mo ulit ako ateT_T

"Saan masakit"? bulong nya sa akin. Ang lapit lapit nya Sarah G! At katulad ng lagi kong ginagawa, nakatitig lang ako sa kanya. May nunal pala sya sa pisngi? Ang ganda din ng mata nya lalo na sa nakikita ko ngayong pag aalala sa akin.

"Seulgi ang bad mo! Hindi ako duwende!" sigaw ni Wendy pagkalapit nya sa amin. Narinig ko ang pagpipigl ng tawa nina Kuya Echosero. Ano ba naman 'to si Wendy nilaglag ang sarili nya! 

"At hindi ako...yung sinabi mo bawiin mo!" sabi ni bruhilda. Pinagmasdan ko ang itsura ng kaibigan ko. Nakapatong ang kanang kamay ni Wendy sa kaliwang balikat ni Joy habang yung isa nasa tuhod nya. Hinihingal. Kawawa naman pala si Wan napagod sa pagtakbo. Kasi naman sya eh masyado nyang kinakampihan yung isa!

"Nag aaway ba kayo?" tanong ni Ate Sunmi.

"Nauna si seulgi!" tinuro ako ni Joy. Nagtago ako sa likod ni Ate Irene. Sorry naT_T

"Kayo naman kasi eh.."

"Anong kami? Inasar ka ba namin ha?" humahakbang na papunta sa akin si Joy. Pinigilan sya ni Ate Sunmi.

"Ang cute nila mag away gurl" 

"Oo nga ganyan siguro tayo dati"

"Wag kang feeling gurl! Feeling adult ka huh eh nagchachinese garter ka pa din naman" nakarinig ako ng malakas na hampas kasabay ng pagtili ni Kuya Echosero. Ano bang nangyayari sa kanya? B-bakla ba sya?

"Wala pong masakit Ate" bulong ko kay Ate Irene. Wala kasi syang pakialam sa nangyayari. Chinecheck nya pa din ako mula ulo hanggang paa.

"Baka nagkasugat ka" pinagmasdan nyang maigi ang tuhod ko. 

"Paatras akong natumba ate. Walang nangyari sa tuhod ko" natigil sya bigla. Tinitigan nya ako ng matagal.

"R-right o-oo nga what am i thinking?" natatawa nyang sabi

"Ayoko na hindi na ako sa inyo sasabay!" padabog na umalis si Joy. Hinarangan sya ni Kuya Echosero.

"Okay kids. Masama ang nag aaway. Walang hihiwalay sa inyo. Ako nga pala si Carla. Ang dalagang bukid sa Section 1. Tara sundan nyo ako sama sama tayong maglunch" sapilitan nyang dinala si Joy. Hindi na sya nakatakas kasi mas malaki si Kuya sa kanya. Si Wendy naman dinala ni Ate Sunmi.

"Carla ka dyan b

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
31 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi