Pangalawang Iyak

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina takot na takot ako. Akala ko hindi na ako makakauwi. Mukha siguro akong kawawa kanina sa labas ng school. Magdidilim na kasi pero wala pa si Kuya Pipoy. Wala si Joy kanina. Absent sya dahil may sakit kaya ako lang yung dapat susunduin ni Kuya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi sya dumating.

 

Takot na takot ako.

 

Kasi mag isa lang ako. 

 

Sa mga taong lumalapit sa akin para tulungan daw ako. Sabi ni mama wag daw basta basta maniniwala sa mga taong hindi ko kilala kaya tumatanggi ako kapag sinasabi nila kung saan ako nakatira. Meron pang ale na lumapit sa akin. Binibigyan nya ako ng pamasahe.

 

Tumanggi ako. Kasi hindi ko naman sya kilala. 

 

Asan na ba kasi si Kuya Pipoy?

 

Unti unti nang dumidilim. Tapos kaunti nalang ang mga estudyante sa school. Halos tahimik na. 

 

Natatakot akong maiwan ng mag isa. Anong gagawin ko? Maglakad nalang kaya ako?

 

Nilapitan ako ni kuya Guard. Kanina pa daw nya ako napapansin. Mukha naman syang mabait kaya sinabi ko sa kanyang wala pa yung service ko.  Pero kung sasabihin nyang iuuwi nya ako hindi ako sasama. Iniisip ko pa din yung bilin ni mama. Bahala na basta nandito lang ako sa school. Baka puntahan ako dito nina mama lalo na gabi na. Siguro nag aalala na sya sa bahay?

 

Mama koT_T

 

Sinamahan nya ako pabalik sa loob. Pero nagpaiwan lang ako malapit sa gate. Kasi baka biglang dumating si Kuya tapos hindi nya ako makita. Tinanong nya kung sino yung adviser ko. May kung ano syang tiningnan sa malaking notebook.

 

"Hindi pa nakalog out adviser mo. Teka pupuntahan ko.  Dyan ka lang iha wag kang aalis"

 

Hindi ko na naintindihan yung nangyayari sa paligid. Natatakot talaga ako. Hindi ako sanay. Napaupo nalang ako. Nararamdaman kong tumutulo na yung luha ko.

 

"Seulgi-yah"

 

Napatingala ako sa taong nagsalita. Ewan ko pero nung marinig kong tinawag nya ako at nakita ko sya nagdire-diretso na yung luha ko. 

 

"Ate Irene"....humagulgol na ako. Hindi ko na magawa pang tumayo. Umupo sya sa harapan ko upang mapantayan ako. Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko.

 

"Wag ka nang umiyak. Nandito na kami. Iuuwi ka na namin ni mama" mas lalo lang tuloy akong naiyak. Hindi ko alam kung bakit. Napatungo ako dahil nakakahiyang umiyak sa harapan nya. Mas umusog sya papalapit sa akin at naramdaman ko ang paghimas nya sa ulo ko pati sa likod.

 

"Tahan na nandito na si Ate"unti unti akong kumalma. Tsaka na ako haharap sa kanya. Uubusin ko muna luha ko.


 

Ilang minuto bago ko sila harapin. Nakatayo na pala sa tabi ni Ate Irene si Maam. Ngumiti sya sa akin at sinabing ihahatid nga daw ako nila. Tinanong nila ako kung tanda ko daw yung papunta sa amin. Alam ko na naman. Ako muna ang pinapasok ni Ate Crush sa kotse nila bago sya tumabi sa akin. Akala ko sa unahan sya uupo. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya. Lumapit sya sa akin at inayos ang seatbelt.

 

"Okay na Ma." umandar na ang sasakyan. Sa labas nalang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
36 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi