Chapter 10

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Natigil ako bigla sa pagbabasa. 

 

Someones cute. Sino yon? Nalaman ko ba? Umamin ba sya? May nasabi ba sya?

 

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang inililipat ko ang bawat pahina ng diary ko. Nagbabakasakaling may mabasa ako na sagot. Ayoko sanang gawin pero gusto kong malaman kung nasabi ba nya sa akin kung sino yung crush nya dati. Hah! Crush. Kung ikukumpara ang nararamdaman ko noon at ngayon sa kanya, imposibleng crush lang 'to.

 

Nakakapagtaka din na mabibilang nalang sa daliri yung may entry na pages.


 

Sarah G!

 

Ang tagal na kitang hindi nabibisita. Nawala kita huhuhu…..


 

Mabilis kong inililipat ang bawat pahina kapag wala akong nababanggit tungkol sa crush nya dati.

 

Sarah G!

 

Ang daya bakit ako hindi kasama? Sabagay hindi naman ako magaling sa Math!...

 

Sarah G!

 

Alam ko na kung saan nakatira si Ate Crush! Mayaman sila!.....

 

Sarah G!

 

Magpapasko na ibig sabihin may matatanggap na naman ako na regalo yeyyy….


 

Sarah G!

 

Pinagalitan ako ni Ate Sophia hindi daw ako nakikinig! Eh ayoko nga kasi….

 

Sarah G

 

Naisip ko lang kapag ba grumaduate na si Ate Crush ibig sabihin ba nun hindi ko na sya makikita kahit kailan?


 

Mas lalong kumabog ang puso ko sa huling pahina na nabungaran ko.

 

Picture namin. May picture kaming dalawa na nakadikit sa diary ko. Nakalimutan ko na yung buong pangyayari dito pero naalala kong binigay nya 'to saken. Nakaakbay sya sakin at pareho kaming nakangiting dalawa. Sa likod namin ay stage at mga upuan. Pareho din kaming nakauniform.

 

Ah naalala ko na. Nagpapractice sila dito ng graduation. Yung mama nya ang kumuha ng picture.

 

Grabe gusto ko na namang umiyak. Dahil ba sa saya o sa lungkot? Parang biglang bumalik sa akin yung feeling nung araw na ito.

 

Sarah G

 

Nang iwan si Ate Irene. Iiwanan na din ba kita?....

 

 

Agad kong isinara ang notebook. Gagi kaya nga ako nagbabasa para naman mabawasan yung pagkamiss ko sa kanya tapos mababasa ko 'to? Pati ba naman dito? Ipinatong ko na lamang ito sa lamesa katabi ng sketch pad ko.

 

Wala din akong gana magdrawing. Kinuha ko ang aking cellphone na biglang umilaw.

 

From: 0938xxxxxxx

 

Hey Can I ask?


 

Si seola. Hindi ko pa pala nasesave yung number nya.

 

Me: Sure

 

Ms. Kim: Grabe ang hot sumagot pwede po ba kitang jowain?

 

Me: Bye

 

Ms. Kim: Uyy tekaaaaa waaaaggg joke lang

 

Me: Umayos ka kasi! Ano ba yun? Work related ba yan?

 

Ito lang talaga na babaeng 'to yung katrabaho kong nakakausap ng ganito. Though naiinis ako sa pantitrip nya somehow, mas okay na din yung ganito kaysa sa mga ka uri ni Ms. Jung na masyadong seryoso sa buhay.

 

Ms. Kim: Uhhh..prolly?

 

Me: Shoot

 

Ms. Kim: Anong type mo sa babae?

 

Shutangina talaga! Sinasabi ko na nga ba. Atsaka teka babae? Alam nyang…sabagay nakahalata nga sya na may something ako kay Doc eh. Pero siraulo pa din sya.

 

Me: Prolly work related huh?

 

Ms. Kim: Bakit? Kawork kita kawork mo'ko. Magkawork tayo. Hindi ba dapat kinikilala ng mabuti yung mga makakawork mo?

 

Me: Work mo muka mo! At mas makikilala mo talaga ako by asking kung anong type ko sa isang BABAE?

 

Ms. Kim: Oo naman atsaka wow all caps ung BABAE? Sige anong type mo sa isang lalaki?

 

Me: Ew!

 

Ms. Kim: Hahahaha kitams! 

 

Me: even so hindi pa din kita sasagutin!

 

Ms. Kim: Awts nambasted agad wala pa nga akong ginagawa eh huhuhu *pusong wasak*

 

Me: Tangina nung pusong wasak😆

 

Ms. Kim: Tinatawanan mo lang yung puso kong wasak? Awtss grabe ka naman manakit nakakasakit ka na ah!

 

Grabe yung tawa ko dito kay Seola. Siraulo talaga eh. Ang pormal ng name nya sa phone ko tapos yung mga messages nya…napailing iling nalang ako. Magtatype na sana ulit ako ng biglang nagtext si Joy.

 

Joy: Gising ka pa?

 

Nag iisip ako kung rereplayan ko ba sya. Hindi naman siguro sya nakainom diba? Wala naman akong nababalitaan na may ganap sya ngayon kasi kung meron man tiyak na sasabihin yun sa akin ni Wan. Sya kasi yung naghatid sa akin pauwi dito sa bahay kanina.

 

Me: Yisssss

 

Joy: Hyper yarn? Katext mo crush mo no?

 

Me: :((((

 

Joy: 'taragis na muka yan. Mukhang isda!

 

Me: Aaway mo 'ko?

 

Joy: Nakakadiri ka!

 

Me: Hahahaa bakit ba? May kailangan ka? Nakauwi na si Wan dont worry:) 

 

Joy: Gago alam ko.

 

Me: Uyy updated yarn?

 

Joy: Ikaw lang naman ang walang pakialam.

 

Okay shut up nalang ako. Grabe naman to si Ligaya magpatama tagos hanggang buto. Nilamig ako bigla eh. Hinila ko ang kumot hanggang sa dibdib ko. Hindi ko na hininaan yung aircon hayaan na yan dyan. 

 

Joy: Kidding! May itatanong lang ako.

 

Me: Siguraduhin mo lang na matino yan.

 

Kapag ito balak din akong pagtripan isusumpa ko silang dalawa ni Seola. Ano bang problema nila sa akin ngayon?

 

Joy: Wag mo'kong igaya sayo beach!

 

Me: Nye nye nye nye

 

Joy: Di bagay! Teka nga yung pakay ko hype ka! Itatanong ko lang kung kumusta na si Doc? 


 

Matino nga yung tanong nya. Sa sobrang tino ay napatahimik ako. Kumusta na nga ba sya? Ilang araw na wala akong balita sa kanya. Kahapon, sinadya kong sumama kay Yeji para sa check up nya dahil nagbabakasakali akong makita sya. Kahit ako nalang, kahit hindi nya ako makita basta masiguro ko lang na okay sya pero wala. Ni anino nya hindi ko nakita. Nagtext ulit si Joy.

 

Joy: So hindi pa din kayo nag uusap?

 

Me: :(((((((

 

Joy: Kaya hindi ka kinakausap eh kasi baliw ka!

 

Me: Matino kaya ako sa kanya!

 

Joy: Anyway, I hope shes doing okay. Nagkita kami nung araw na yun. Lagi kong nakakalimutan sabihin sayo dahil pareho tayong busy ngayon ko lang naalala.

 

Napabangon ako mula sa pagkakahiga.

 

Me: Kailan?

 

Joy: Nung pinuntahan mo sya sa presinto.

 

Nung araw na pinili ko si Doc kaysa sa kaibigan ko. My heart hurts. Tama ba ang naging desisyon ko? Parang alam agad ni Joy ang nasa isip ko dahil nagreply ulit sya.

 

Joy: Its okay. I know how much you care for the both of us. Tama lang yung ginawa mo kasi kung pareho kayo ni Wan na pumunta sa akin I dont know what will happen to her.

 

Me: Paano mo sya nakita?

 

Joy: Sa restaurant kung saan kami nagdinner. Nandoon din sya with her…uhhh Dad? I dont really know all I can say is that she didn't have a good talk with that man. 

 

Me: Hindi ko din alam eh

 

Joy: Her tears Seul, I can feel it. Nung nakasabay ko sya lumabas umiiyak na sya. 

 

Me: Anong gagawin ko?

 

Joy: Dont rush her okay? Balitaan mo'ko kapag nag usap na kayo. Matulog ka na.


 

Pero hindi agad ako nakatulog. Iniisip ko sya. Hindi ko din mabitawan yung phone ko. Nagtatalo ang utak at puso ko. Kung itetext ko ba sya? Tatawagan? Hindi ba sya busy? Baka nasa duty pa. Sumasakit na yung likod ko sa pwesto ko. 

 

Wala naman sigurong masama kung kumustahin ko sya diba? 

 

To: Doc:*

 

 Please be okay

 

Naghintay pa ako ng ilang minuto na inabot ng dalawang oras. Walang reply.

 

______&&&&&________


 

Hindi ko alam kung napaparanoid lang ba ako o ano pero pakiramdam ko kanina pa may sumusunod sa akin. Mula sa paglabas ko ng site hanggang dito sa convenience store na papasukan ko ramdam kong may nagmamasid sa bawat galaw ko. Tumingin tingin ako sa paligid bago ko naisipang pumasok. Wala namang kakaiba. Nandito ako ngayon upang bumili ng mga snacks. Palagi kasi kaming nauubusan ng stock. Balak ko sanang magkape pero wag nalang. Baka lalo lamang akong nerbyusin dahil nga pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Wala pa naman akong sundo ngayon. Masyado nang busy si Wan dahil malapit na ang pasukan. Ayoko na syang abalahin pa. Ganun din si Joy na laging nakaduty tuwing gabi. Kaya magtitiis nalang muna akong mag isa. Kaya ko naman. Ang laki laki ko na!


 

"Uy Ma'am Engineer!" nagulat ako sa taong nasa counter. Si Angel. Nakasuot sya ng pulang uniform at sumbrero na ngiting ngiti sa harapan ko. Ang cute nya. Hawig talaga kami hindi ko na maitatanggi.

 

"Hey" gulat na sagot ko. Nagtatrabaho pala sya dito? Akala ko nag aaral pa sya.

 

"Hehe gulat ka Ma'am? Dont worry po nag aaral ako sa umaga ang sipag ko po di ba?" nagmamalaking sambit nya habang inaasikaso ang mga pinamili ko. " Mas bet ko Ma'am ang chuckie kaysa yakult. Pero masarap din naman 'to. Ahhh snacks snacks snacks"

 

"Matagal ka na dito?"

 

"Bago lang po dito pero kung tatanungin nyo po ako sa iba pang branch ay matagal na po. Nasuyod ko na nga ata po lahat ng branch nitong store eh" natatawang sagot nya. Napaisip ako. Gusto ko syang tanungin tungkol doon sa check up nya kay Doc. Bakit sya nandoon? Anong sakit nya? Pero itinikom ko nalang ang bibig ko dahil hindi pa naman kami masyado ganun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi