Chapter 14 part 3

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Si Ma'am Bae. Masyado nang malabo sa memorya ko ang nangyari noon pero alam kong isa sya sa mga gurong naging paborito ko. May mga tao talagang darating sa buhay natin na panandalian lang. Yun bang makikilala mo sila sa isang pagkakataon at pagkatapos nun, wala na. Wala nang rason pa para magkita kayo ulit. Minsan makakalimutan mo na sya. Magugulat ka nalang ganito na sya. Ganyan sya. Or worst katulad ngayon, wala na pala sya sa mundo.


 

Bakit hindi ko'to nalaman?

 

Dahil hindi naman lahat dapat alam natin. Kung nalaman ko 'to dati siguro hindi ganito kadoble ang sakit. Masyadong masakit lalo na kapag nakikita mo yung mahal mo na nasasaktan.


 

Im sorry Doc. 









 

"Dito tayo magstay ngayong gabi?" tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papasok sa sinasabi nyang resort na pag aari ng mama nya. Vacation Home Rental. Binasa ko ang karatulang nakasulat sa taas. Ipinangalan pala sa mama nya.

 

Lucia's Garden, Farm and Resort

 

"Uh-huh. Do you know how to swim?" napatigil ako sa paglakad. Umangat ang gilid ng labi nya. "Dont worry I got you" sabay kindat. Huh! Bumitaw ako sa kanya.

 

"Marunong kaya ako" ibinalik nya ang hawak sa kamay ko.

 

"Ang hilig mong bumitaw" napahigpit tuloy bigla ang kapit ko sa kanya. Sorry naman.

 

"Promise marunong ako!" yun nga lang sa mababaw lang. Pero hindi ko yun sasabihin sa kanya!

 

"Dapat hindi para mas maganda. Mas romantic" tiningnan ko sya ng nagtataka. 

 

Anong romantic sa hindi marunong lumangoy na jowa?? Kakaiba talaga.


 

"Magandang gabi Maam" bati sa amin ng isang babae. Medyo may edad na. Caretaker ata nitong resort.

 

"Hello 'Nang kumusta po kayo?" bati sa kanya pabalik ni Doc pagkatapos nya itong ibeso. Hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko. Nakita ko tuloy ang pagsulyap doon ni Manang.

 

"Naku wag kang mag alala anak okay kami dito. Para namang ang tagal mong hindi nakapunta. Nung nakaraan lamang ay nandito ka"

 

Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Manang. Sinabi na sa akin ni Doc kanina doon sa well kung nasaan ang mommy nya na pumunta sya dito noong nakaraan lang. Yung gabing pinuntahan ko sya sa presinto. Kinabukasan noon ay umalis sya upang puntahan ang mama nya.

 

Kaya pala wala akong narinig mula sa kanya noon.

 

"He wants me to move on. Akala ko magkasama naming bibistahin si Mommy dito but he insisted na wag na. It was Mommys death anniversary. Kada taon, pinupuntahan namin sya pero ngayon ako nalang mag isa. I guess tuluyan na ngang nakamove on si Daddy. It hurts"

 

Medyo nakaramdam ako ng inis sa Daddy nya. Paano nya nagawang sabihin iyon? 

 

"May nagpabook po ba ngayong gabi?" mabilis na umiling si Manang.

 

"Ay anak sakto lang dahil inyong inyo ang resort. Medyo matumal tayo ngayon pero ganun talaga. Bukas pa naman yung nagpabook ngayon nga ay kaaalis palang nung mga gumamit" halata ngang kaaalis palang nung nagrent. Nakasabit pa din yung banner na Happy 18th birthday. Dito siguro ginanap yung debut. Medyo makalat pa din. Buhay pa yung videoke at hindi pa naaayos ang mga tiffany chairs na nakapalibot sa lamesa.

 

"That sounds good. Magswim lang kami 'Nang tapos dito kami matutulog" napatingin na naman sa akin si Manang. Ngumiti ako.

 

"Hi po" mukhang narealize naman ni Doc na hindi nya pa ako pinapakilala. Bigla nya akong inakbayan.

 

"Si Seulgi po 'Nang. Girlfriend ko" nanlaki ang mata ni Manang pero mabilis nya itong binawi. Medyo natagalan pa syang magsalita.

 

"Ganun ba. Eh kung ganun ay mag enjoy kayo. Tamang tama lang ang dating nyo pero mamaya na kayo maligo 'nak papalinis ko muna yung pool" tumango si Doc pagkatapos ay iginiya ako kung saan. May mga cottages at rooms na available.

 

"Magkano renta dito? Yung pinakamahal?" pinanggigilan nya ang braso ko.

 

"You dont need to pay. Its on me" inalis ko ang kamay nya sa braso ko at inakbayan sya.

 

"Sinabi ko bang magbabayad ako? Nagtatanong lang magandang business to eh" pinalibot nya ang kamay sa bewang ko. 

 

"Spy" tumawa na lamang ako. Nahagip ng paningin ko yung pool area. Nilamig ako bigla. Magagalit kaya sya kapag tumanggi akong maligo? Isa pa wala akong dalang damit pang swimming! "Lets go to my favorite area nitong resort ni Mommy." excited na sabi nya sabay hila sa kamay ko. Nagpatangay na lamang ako. Masyado syang masaya ngayon parang wala lang sa kanya yung pag iyak nya kanina. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masaya ako dahil finally, ako ang kasama nya ngayon. Hindi ibang tao. Natutuwa din ako na unti unti na syang nag oopen up sa akin. Pero nalulungkot din ako sa mga nalaman ko at the same time.

 

Bakit ang aga Mo namang kunin sa kanya ang Mommy nya? Pero sino nga ba naman ako para magreklamo Sa'yo? 


 

Ruptured Aneurysm

 

"Part of me still blaming myself kung bakit nawala si Mommy. The symptoms were there. Mas inuna ko ang studies not knowing na nahihirapan na si mama. She said it before na sumama kami kay Daddy. I didn't know back then na nakakaramdam na sya. Nagalit pa ako noon. Like how could she said that? I chose to be with her kahit alam kong may problema na sila ni Daddy. Mas pinilit ko yung gusto ko. I stressed her out. I said something na nagtrigger sa blood pressure nya and Im…"

 

"Wala kang kasalanan baby. Please dont say that"...


 

"Here it is!" napatingala ako sa tree house na tinuro nya. Meron pala dito? "You know what noong ginagawa palang 'tong resort ni Mama wala sa plano yung tree house pero ako yung nagsuggest sa kanya. Tara?" hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming umakyat.

 

Sakto lang yung laki nya. Ramdam na ramdam mo yung hangin na tumatama sa balat mo. May malaking bintana katabi ng kama. Malinis. Wala sigurong gumamit nito kanina. Sabagay natatago kasi sya. Kaharap ng kama ay kabinet at nakapatong ang kung anu anong abubot. Napakapit ako kay Doc nang masulyapan ko ang maliit na estatwa ni Mama Mary. Sorry po huhu.

 

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Doc. Naramdam nya siguro ang lamig ng palad ko.

 

"Wala bigla akong nilamig" nanliit ang mata nya.

 

"Reasons. Natatakot ka ba kay Mama Mary?" gagi naman bakit alam nya? Hindi naman sa natatakot ako. Ano lang kasi hayss parang bata naman! Hanggang ngayon kasi ay natatakot pa din ako kapag nakakakita ako ng mga rebulto. Lalo na sa simbahan.

 

"Hindi ah! Bat naman ako matatakot sa Mama ni Papa Jesus?" tumawa sya sabay pisil sa pisngi ko.

 

"You're so cute" bigla syang tumalikod at halos lumuwa ang mata ko nang hawakan nya ang dulo ng suot nyang tshirt. Maghuhubad ba sya? Napatalikod ako bigla. Nakatingin sa akin si Mama Mary juskoT_T

 

"Turn around" utos nya. Umiling ako.

 

"Mag..magbihis ka muna. Atsaka ano wala akong dalang damit pangswimming siguro itong tshirt ko nalang tapos nakashorts naman ako. Tapos ka na ba?" sunod sunod na sabi ko. Nagkamot ako ng pisngi. "Hindi mo kasi ako sinabihan na maliligo tayo.."

 

"I prepared everything baby. Nagdala ako." napaharap ako agad at naramdaman ko ang pag init ng tenga ko. Sure ako namumula. Kitang kita ko kung gaano kaputi ang batok at braso nya. Nakasuot sya ng swimming sando top and shorts na terno. Kulay pink. Bumaba ang tingin ko sa legs nya. Patawarin mo ako Mama MaryT_T. Please tingin lang. Hanggang doon lang ang gagawin ko. "I brought something for you too." kinuha nya sa tote bag na dala yung sinasabi nya. "I think tama naman ako sa size. We almost the same naman" nilabas nya ang kulay abong sports swimsuit. Sport top at swimming shorts. Masyado atang maikli para sa akin yung shorts?

 

"Nakaplano naman pala" sabi ko sabay kuha sa inaabot nyang damit. Tinawanan lang ako. "Turn around" panggagaya ko sa kanya. She looked at me flabbergasted.

 

"I can't believe you!" reklamo nya. Pinihit ko sya patalikod.

 

"Magbibihis ako bawal sumilip" pang aasar ko. Wala naman kasing restroom dito sa tree house kaya no choice kundi magpalit mismo dito sa harapan ni Mama Mary. Pero masyado syang makulit dahil humarap ulit sya.

 

"Why can't I? Wala naman akong gagawin promise titingin lang" 

 

Wala naman akong masamang iniisip! Nahihiya lang kasi ako jusko naman. Ilang beses akong lumunok.

 

"Baby…." pagpapabebe ko. Parang nauto ko naman sya dahil nakita ko ang saglit nyang pamumula. Huminga sya ng malalim.

 

"You win this time tsk" tumalikod na sya. Dali dali akong nagpalit at nang matapos ay kinalabit ko sya. 

 

"Done na" humarap sya. Napangiti habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. Nang magtama ang mata namin ay napatikhim sya.

 

"Lets go baka malinis na yung pool" hinila nya ulit ako palabas habang nakahawak sa pulso ko.

 

Bakit ba ang hilig nyang manghila? Hindi ko naman sya tatakbuhan.





 

At gaya ng senaryong nabubuo sa isip ko, nasa gilid lang ako ng pool habang sya ay nasa gitnang bahagi na. Grabe swimmer ata tong jowa ko eh. Para syang sirena. Best in sisid. What if ako naman ang sisirin nya? Nasampal ko ang pisngi ng marealize ko ang sinasabi ng utak ko. Putangina mo self!


 

"Hey are are you okay?" tanong nya habang lumalapit kung nasaan ako. Kalma Seulgi. Manatili ka lang cute sa paningin nya.

 

"May lamok Hyun kinagat ako" parang hindi naman sya naniwala sa sinabi ko. Tumabingi ang ulo nya, binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo.

 

"May lamok pala dito" bulong nya. Kinuha nya ang kamay ko. "Join me. Sabi mo marunong ka?" may halong tunog pang aasar yung boses nya.

 

"Oo naman tinatamad lang akong pumadyak"

 

Jusko naman. Reasons. Nakakainis mukha akong tanga sa harapan nya.


 

"You don't have to lie baby." sapilitan nya akong hinila sa malalim. Kinabahan ako ng wala nang maapakan na sahig ang mga paa ko. Todo kapit ako sa kanya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi