Chapter 20

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Don't make her your world. Remember what I told you before? Don't fall harder, Seulgi. Sinasabi ko sa'yo kapag ngumawa ka sa harapan ko pagtatawanan kita" napanguso ako sa sinabi ni Joy. 

 

Bakit ba ang bitter niya?

 

Kasalukuyan kaming nag-iinuman dito sa bahay. Araw ng Linggo. Pare-pareho kaming tatlo na libre.

 

Si Seungwan humihilik na. Napailing ako. Sa aming tatlo, siya talaga ang palaging nauuna matumba. Kaya minsan binabagalan namin ni Joy ang tagay sa kanya.

 

"Tsk. Anong magagawa 'ko eh mahal na mahal ko yung tao? Ano naman kung mas mafall ako sa kanya? Sinasalo naman niya ako ah!" napipikon kong sagot. Bigla akong nainis.

 

Paano ba kami napunta sa ganitong topic? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko lang mga may tama na kami.

 

"Inis ka naman agad! Parang nagsabi lang. Hala sige di na kita pipigilan. Iasa mo lahat sa kanya. Go.  Fall harder and cry later" mas lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

 

"Ano bang problema mo?" irita kong tanong. Napatayo na. Pinipigilan ko ang sariling wag magalit. Tumaas ang tingin niya sa akin habang ang mga kamay ay nasa pulutan.

 

Buang talaga!

 

"Woah. Its only an advice okay? Parang di mo naman ako kilala. Don't worry. Pareho naman kayo ng kagome mo. Pati nga si Yeri pinagseselosan 'non!" napawi ang pagkairita ko sa sinabi niya. Bumalik ako sa pag -upo at sumiksik sa kanya.

 

"Hmp. Kung maglo-love advice ka kasi yung hindi sana nakakasakit. Ilang beses na kitang sinabihan about diyan sa bibig mo" naramdaman ko ang pagpatong ng braso niya sa balikat ko. Dambuhala talaga! Sakop na sakop ako.

 

"But its a part of loving someone you know. Hindi naman dapat palagi kayong masaya. Anong stage na ba kayo?" nangunot ang noo ko sa tanong niya.

 

"Anong stage? Meron ba 'non? Basta masaya ako walang stage-stage-aray!" reklamo ko ng bigla niya akong batukan.

 

"Umayos ka nga! Para kang tanga. I will never understand Doc kung bakit ka niya nagustuhan" she shook her head at parang jinajudge ang taste ni Doc base sa reaksyon ng mukha niya.

 

"Kasi cute ako hihihi" umakto siya na parang nasusuka. Sumimangot ako. Natawa siya.

 

"Siguro nasa honeymoon stage palang kayo. Grabe ka pa makakapit sa kanya eh. Parang anytime mawawala yung tao. Naririndi ako palagi sa tantrums mo kapag hindi mo siya nakikita"

 

"Grabe ka naman sa tantrums!" lumayo ako sa kanya ng kaunti pero hinuli niya ulit ako pabalik. Mas hinigpitan niya ang pagdantay ng braso sa balikat ko.

 

"Totoo naman. Kaya ko sinasabi sayo na bawas-bawasan mo yung ganun. Bahala ka baka  one of these days magsawa 'yon sayo" pang-aasar niya pero hindi ako naasar. Instead, napaisip ako. Bumilis ang tibok ng puso dahil sa kaba. 

 

Si Doc magsasawa sa akin? That will be my greatest heartbreak.

 

Napansin ko ang paggalaw ni Seungwan. Magigising pa 'ata. Hindi naman ako nagkamali ng bigla siyang dumilat. Namumula ang mata. Nagsalubong ang kilay niya ng tumingin siya sa gawi namin.

 

"Ba't….kayo…" mabilis akong lumayo kay Ligaya. Tangina! Pero bakit naman ako matataranta eh wala naman kaming ginagawang masama?

 

"Psh. Inggit ka sumali ka" mataray na sagot ni Joy sabay tungga sa baso niya. Gusto ko siyang sabunutan  kung pwede lang. Wala akong nagawa kung hindi ang tingnan si Seungwan na paiyak na.

 

Yawa. Bat ba ganito 'to kapag nalalasing? Iyakin amputs! Nakamot ko ang pisngi. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo.

 

"Tara i-uuwi na kita" nagmessage kasi sa akin si Ryu na hindi pwedeng dito matulog ang ate niya. Wala na naman kasi ang parents nila kaya hindi pwedeng maiwan mag-isa doon yung bata.

 

"Sabi mo..*huk* hindi mo siya..*huk*" tinakpan ko na ang bibig niya. Sinisinok na ang mahal kong kaibigan. Gusto ko siyang pagtawanan kaya lang baka masuntok ako ng nakakuyom niyang kamao. Nagseselos pa naman.

 

"Hindi nga. Wala lang 'yon." bulong ko sa kanya. Mabuti nalang wala siyang pasok bukas dahil holiday. Sana all.

 

"Ako na. Maglinis ka nalang ng kalat natin" kinuha ni Joy sa akin si Wan. Pinulupot niya ang braso nito sa leeg niya. Kitang-kita ko ang pamumula nung isa. Natauhan na 'ata.

 

"Babalik ka dito?" tumango si Joy.

 

Dito siya matutulog instead na sa mansyon nila na ilang lakad lang naman ang layo mula dito sa amin.

 

Hindi pa din sila okay ng tatay niya.

 

Bumuntong-hinga ako bago magligpit ng mga kalat. Bumalik sa isipan ko yung sinabi ni Joy.

 

Ugh!

 

Masyado ba akong clingy kay Doc? Inalala ko yung mga pinaggagawa ko nitong mga lumipas na araw at linggo mula nung monthsary namin.

 

Mas naging touchy nga ako sa kanya. Hindi ko naman masisi ang sarili dahil ganoon din siya.

 

Wala namang nagbago sa set-up namin. Hindi niya pa din ako pwedeng sunduin para ihatid sa trabaho dahil ayaw ko. Madalas naman niya akong ihatid pauwi kapag nagkikita kami for a date.

 

Gustong-gusto ko na magkaroon ng sariling sasakyan pero kulang pa talaga ang ipon ko. Minsan kasi nababawasan lalo na kapag inaatake si Yeji. Medyo may kamahalan kasi yung maintenance niya tapos malaki din ang mga bayarin niya sa school. College na eh.

 

Kahit naman may business kami ay hindi sapat iyon. Isa pa, sinabi ko kina mama na ako ang magpapa-aral kay Yeji. Ako na ang bahala. Ayoko na kasi silang mamroblema pa. Gusto ko wala na silang iisipin pa. Hays. Ang bait ko talagang anak. Char!

 

Minsan ko na ding niyaya si Doc na ipakilala kina mama bilang girlfriend ko. Pero palagi niyang nirarason ang next time. Hanggang kailan? Ayaw ba niya?

 

Pumupunta man siya dito sa bahay ay sinasaktong niyang wala sina mama at papa. Natatakot ba siya? Napailing ako. Ba't naman siya matatakot?

 

Hindi din naman mawawala yung away. Nag-aaway naman kami pero hindi naman malala. At ayoko din namang palalain pa. Iniiwasan ko 'yon. Kaya as much as possible kapag nagtatampo siya sinusuyo ko na agad. At ganoon din siya. Give and take lang kami.

 

Pero mas malakas ang toyo ko. Ewan ko ba. Parang gusto ko palagi niya akong sinusuyo. Extra sweet kasi siya kapag nanunuyo. Aish tangina! Namiss ko tuloy kahit katatawag palang niya sa akin kanina.

 

"Boo!"

 

"Ay pwet!" tili ko sabay hampas ng malakas kay Joy. Tangina niya! Ang hinayupak ay namumula na sa katatawa. Mabilaukan sana siya sa sarili niyang laway!

 

"Stop it! Yah!" saway niya dahil patuloy ko siyang hinuhuli ng masabon kong kamay. Naghuhugas kasi ako ng mga baso!

 

"Stop it ka diyan! Halika ka dito ipapaligo ko sa'yo 'tong pinagsabunan ko" tawa lang naman siya ng tawa.

 

"Haha. Ang seryoso mo kasi! Hindi mo napansin na nakapasok na ak- hey ano ba!" reklamo niya dahil nilagyan ko ng bula ang tuktok ng ulo niya. Lumapit siya sa sink at binuksan ang gripo. Napapikit ako ng wisikan niya ako ng tubig sa mukha.

 

"Hoy gaga ka!" hindi niya ako tinigilan at ramdam ko na din ang pamamasa ng sahig dito sa kusina.

 

Ano bang trip niya ngayon?

 

"Kapag ako nadulas lagot ka sa'kin!" banta ko pero patuloy lang siya sa pagwisik ng tubig.

 

"Stop me!"

 

Ah ganun? Wala na akong pakialam kung mabasa ako tutal maliligo naman ako mamaya. Mabilis akong lumapit sa kanya. Nanlaki ang mata niya. Akma na siyang tatakbo pero hinawakan ko ang kamay niya. Babatukan ko na sana siya ng malakas pero nanigas ako nang bigla niyang ipulupot ang braso niya sa bewang ko.

 

Napigil ko ang hininga lalo na nung bigla niyang isiksik ang mukha sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.

 

! Hindi pwedeng mangyari 'to!

 

"H-huy..Ano…" itutulak ko sana siya pero ang lakas ng kapit niya.

 

Tsaka ko lang naalala na oo nga pala lasing siya. Juskopo. Bakit ko ba nakalimutan? 

 

Dahil kampante ako na wala na siyang nararamdaman sa akin. Di ba? 

 

O namali lang ako ng basa?

 

"I miss you…" bulong niya. Tumama ang mainit niyang hininga sa balat ko.

 

Joy naman!

 

Nakahinga ako ng maluwag nung dahan-dahan siyang lumayo. Mariin siyang tumitig. Nilabanan ko. Namumula ang gilid ng mga mata niya.

 

It can't be! Akala ko ba…

 

"I was in love with you" pag-amin niya. Napanganga ako. Hindi naman  ito yung first time na umamin siya pero ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ang salitang 'yan straight into my face. Walang paligoy-ligoy.

 

Kaya hindi ako handa. Anong sasabihin ko? Pero unti-unti kong iniintindi ang sinabi niya.

 

"W-was?" she nodded. Mas lalo akong napanatag.

 

"Hindi uso mag move on sayo?" pagtataray na naman niya. I chuckled.

 

"Ba't sinasabi mo 'yan ngayon?" napaiwas siya ng tingin.

 

"To finally let you go. Its hard. I can't like someone else when I still miss the feeling of liking you. Naisip ko baka ito ang kailangan ko. Baka hindi naman talaga kita namimiss."

 

"Hindi nga. Araw-araw ba naman tayo nagkikita" sinamaan niya ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at this time ako naman ang yumakap sa kanya.

 

"Thank you" napasinghap siya. Gusto ko sanang haplusin buhok niya kaya lang mas matangkad siya sa akin. Kumusta naman 'yon? Kaya likod na lang niya hinagod ko.

 

"Thank you for liking me. But we all know na we are not meant for each other right? Kasi tinadhana tayong maging aso't pusa. Forever frienemy tayo diba?" she laughed at hinampas ng mahina ang braso ko.

 

Hindi naman talaga niya ako namimiss. Nasanay lang siya na ako ang gusto niya  Na kahit may nararamdaman na siya doon sa iba, hindi niya magawang ipursue dahil natatakot siyang gusto niya pa din ako.

 

Masyado naman ata akong maganda? Char.

 

"Oo at ang aso para lang sa aso. Hindi pwedeng maging pusa ang para sa aso" dagdag niya at pareho kaming tumawa.Still not letting go of the hug.

 

"Ganda ng logic mo" she patted my head.

 

"Syempre coming from me? Ganda ako eh" binitawan ko na siya at inayos ang mahaba niyang buhok.

 

"When you finally let go of your feelings, please do what makes you happy. And please be quick to realize na iba na ang gusto mo. Pursue her before it's too late" seryoso kong pahayag. Napakurap siya. Naghahanap ng sasabihin. 

 

"H-how do you know?" nangisi ako nang mapansin ko ang pamumula ng tenga niya.

 

"Halata ka eh. Ganyan-" natigilan ako. Sa isip ko ay pinagalitan ang sarili. Bobo ko talaga! Muntik ko nang masabi na yung trato niya kay Wan ay katulad ng pagtrato niya sa akin dati. Pakshet ka self.

 

"You're saying something?" pagtataka niya. Umiling ako. Ilang beses.

 

"Ang akin lang mag jowa ka na din. Kung sino man 'yang bago mo ligawan mo na bago pa makuha ng iba" hindi ko na alam ang sinasabi ko. Tumikhim ako at bumalik na sa ginagawa. Juskopo! May lilinisan na naman ako dahil sa ginawa namin nitong tabajoy na 'to!

 

Narinig ko ang paghugot niya ng hininga.

 

"Ako talaga manliligaw? Its not my thing! But wait, hindi ka na nagulat?" napatingin ako sa kanya.

 

"Nagulat na?" kinagat niya ang sariling labi. Bumagsak ang mga balikat na parang may biglang naisip.

 

"I guess halata nga ako." tiningnan ko lang siya ng nagtataka at binalik ulit ang atensyon sa ginagawa.

 

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ko nalang.

 

"Hintayin na kita matapos. I'll sleep with Yeji" tumango ako. Naramdaman ko ang pagsandal niya sa sink sa tabi ko.

 

"Mababasa ka huy"  nagkibit-balikat lamang siya. She smirked. Ano namang iniisip nito?

 

"Hindi ko talaga alam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi