Chapter 12

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Babae, tinatanggap mo ba si uhh isa pang babae bilang kabiyak ng iyong puso?"

 

Ngumiti ako kay Doc bago ko sinagot si father. Pamilyar sya.

 

"Yes po father" 

 

"Ikaw babae tinatanggap.." nagkamot ng ulo si father. Ayusin mo father! 

 

" tinatanggap mo ba si Engineer bilang kabiyak ng iyong puso?" ngiting ngiti ako habang naghihintay ng sagot nya. Ngunit ilang minuto na ay hindi pa din sya nagsasalita. Lumingon ako sa kanya. Hindi ko masyado makita yung mukha nya dahil parehong natatakpan ng belo ang mga mukha namin.

 

"Doc.." sumenyas ako. Alam kong nakatingin sya sa akin.

 

"Uulitin ko, babae tinatanggap-

 

Hindi ko na pinatapos si father sa pagsasalita. Lumapit ako kay Doc. Hindi ko matatanggap na ayaw na nya sa akin! Ngayon pa na ikakasal na kami? Inangat ko ang belo sa ulo nya. Nahirapan pa ako dahil pinipigilan nya ako!

 

"Doc naman!" reklamo ko. Masyado naman ata syang malakas! Nakakapagtaka lang bakit parang tumangkad sya? Pareho lang naman kaming nakaheels?

 

 Ngunit hindi ko inaasahan kung sinong hinayupak ang makikita ko.

 

"Pu-SEOLAAAA??" sigaw ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ng belo na iyon.

 

I'm good, yeah, I'm feelin' alright

Baby, I'ma have the best in' night of my life

And wherever it takes me, I'm down for the ride

Baby, don't you know I'm good? Yeah, I'm feelin' alright

 

Huh? Bakit naman sila magpapatugtog ng ganito sa loob ng simbahan?

 

"Ms. Kang!" 

 

"Wag mo kong hawakan!" lumayo ako ng akmang hahawakan ako ni Seola. Bwiset anong ginagawa nya dito?

 

Cause I'm good, yeah, I'm feelin' alright

Baby, I'ma have the best in' night of my life

And wherever it takes me, I'm down for the ride

Baby, don't you know I'm good? Yeah, I'm feelin' alright

 

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng busina. Isang motor na kulay itim ang paparating. Teka paanong nakapasok ang motor dito? Ano bang nangyayari sa kasal ko? Pinagmasdan ko ang pagtigil nito sa harapan namin ni Seola. Bumaba ang isang babaeng nakasuot ng kulay itim na leather jacket. Ang hot nya! Unti-unti nyang hinubad ang helmet na suot. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

 

"H-hyun…"

 

Nandito ba sya para iligtas ako? Kinabahan ako ng makita ko ang seryoso nyang mukha. Nakakatakot sya. Masama ang tingin nya kay Seola! Lagot na.

 

"Hyun magpapaliwanag ako. Kahit ako hindi-" 

 

"Seola.." 

 

"Joohyun.."

 

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Pareho silang nakatitig sa isat isa. Ano ba talagang nangyayari?

 

"You said until forever right?"

 

"Oo naman D-" 

 

Teka bakit kay Seola sya nakatingin?

 

"Joohyun. Im sorry.." maluha luhang sambit ni Seola.

 

Unti-unting humakbang si Doc papalapit sa amin. Akala ko ako ang lalapitan nya ngunit nilampasan nya lamang ako!

 

DocT_T

 

"Lets runaway?" rinig kong bulong nya kay Seola.

 

Hoy ano teka!

 

"Ofcourse. Sayo lang ako uuwi" feeling ko sasabog na ako sa sobrang inis ko dahil sa narinig ko. Anong kay Doc lang sya uuwi? Akin si Doc! Akin!

 

Don't you know I'm good? Yeah, I'm feelin' alright

 

You know I'm down for whatever tonight

I don't need the finer things in life

No matter where I go, it's a good time, yeah

And I, I don't need to sit in VIP

Middle of the floor, that's where I'll be

Don't got a lot, but that's enough for me, yeah

 

Punyeta tong kanta! Hindi na nakakatuwa. Mukha ba kaming nagdidisco?

 

"Doc nandito ako" lumapit ako sa kanilang dalawa na parehong nakangiti sa isat isa. Para lang akong hangin sa gitna nila. Mas lalo akong nagulat ng maghawak kamay sila. "Hoy ano yan ha?" tatanggalin ko na sana ngunit bigla na lamang silang tumakbo paalis at iniwan ako.

 

Iniwan nila yung motor!

 

Pero teka si Doc!

 

"Doc!!!! Wag mo kong iwan!" ngawa ko. Malapit na silang makalabas ng simbahan.

 

"No……." kasabay ng nararamdaman ko ang malakas na kulog at kidlat. Tila ba maging ang kalawakan ay nakikiramay sa pagdadalamhati ng puso ko. Naramdaman ko ang tapik sa balikat ko.

 

"P-PM?" kaya pala pamilyar si father. Kailan pa nya naisipang magpari?

 

"Dapat kasi hindi ka nagsusuot ng itim na gown" napatingin ako suot ko. Kulay itim nga. Mas lalo akong umiyak.

 

"Nooooo!!!!!!



 

"Doc!" 

 

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.  Ramdam ko pa din ang kaba ko. Nagsama ang pawis at luha ko. Kadiri ka self!

 

Panaginip lang pala ang lahat akala ko totoo na juskopo! Hinding hindi ko mapapatawad si Seola kung sakali man. Hanggang panaginip ba naman sinusundan nya ako? 

 

Pero yung kagabi. Siguro naman hindi panaginip yun di ba? 

 

"I'm starting to like you Seulgi-yah"

 

Shet kagigising ko lang kinikilig na agad ako. Hindi pa ako nakakapag almusal jusko naman.  

 

Kinuha ko ang cellphone ko upang imessage sya. Check ko muna kung totoo ba yun. Baka panaginip ko lang din eh. 

 

From Doc:*

        Goodmorning Seulgi🥰

 

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang aking pagsigaw. Totoo nga. Totoong totoo yung kagabiT_T. Yung emoji nya. Kiss ko sya dyan ihh.

 

Me:

  Goodmorning Doc hehe

 

Ay ano ba yan! Nasend ko agad hindi ko pa nabubura yung hehe. 

 

                 Doc:* Calling….

 

Omygod mama tumatawag yung crush ko anong gagawin ko? Nag-ayos muna ako ng sarili at inamoy ang sarili kong hininga. Pakiramdam ko makikita at maaamoy nya ako. Feelingera kasi ako! Umubo ubo pa ako upang ayusin ang boses ko. Ang hirap palang lumandi. Char.

 

"Hello?" sana hindi tunog pabebe yung boses ko.

 

……

 

"Hello D-doc?" ulit ko dahil ang tahimik sa linya nya. Chineck ko pa kung nasagot ko ba yung tawag.

 

"So this is how your voice sounds like sa phone" 

 

Ihhh bakit ba sya ganyan? Every little things about me ba is important to her? Chos!

 

"Ikaw din hehe" sinulyapan ko yung orasan sa kwarto. Maaga pa para magtrabaho. Sumandal ako sa headboard ng kama. Kumuha ako ng isang unan at niyakap ito. Ang lamig naman.

 

"What are you doing?"

 

"Wala nakaupo lang"

 

"You should get ready na. Kumain ka na ba?"

 

Napahigpit ang yakap ko sa unan. Ganito pala ang feeling kapag may nagtatanong sa'yo kung kumain ka na. Sarap sa ears.

 

"Kagigising ko lang Doc. Ikaw wud?" narinig ko ang pagtawa nya sa paraan ko ng pagtatanong. Nakakainlove pati tunog ng tawa nya. Sarap gawing ringtone.

 

"Paalis na but buti nalang nagreply ka. I had a chance to hear your voice. And now I want to see you"

 

Kinagat ko na yung unan. Mabuti nalang hindi 'to nakakapagsalita at nakakapagreklamo.

 

"Edi kitain mo'ko.." pahina ng pahina yung boses ko juskopo. Ang kapal talaga ng mukha ko.

 

"Talaga. Puntahan kita sa site mamaya okay lang ba?"

 

Kahit ngayon na mismo. Char!

 

"Oo naman Doc. Teka kumain ka na ba?"

 

"Ne Seulgi-yah"

 

Nagkokorean na naman sya! 

 

"Alam ko kaya yan" humagikhik sya.

 

"I have a request Seulgi-yah" napaayos ako ng upo.

 

"Ano yun?" ilang beses kong narinig ang paghugot nya ng hininga bago nagsalita.

 

"Can you call me the way you call me last night kapag wala tayo sa trabaho? K-kapag ganito tayo. I like no-I love it when you call me like that"

 

Mapupunit na yung labi ko sa kakangiti. Hayy ganito pala kapag may…

 

Wait

 

Magjowa na ba kami?

 

"Hindi pwede?" narinig ko yung bulong nya. Hindi pa pala ako nakakasagot! Eh kasi..

 

"Oo naman….Hyun"

 

"Is there a problem? Are you thinking something?"

 

Ganun ba ako kahalata para mapansin nyang may iniisip ako? Sasabihin ko ba? Wag nalang.

 

"Wala naman naalala ko lang yung panaginip ko" ngumuso ako. Natulog naman akong nakangiti kagabi, bakit ganun yung panaginip ko?

 

"Anong panaginip mo? Nandoon ba ako?"

 

Kinamot ko ang pisngi.

 

"Oo" she chuckled.

 

"Ano daw ginagawa natin don?"

 

Nagtaksil ka sakin! Mas lalo akong ngumuso at tuluyan nang napahiga. 

 

"Sumama ka daw kay Ms. Kim!" 

 

….

 

"Hello Doc?" mahina ba signal sa kanila?

 

"Pati pala sya…" 

 

"Oo! Tapos iniwan nyo ako.!"

 

Hindi ko na ikwekwento yung kasal. Nakakahiya.

 

"Bat naman kita iiwan? Wait ano bang ginagawa natin sa panaginip mo?"

 

Ayan na nagtanong na nga sya!

 

"B-basta. Baka warning na yung panaginip ko. Doc- Hyun ha wag ka dun magsa-sasama kay Seola malakas trip nun! Bawal"

 

"Warning?" grabe ang lakas ng tawa nya. Nakakatawa ba yung panaginip ko?

 

"Tinatawanan mo lang ako?"

 

"Because you're funny. I should be the one worrying. Youre so…

 

"Ano?"

 

"Wala. Take your time na. Kumain ka okay?

 

"Oo naman yes. Ikaw i-ingat ka hehe"

 

"I will. See you?" napapagod na ko sa kakangiti hayss.

 

"See you Hyun…"

 

I love you! Char.

 

Tumayo na ako at nagsimula nang maghanda sa trabaho. Dapat productive tayo ngayon! Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.

 

Ang ganda ko talaga!

 

Mabilis akong naligo at kumilos. Normally, inaabot ako ng isang oras sa loob ng banyo. Pero ngayon, parang gusto kong kontrolin ang oras at pabilisin ito. Gusto ko na ulit makita ang kagome ko!

 

Ano ka ngayon Wendy?

 

"Ang pangit mo ngumiting mag-isa ate" si Yeji habang tinitingnan ako papunta sa kusina. Tsk hindi nya masisira araw ko!

 

Parang gusto ko bigla kumain ng gulay ngayon. Meron kaya? Sabi ni Hyun kumain daw ako!

 

"Nag almusal ka na ba? What time nga ulit pasok mo?" nakatingin lang sa akin si Yeji habang nakakunot ang noo.

 

Wala munang bardagulan ngayon. Inlove ang ate mo hihihi.

 

"Hindi ikaw ang ate ko" natawa ako. Nanlaki ang maliliit nyang mata. "Omygod.."

 

"Ewan ko sayo. Tinatamad akong makipag away ngayon. Dali na sabay na tayong kumain." sumunod naman sya sa sinabi ko at naupo. Ramdam ko ang paminsan minsang sulyap nya sa mukha ko.

 

"Para kang tanga ate!" reklamo nya.

 

"Ano bang problema mo? Kumain ka na nga lang dyan. Sasabay ka ba sakin?" umiling sya.

 

"Sabay kami ni Jinjin" tumango na lamang ako. Hindi ko din naman ata sya mahihintay pa dahil halata namang hindi sya sasabay. Sabog pa ang buhok nya at wala pang ayos. Baka malate ako kung hihintayin ko pa sya. Mas mabagal yan sa akin kumilos!







 

"Wan!" bati ko kay Wendy paglabas ko ng gate.

 

"Morning" bati nya pabalik.

 

"Kanina ka pa dyan? Bat di ka pumasok?" 

 

"Okay lang. Kararating ko lang din. Tara na?" tumango ako at sumakay na sa kotse nya. Madalas sya ang kasabay ko papunta sa kanya kanya naming trabaho. Minsan si Joy kapag wala syang duty. Mahal na mahal ko talaga mga kaibigan koT_T

 

"Ganda ng ngiti mo ah. Nadiligan na ba ang balon?" puna nya habang nagdadrive.

 

"Hoy!" hinampas ko sya ng malakas sa balikat.

 

"Aray naman. Ibang klase ka naman kiligin nananakit"

 

"Dilig ka dyan! W-wala pa no.." sinulyapan nya ako.

 

"Pa? Magkwento ka nga!" hininaan nya yung volume ng pinapatugtog nyang lovesong.

 

"Wag baka mausog" tawang tawa lang naman sya. Ako talaga kaligayahan nya hindi si Ligaya. 

 

"Pero meron na?" tumango na lamang ako. "Naway lahat" ngumiti ako.

 

"Sus kunwari ka pa. May nangyaring LQ na nga sa inyo ni Ligaya eh"

 

"Tsk Q lang walang L" disappointed na sambit nya. Ano na bang nangyayari sa dalawang ito?

 

"Pero nagpapansinan na kayo?" nagkibit sya ng balikat.

 

"Sort of"

 

"Anong sort of?"

 

"Hindi ko sya maintindihan! Nagtext sya ng sorry tapos magkita daw kami. Pinuntahan nya ako sa school. Hindi nya dinala kotse nya kasi sabay daw kami.  Medyo natagalan pa ako dahil hinarang ako ni Sir Eric. Kinausap nya ako about sa mga estudyante. Basta paglabas ko hindi ko na sya makausap ng maayos!" halata ang yamot sa itsura ni Wendy. Ano ba naman kasing problema nito ni Ligaya!

 

"Pero nag usap kayo?"

 

"Oo sabi nya sorry pero hindi ko maramdaman yung sorry nya! Nainis ako. Sabi ko kausapin nya nalang ulit ako kapag gusto nya na. Nakakainis lang na hindi ko alam bakit sya nagkakaganyan"

 

"Try kong kausapin sya" pag aalo ko sa kanya.

 

"Wag na. Pabayaan mo nalang muna sya. Lalapit naman siguro yun kapag okay na. Nagkakausap naman kami ng ate nya kaya alam ko if ever man na may mangyari na naman sa kanila ng daddy nya"

 

Sa aming tatlo, si Wan yung pinaka sa amin. Pinakamabait at pinakamaintindihin. Kahit naiinis yan, hindi nya kami pinababayaan. Kapag kami ni Joy yung magkaaway, gumagawa talaga sya ng paraan para magkabati kami. Wala syang kinakampihan kahit pa nga may feelings sya dun sa isa. Always syang nasa gitna namin. Kahit naman nung mga bata pa kami.

 

"Hayaan mo babatukan ko lang naman yun para maalog utak nya" sabi ko. Pareho kaming tumawa.




 

_____&&&______


 

Hindi makakapunta si Doc.

 

From Doc:*

      Seulgi-yah! 

 

From Doc:*

        I really want to see you but may emergency surgery. God kinakabahan ako.This is my first time being an assistant surgeon. Wish me luck? 

 

Hindi ko alam kung malulungkot ako o ano dahil sa message nya. Though, may kaunting disappointment masaya pa din naman ako para sa kanya.

 

My Doctor, my Hyun. Char!

 

Me:

   Gusto din kita makita pero mas gusto kong makita ka sa operating room hehe. You can do it Doc. Wala bang pavideo dyan?

 

From Doc:*

       Doc😏 Bawal pero para sayo gagawin ko.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
36 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi