Lumingon ka lang

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Nanghihinayang ako Sarah G!

Isang linggo na ata yung lumipas pero naiisip ko pa din sya. At naalala ko isang linggo na din tayong hindi nag uusap T_T.


Miss na kitaaa....

 

Pero sayang!

Sayang talaga!

Sayang yung indirect kiss!

Bakit kasi naisipan kong mag inarte?

Alam mo ba meaning ng indirect kiss ha?

 

Wag mo nang alamin! Hindi yun para sa mga bata! 

 

Hala mapilit ka? Gusto mo kwentuhan talaga kita? 

 

 Sige ganito yun. Makinig ka! Samahan mo 'kong magdusa huhuhu.

Syempre dahil magkaibigan kami ni Wendy kinwento ko sa kanya yung nangyari nung last tuesday. Kung paano ko iniwasan si Ate Irene nung hapon na iyon. Nung tinanggihan ko yung alok nyang tubig. Mas pinili kong magpahampas kay Joy imbes na tiisin ang kahihiyan sa harap nya.

"Awts!" reklamo ko ng bigla akong hampasin ni Wendy. Nakapila kami ngayon sa labas ng classroom. Hinihintay magsimula ang flag ceremony. Pinapanuod namin ang pagdami ng estudyante sa baba. Ang cute nilang tingnan. Parang mga langgam. Dagdag pa na mga maliliit talaga yung mga kinder at grade 1.

Ganyan pala ako kaliit dati?

"Ang bobo mo seulgi hayss" napapakamot na ulo na sabi nya. Natabingi tuloy yung hairclip na nasa buhok nya. 

"Bakit naman ako bobo?" tanong ko matapos kong ayusin yung ipit nya. Ang cute nga nya eh para syang hamster!

"Eh kasi dapat yung tumbler ni Ate Irene yung kinuha mo!" kakamutin na naman sana nya yung buhok nya nang pigilan ko ang kamay nya. 

"Magugulo na naman ipit mo!" saway ko.

" Psh ayoko nga nito eh si Mommy kasi mapilit." pagrereklamo nya. 

"Ang ganda kaya!" 

"Ayoko ng kulay!"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong ayaw nya sa kulay yellow?

"Maganda!" pagpupumilit ko pa.

"Baduy ang color yellow!" 

Napanguso ako. Paano nya nasabi na baduy ang color yellow?

Friendship over na tayo Wendy! 

"Hindi kaya" mahinang sambit ko. Siguro kailangan kong mag isip ng paraan para magustuhan ni Wendy ang yellow?

Hindi pwedeng harap harapan nya sa akin kinukutya ang paborito kong kulay T_T

"Pero Seulgi sayang talaga eh!" 

Huh? 

"Bakit naman sayang?" nagtataka kong tanong.

"Yung indirect kiss" 

Ano? Hindi ko sya maintindihan! 


Anong kiss ang sinasabi nya.? Di ba masama yun? Pinatatakpan nina mama yung mata namin kapag may kiss yung mga bida sa aming pinapanuod . 

 Bawal daw kasi yun.

Ano ba 'tong pinagsasasabi ng kaibigan ko!

"Hoy bad yun!" saway ko ulit.

"Hindi yun bad! Hindi pa lang tayo pwede sa ganun kasi maliliit pa tayo." paliwanag nya.

"So kapag malaki na tayo pwede na tayong manuod ng mga nagkikiss?" tanong ko ulit. Mabilis naman ang kanyang pagtango.

Ganun ba yun? Kaya pala hindi nagtatakip ng mata sina mama.

Hala pati si Ate Sophia hindi din! Nag aaral pa  sya diba?  Ibig sabihin bata pa sya!  Isusumbong ko sya kay tita kapag bumisita ulit sila sa amin.


"Ikaw Wendy ha. Ang dami mong alam. Saan mo ba nakukuha yan?" medyo lumapit na ako sa kanya. Mahirap na baka may makarinig sa amin. Lalo na si Elton John malakas yun mang asar. Nakakabwisit.

"Sa mga tita ko. Naririnig ko lang" sagot nya. Halos magdikit na ang mga mukha namin.

"So ano nga yung in..indrek kiss?" hindi ko mabigkas yung sinabi nya. Ang alam ko lang kasi kiss.

"Touching one's lips to an object that someone else has touched their lips to" nakatitig lang ako kay Wendy.

Mas lalong hindi ko na naintindihan!

Touching lips?

"Wendy tagalugin mo. Alam mo namang mahina ako sa english eh" napakamot ako sa pisngi kahit hindi naman makati. Naiinis kasi ako kay Wendy ang tagal magexplain!

"Kapag nadikit yung lips nya sa isang bagay tapos saktong dumikit din dun yung iyo! Like nga sa tumbler ni Ate Irene, diba iniinuman nya yun? Ibig sabihin kapag uminom ka dun para na din kayong nagkiss!"

Napakurap kurap ako sa harapan ni Wendy. Unti unti kong nagegets yung sinabi nya.

Indirect kiss

BAKIT ANG BOBO KO!

Dahil sa sinabi ni Wendy, hindi na ako nakapagfocus buong ceremony. Hindi ako nakakanta ng Bayang Magiliw Lupang Hinirang pati Panatang Makabayan at panunumpa.

Nung mageexercise na, wala ulit si Ate Irene sa stage.

Hinanap ko sya sa baba. Inisa isa kong tingnan yung section 1.

Si Ate Sunmi lang kilala ko na enjoy enjoy sa pagsasayaw. Ang galing nya kumembot!

Pero hindi sya ang gusto kong makita!

Ate Irene where are you?

Nakita ko na sya sa wakas!

Andun sya nagsasayaw din.

Ako hindi ako makasayaw.

Sayang

Pinapanuod ko lang sya mula dito sa taas. 

Kahit malakas ang music, iba ang naririnig kong kanta sa tenga ko.

Bakit naririnig kita Sarah G?

Lu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
41 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi