Chapter 1

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

"Siguro kapag nakita mo na sya sa personal maaalala mo mga kacornyhan mong pagpapapansin sa kanya nung elementary tayo"

Kahit wala sa tabi ko si Wendy naririnig ko yung huling binulong nya sa akin bago ako umalis para makipagkita sa client ko na kaharap ko na ngayon.

Doc Irene Bae.

Tama nga ang bestfriend ko.

Maaalala ko sya.

Kaya pala pamilyar sya sa picture pa lang. 

Sya yung crush ko nung elementary.  Yung mga panahong sobrang bata ko pa para magkaroon ng crush. Yung sinusulat ko ang pangalan sa likod ng notebook ko.Yung crush kong dancer kase isa sya dun sa mga Grade 6 student na inatasang sumayaw after flag ceremony tapos gagayahin namin yung steps nila habang ako hindi naman sumasayaw kase nakatingin lang ako sa kanya. Yung binigyan ko ng letter bago nya lisanin yung school namin kase gagraduate na sya. Yung anak nung adviser namin. Yung...

Yung nakasulat sa diary ko!

Nasan na nga ba yun?

Kailangan ko yung mahanap para maalala ko pa lalo kung sino nga ba talaga si Irene Bae sa buhay ko.

Paanong nawala sya sa isip ko?

Tinitigan ko sya. 

Binigyan nya ako ng isang ngiti.

Ang ganda nya.

Kaya bakit! BAKIT NAKALIMUTAN KO SYA?

Ako kaya? 

Naaalala pa kaya nya ako?

O katulad ko 

Nakalimutan nya na rin kaya ako?

 

 

 

 

"Bat kase nagmamadali?"

Humahangos akong pumasok ng bahay. Naghubad ng sapatos. Nagmamadaling tumaas patungo sa kwarto. Hindi ko pinansin ang sita ni Yeji ni hindi ko din alam anong ginagawa nya at nasaan syang parte ng bahay. Boses lang nya ang naririnig ko. Okupado kase ang utak ko. May hahanapin ako.

"Snob yarn? Hoy ate yung sapatos mo!" sigaw na naman nya saken. Nakalimutan ko na namang ilagay sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
31 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi