Ika-tatlumpu't apat na Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Wala pa yata 5 am gising na ako dahil sa lamok na nakapasok sa room ko, naiwan ko palang bukas ang bintana kagabi. Masyado yata akong natuwa sa ibinigay na new vinyl records sa’kin ni Papa at nakalimutan ko na ang bintana.

 

Bumungad pa sa’kin ang message ni ate na naka-white scrubs kaninang 1 am, it’s a short video. Wala naman siyang ibang ginagawa dun sa video maliban sa panti-trip niya kay ate Irene na apparently, ay nakatulog daw sa room niya habang nagdadaldalan sila about kay Miss Law. Medyo drunk daw si ate Irene dahil hindi niya raw matanggap na crush na niya si Miss Law, labag daw sa loob niya ‘yun.

 

Natawa pa ako at tuluyan na ngang nawala ang antok dahil sa ranting ni ate Irene dun sa video.

 

Diretso ligo na ako at kumain ng breakfast, ihahatid daw ako ni Papa today so sabi ko kay Benjamino, ‘wag na akong daanan dito sa bahay pero may ibinilin siya.

 

Magdala raw ako ng damit, moreover undergarments? Tanong ako nang tanong pero bigla naman niyang tinawagan si Papa. Ang daya lang, lumayo pa siya! Hindi ko tuloy narinig ang usapan nila. Sumakay na lang ako sa newly bought na Hilux niya, ewan ko kung bakit trip na trip ng mga tao ang ganitong klase ng sasakyan--siguro kasi magandang pormahan? I mean, agree naman ako na maangas nga siya and ang pogi tingnan.

 

“Ano pinag-usapan niyo, Pa?” Tanong ko kaagad pagkaupong pagkaupo niya.

 

“Nagpaalam lang si Rina if pwede raw mag-3 days, 2 nights ka sa kanila.” Bakit undergarments lang ang ipinadala sa’kin…? Oh my god? Winter!

 

Umiling-iling ako at tumingin na lang sa daan.

 

“May dala ka na bang damit?” Tumango na lang ako sa sinabi ni Papa at tahimik na naupo lang sa passenger’s seat. Iniisip ko pa rin kung bakit undergarments lang ang ipinadala niya sa’kin. Sakto na wala kaming pasok bukas since Saturday, pero may pupunta raw siyang classmates sa kanila for some class project?

 

“Ano lang… basta buo kang uuwi ha? ‘Wag ka rin sana magpasa-pasa… ibig kong sabihin, ano anak ‘yung--kung may gagawin kayo, ‘wag sana ‘yung makikita ang ebidensya ha?” Ano bang sinasabi--Papa?!

 

“Pa naman!?” Tumingin siya sa’kin nung nag-red ang stoplight.

 

“Ano?”

 

“Anong sinasabi niyo?!” Natawa siya at lalo lang uminit ang buong mukha ko. Grabe talaga!

 

“Bakit? Hindi ba normal ‘yun? Kahit pa pareho kayong babae?” Hindi ko siya magets at ayoko rin intindihin ang sinasabi niya! Huhu, Pa naman!

 

“Hanggang yakap lang… hindi ‘yung ganun.” Feeling ko mas mapula pa ako sa kulay ng Hilux na sinasakyan namin.

 

“Ayos lang naman sa’kin, hindi ka naman mabubuntis--”

 

“Papa! Stop na po!” Lumakas ang tawa niya at halos mawala na ang mata dahil sa pagkasingkit niya.

 

“Pero ayos lang talaga anak--”

 

“Tama na, stop po! Type stop and send to 2366! Stop! Hinto! Tigil!” Hanggang makarating yata kami sa school inaasar niya ako, tawang-tawa pa siya nung iniabot ang allowance ko for the rest of the week at niyakap ako. Kita na lang daw kami kapag naisipan na akong pauwiin ni ate na naka-white scrubs.

 

Panay hawak lang ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa hindi pa rin nagda-die down na init ng mukha ko. Sumakto pa talaga kung kelan wala akong suot na hoodie para man lang maitago ang mukha ko.

 

Unang-una ko pang nakita pagpasok ko sa school, si ate na naka-white scrubs sa parking area kasama niya sina ate Gi, ‘yung original squad niya. Nagkahiwa-hiwalay yata sila ng department nung college na pero same sila na dito graduate ng JHS at SHS.

 

“Hi, Lagi…” Niyakap niya ako at tinapik ang pisngi ko.

 

“Nag-blush on ka ba?” Umiling ako at sumunod sa kaniya. Binuksan niya ‘yung back seat ng Raptor niya para sa dala kong extra na gym bag, dun ko nilagay ‘yung ipinadala niya sa’kin--and naalala ko na naman ang pinagsasabi kanina ni Papa.

 

“Inasar lang ako ni Papa habang nasa sasakyan kami.” Sagot ko. Sinabayan niya akong maglakad papunta sa room ko, hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa pang-aasar ni Papa kanina.

 

Lalo lang akong namumula at mainit ang pisngi dahil don. Bakit ba kasi naisipan pa ni Papa na baka may nangyayari na ngang ganun?! Nasobrahan na naman siguro siya sa kaka-chika sa workmates niyang may mga anak na kabi-kabila ang jowa… ikinukwento raw kasi kay Papa nung workmates niya ‘yung iba’t ibang babae or lalaki na ipinapakilala sa kanila ng mga anak nila tapos ayun nga… jusko lang talaga!

 

Para lang akong nag-blush on all-day dahil hindi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
135 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱