Ika-tatlumpu't siyam na Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Busy. Freedom walls. Booths. Kung ano-anong pakana at paandar ang ginawa namin for Valentine’s day. May color coding for fun pa kami pagdating sa damit. Kanya-kanyang porma ang mga nasa Junior High samantalang ‘yung nasa Senior High, puro sila naka-P.E pants at ‘yung shirt na lang ang color coded.

 

Medyo natawa pa ako dahil mahahalata kung sinong naeexcite sa araw na ‘to at kung sinong hindi. Feeling ko sobrang obvious na hindi natutuwa ang Senior High students dahil ang daming nahila papunta sa Wedding Booth dahil ng Junior High students.

 

Nilapitan pa ako ni Sungchan para ipakita ang list ng names sa akin. Marami-raming nagpalista ng name ko pero hindi naman daw nila papayagan ‘yun since unang-una, may jowa ako! Kapag wala raw consent ng jowa at ng name na nakalista, hindi pwedeng magparticipate. Busy si ate na naka-white scrubs so hindi rin nila mahanap.

 

Hindi rin naman din ako papayag ‘no?! Ma-stuck lang ako sa Booth instead na madami na akong nagawa sa Org.

 

“In demand ka talaga, Hyacinth…” Lumapit si Sungchan sa’kin at ipinakita ang second list nila. May mga nagpalista pa rin ng name ko.

 

“Sabihin mo hindi ako payag, magpakasal na lang kamo sila sa libro nila.” Busy ako sa pag-iintindi ng notes sa freedom wall at confession zone. May mga nagco-confess sa mga crush nila anonymously. May ilan pa ako nakitang note para sa mga members ng SSC kaya’t tawang-tawa kami sa reaksyon nila after marinig ‘yung confession galing sa speakers around our department.

 

“Laki niyan ah.” Komento ni Somi sa hawak na flowers ni Ryujin. Bigay daw ni Lia sa kaniya kaninang umaga. May bouquet at isang paper bag from Gucci.

 

“Maghanap ka na rin kasi ng jowa, Somsom.” Asar pa ni Ryujin sa President ng Council. Maraming nakapilang manliligaw sa kaniya, nakukwento niya sa’min ‘yon pati raw parents niya minsan nagugulat na lang din na sunod-sunod ang pagdating ng regalo at deliveries sa bahay nila.

 

“Ayoko, bahala silang manigas kakahintay.” Isa’t kalahati rin ang sungit nitong si Somi.

 

Tuloy lang kami sa pagkukwentuhan at natigil nung biglang may kumatok sa pinto.

 

“Delivery for Miss Winter Kim po?”

 

“Ako po ‘yun, kuya…” Sino namang nagpadeliver nito?

 

Ipinatong sa table ang isang box ng… food? Galing sa isang restaurant, foods na good for the whole Council.

 

“Pakipirmahan na lang po, bayad na po ni Ma’am Katarina Yoo. Happy Valentine’s daw po sa buong Council.” Nagkatinginan pa kaming lahat at lumabas na ang mga nakakalokong ngiti sa labi ng mga kasama ko dito.

 

“Salamat po…” Tumingin pa ako sa phone ko, magtatanghali na pala. Walang message si Benjamino pero pinicturan ko ang foods sa table at saka nagpa-thank you.

 

“Salamat sa jowa mo, Winter. Next year kamo ulit.” Sunod-sunod ang pagtethank you nila after kong buksan ang lahat ng containers at nagsimula na silang kumain. Sakto rin na dumating ‘yung adviser ng Org.

 

“May fiesta?” Natatawang tanong niya pa habang nakasunod sa kaniya ‘yung dalawa niyang student teacher.

 

“Pa-valentine’s daw Ma’am ng jowa ni Winter sa Org.”  Sagot ni Yeji at nagsimula na naman silang asarin ako.

 

“Si Rina nga ‘no?” Tinanong pa ako ni Ma’am at napatango na lang ako. Feeling ko hindi sila makakamove-on dito at aasarin lang ako habang kumakain sila.

 

Nasa kalagitnaan pa silang lahat ng pag-kain nung may kumatok ulit.

 

“Delivery for Miss Winter Kim po?” Ano naman ‘to?

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
131 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱