Ika-labing apat na Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Pakiramdam ko ay nawiwirdohan na sa’kin ang mga tao sa paligid ko sa mga lumipas na araw. Pagkatapos nung pagtatanong ko kayna Ryujin at Sungchan, ilang beses ko sila nahuling nakatitig lang sa’kin at tinitingnan ang ginagawa ko. Kadalasan naman lingon lang ako nang lingon kung saan-saan or actually, sa mga babaeng dumadaan… Medyo nakoconfirm ko na pero ayokong pangunahan ang sarili ko.

 

What if hindi ko naman pala sila gusto, sadyang nagagandahan lang ako? What if hanggang attraction at admiration lang pala kaya kong ibigay? What if hinahabol ko lang sila ng tingin pero hindi ko kayang jowain--I mean, it’s not the basis but you get the point.

 

Gulong-gulo pa rin ako pero nararamdaman ko na talaga from the bottom of my heart, and from my fallopian tube na… hindi ko talaga gusto ang mga lalaki. Oo, medyo sure na ako dun. Ayoko sa kanila… mas okay na maging single na lang ako forever kesa jumowa ng lalaki!

 

Tipong kahit ako na lang ang babae sa mundo, hinding-hindi ako jojowa ng lalaki. Labag ‘yun sa kalooban ko!

 

“Hoy, mata mo…” Napakurap ako sa biglang tawag ni Sungchan sa’kin. Ewan ko na rin, huhu. From their hair, bumababa talaga ang tingin ko kapag nakatalikod na kung sino man babae na matipuhan ko ang itsura.

 

“Hindi ko mapigilan… help me.” Napanguso ako at tinawanan lang ako ng dalawang bruha na ‘to--Si Ningning at Sungchan.

 

“Sis, ikalma mo sarili mo… ang inaalam mo dito uality mo hindi kamanyakan.” Sinamaan ko ng tingin si Ningning sa sinabi niya pero napanguso rin after.

 

Hindi ko magets ang sarili ko, nakakaiyak… gusto ko bang maging kagaya nila or gusto kong jowain sila? I can’t choose properly… and ayoko mandamay ng kung sino para lang malaman ‘yun. Hindi ‘yun tama! Women deserves better! 

 

Hindi ako magpapaka-douche, no… labag ‘yun sa rules for myself.

 

“Ano ba gusto mo mangyari kapag nakakakita ka ng babae? I mean, anong nararamdaman mo?” Tanong ni Sungchan.

 

“Ewan ko… hindi ko rin sure if want ko maging sila or jowain sila.”

 

“Jowa naman agad, lahat ba ng crush mo gusto mo jowain?” Umiling ako at napaisip.

 

Hindi naman ako Aual, ‘no? HIndi rin naman ako Aromantic. Basta ang gaganda ng girls, crush ko na sila.

 

“Hindi, kasi happy crush lang naman ‘yun hindi ‘yung gusto kong jowain level ng crush…” Sagot ko sabay inom sa tubig na dala ko. Ginagamit ko ‘yung tumbler na bigay ni ate na naka-white scrubs. Hindi pa rin siya nagpe-fail sa pagpapadala ng pagkain sa’kin tuwing lunch at kadalasan ay may note pa.

 

“Pero naisip mo na rin na jowain sila--laro na lang tayo, jojowain o totropahin.” Ano na naman bang trip ni Sungchan? Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.

 

“Sali ka Ning, ha?” Tumango si Ningning na naka-focus sa phone niya. May ka-chat na naman yata, hindi naman siya nauubusan ng kausap.

 

“Ryujin?”

 

“Totropahin.”

 

“Yuna?”

 

“Totropahin siyempre, para ko na kapatid ‘yun.”

 

“Yeji?”

 

“Crush ko pero totropahin.” Tiningnan ako ni Sungchan nang nakakaloko pero inirapan ko lang siya.

 

“Heeseung?”

 

“Totropahin, ayoko sa mamba.” Napangiwi ako sa thought na jojowain ko si Heeseung--no way!

 

“Somi?”

 

“Totropahin, maganda siya pero hindi ko type.” Tumango-tango lang si Sungchan at ngumisi pa bago muli nagtanong.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
236 streak #1
OMGGG NAMISS KO ‘TONG FIC NA ‘TO!!!!
einjie_GF
#2
Chapter 53: 💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 52: Uy, hala. Ang ganda ng sinabi ni ate irene at ale celeste about sa pagpili ng course, need ko sya ngayon ಥ⁠‿⁠ಥ . Alam ko na talaga 💙 ,,, bwahahaha yung tiki-tiki 😂
einjie_GF
#4
Chapter 43: Omggg kayooo,,,, happy Valentine's ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
einjie_GF
#5
Chapter 40: Ay ay naman
gomtokkim
2223 streak #6
rereading muna uli<3
einjie_GF
#7
Chapter 31: 😩 my Lagi
einjie_GF
#8
Chapter 27: Noted po
einjie_GF
#9
Chapter 24: Hahahaha Lt naman ate🤣🤣🤣
einjie_GF
#10
Chapter 21: Hahahahahaha ang kiliggg talagaa e