Ika-labinlimang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Simula yata nung nalaman ko ‘yun, I became wary… I mean, ayokong pag-isipan ng mga nakakasama kong mga babae na may malisya ‘yung ginagawa ko Though hindi naman ako out sa mga taong kakilala ko, I think kayna Ryujin, Ningning, at Sungchan lang. Well of course, sila ‘yung pinagtatanungan ko sa loob ng almost two weeks na clueless ako sa nangyayari sa’kin. Hindi ko pa rin directly inaamin sa parents ko pero feeling ko alam na nila ‘yun.

 

Nung Sunday kasi, nagkaroon kami ng small family day at hindi ko alam kung nananadya ba sila at dun pa talaga kami dumaan sa mga babaeng nag-yoyoga sa harapan ng park. So naturally na yata na tumingin ako, feeling ko nabali ang leeg ko sa paglingon tapo nung dumaan naman kami sa nagwo-work out na mga lalaki, wala lang… pake ko sa kanila!

 

“Dami magaganda ‘no?” Tanong pa ni Papa kaya napatango ako. Huli na nung na-realize ko ‘yung tanong niya. Tinapik-tapik niya lang ako at tumawa.

 

Feeling ko ina-assume na nila ‘yun at hindi ko alam kung paano ba ako aakto sa bahay. For the first time in a while, tinanong ni Papa kung gusto ko ba na sa’kin na lang ‘yung Fortuner niya kasi bibili raw siya ng bagong sasakyan. Hindi naman ako sumagot kasi wala naman akong license! At isa pa, mas interested ako sa way ng pagtakbo ng engine ng sasakyan kesa mag-drive.

 

Bigla lang din siya nag-kwento about sa panliligaw niya kay Mama noon pati sa mga naging past girlfriends niya. Wala naman po akong balak manligaw!

 

Sina Sungchan naman, parang wala lang. Literal na walang nagbago, pati kay Ningning… clingy pa rin siya sa’kin kapag tinotopak. Walang ipinagbago talaga… pagdating sa kanila.

 

Kay ate na naka-white scrubs… I don’t feel the urge to let her know. Hindi kami close ‘no?! Pero speaking of the devil, nakasimangot na naman ako during this time… may sinimulan kaming research at naging focus niya ang Med students so heto ako at kasama ng iba kong groupmates para maghanap ng infos sa library.

 

Hindi ko naman alam na nandito pala siya madalas! Kanina niya pa ako binubwisit please lang… gusto ko na siyang paalisin pero ang kulit.

 

“Na-miss mo ‘ko?” Tanong niya agad. Nakasunod lang siya sa’kin habang naghahanap ako ng books. Nagkalat ang classmates ko sa library at kanina pa sila tingin nang tingin sa’ming dalawa. Lalo na sina Sungchan at Ningning na may sinend pa sa’kin na picture namin. Nakakunot ang noo ko habang nakatingala kay ate na naka-white scrubs.

 

“Hindi… manahimik ka.” Saway ko sa kaniya at nagpatuloy lang sa paghahanap ng books.

 

“Grabe, ako nga na-miss kita… bakit hindi mo ‘ko na-miss?” Required ba?!

 

“Malay ko.” Sagot ko at hindi na siya pinansin. Nakasunod lang talaga siya sa’kin hanggang sa pag-upo ko kasama mga ka-grupo ko. Kinawayan niya pa mga kasamahan ko at umupo sa tabi ko.

 

“Anong gagawin niyo?” Tanong niya at nakisilip sa binabasa ko. Sobrang lapit ng mukha mo ate na naka-white scrubs, pakilayo! Umiwas ako at saka siya tiningnan.

 

“Research kaya ‘wag ka maingay.” Sumunod siya sa sinabi ko at hindi nga nag-ingay buong time na nagbabasa ako at nagte-take down notes. Maikling research lang naman ‘to so ipapasa rin namin siya by the end of the week.

 

Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila about ate na naka-white scrubs. Medyo nairita lang ako sa part na nandito ‘yung tao pero ang lakas ng loob nilang magdaldalan ng ganun. Like hello? Alive and breathing ‘yung pinag-uusapan niyo! May napapasama pang iba’t-ibang pangalan like Jae… Jaehyun ba ‘yun? Hindi ko siya kilala pero base sa descriptions nila, pogi raw na matangkad tapos binasted daw ni ate na naka-white scrubs--

 

“Anong iniisip mo?” Napakurap ako at umiling. Hindi ako pumunta dito para makinig sa chismis nila!

 

“Wala, ‘wag ka maingay…” Buong time yata na kinukulit ako ni ate na naka-white scrubs, ngayon lang naging soft ang boses ko sa pagsasabi sa kaniya which obviously surprised her pero hindi ko na pinansin.

 

“Ako na magko-compile ng nagawa natin, grammar check mo na lang Winter…” Biglang sabi ng leader namin at tumango na lang ako. Mag-start na rin pala lunch break namin.

 

“Tara na bumalik, marami na tao mamaya sa canteen… para maaga tayo makapila.” Tumayo kaming lahat at pati si ate na naka-white scrubs ay sumunod pa rin sa’min.

 

Magkasabay kaming naglalakad sa likod ng mga ka-grupo ko. Wala ba siyang pasok?

 

“Wala ka bang klase?” Tanong ko. Hindi ko siya tiningnan at dire-diretso lang sa paglalakad.

 

“Wala… for the whole week wala since exempted kami dahil nung seminars at fairs na pinuntahan namin.” Ah… so tambay pala siya for the rest of the week.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
132 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱