Ika-dalawampu't isang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Naupo lang ako sa loob ng office namin, ewan ko kung bakit wala ako sa mood gumalaw. Lalo na sa paglabas. Iniisip ko pa lang ‘yung init ng araw sa labas, sumasakit na agad ang ulo ko. Pati ‘yung ingay… jusko feeling ko magsusungit lang ako nang sobra kapag nakarinig ako ng ingay na ayaw ko.

 

So heto ako at nag-stay na lang sa loob ng Org office, kasama ko pa rin si Ryujin para sa queries and iba pang tanong na need namin bigla i-entertain. Nakapatong lang ang baba ko sa palad ko habang pinapanood ang kamay ng orasan. Busy si Ryujin sa paggawa ng presentation para sa isang subject nila, since hindi siya makaka-attend, siya na ang nag-volunteer na mag-compile ng topics nila at gumawa ng PPT.

 

Wala pa naman kaming presentation na need pero tambak daw ang problem sets sa Physics at Chemistry. Iniisip ko pa lang, parang ayoko na agad. Though may consideration naman sa’min na officers kasi no due date ang sa’min kaso may need kaming score na ma-attain para hindi kami mabawian sa grades.

 

“Matagal ka pa ba diyan?” Tanong ko kay Ryujin, gusto ko ng something na maasim pero tinatamad akong lumabas.

 

“Malapit na, isang slide na lang… anong other word for bright?”

 

“Radiant?” Unsure kong sabi at ibinagsak ang ulo ko sa mesa.

 

“Tapos na, bakit ka nagtanong pala ba?” Tanong niya habang isinesend sa groupmates niya ‘yung PPT.

 

“Gusto ko ng mangga…” Tiningnan niya ako.

 

“Tara bibili?” Tumayo siya pero umiling ako.

 

“Ibili mo ‘ko.” Inabutan ko siya ng bente at umirap pa siya bago lumabas ng pinto. Damang-dama ko ‘yung lamig at katahimikan dito sa office kaya hinila ko papalapit sa’klin ‘yung laptop ni Ryujin. Wala naman siyang itinatagong sikreto dito, wala kahit anong password.

 

Maglalaro na lang muna ako ng tetris sa chrome habang hinihintay siya. Inabot yata siya ng halos sampung minuto sa labas bago nakabalik at nakasimangot pa.

 

“Recess pala, ang daming tao dun sa stall na nagbebenta ng mangga.” Iniabot niya sa’kin ang maliit na cup ng mangga. Jusko, ang mahal nito ha?! Fifteen pesos?! Kasing-tangkad lang ng pinky finger ko ‘yung cup! 

 

Nakalimang subo lang yata ako ay ubos na… gusto ko pa.

 

“Ryujin…” Nakangiti pa ako sa kaniya at naglabas ng forty pesos.

 

“Akin na nga…” Tumayo ulit siya at lumabas, pagbalik niya tatlo ‘yung dala niya since nasa kaniya pa raw ‘yung five pesos ko kanina.

 

Puro cups na ‘yung table at puro asin na rin sa mesa, kairita wala silang bagoong para sa mangga. Pero gusto ko pa rin, huhu.

 

“Ryujin…” Narinig ko pa ang pagsinghap niya at kinuha ang pera sa kamay ko.

 

“Iisa na ‘yung natira kanina sa canteen, kapag wala na… anong bibilhin ko?” Tanong niya.

 

“Mangga.”

 

“Paano if wala na?”

 

“Basta bili mo ‘ko mangga, pretty please?” Narinig ko pa siyang bumulong bago lumabas ng office namin.

 

“Saan naman ako kukuha ng mangga, jusko…”

 

Sorry na, Ryujin. Ewan ko kung bakit ako biglang nag-crave, malapit na siguro period ko. Sabi ni Mama, tinatalo ko pa raw siyang buntis kapag magkakaroon ako. Pero upd

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
132 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱