Ika-labintatlong Silip
Himala, Mahal na yata kita!Lately, parang mas napapadalas pa na kung saan-saan ako nakatitig kesa sa time na ipinag-focus ko sa classes namin. HIndi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa’kin. I should be more focused, right? Sabi ko nga, gusto kong maka-graduate with flying colors but with what’s happening to me, parang nawawalan na agad ako ng hope.
“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Sungchan habang nagsasagot kami ng Problem Set sa isang subject. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman ako bumabagsak pero I hate the fact na lost ako habang nagkaklase kaya I tend to stay up at night para lang i-review ang mga lesson na itinuro sa’min during the day.
Or siguro, I have an idea kung bakit ba ‘to nangyayari sa’kin…
Was it because I’m always in deep thought about myself? Pero hindi naman dapat ako nadi-distract dahil lang dun ‘di ba? Then why am I always lost--
“Bakla… pasa mo na ‘yan.” Napakurap ako at ipinasa sa teacher ang hawak kong papel.
“Ayos ka lang? Sure ka?” Should I ask Sungchan about it?
“Kelan mo nalaman na gay ka?” Tanong ko. Halata ang gulat sa mukha niya dahil sa tanong ko. Never akong nagtanong about sa preferences niya pero I’m curious, I’ll see if it helps.
“Ewan ko, basta nagising na lang ako na gusto ko ng t--”
“Huwag mo na ituloy.” Putol ko sa sasabihin niya. Napakabastos talaga ng bibig nito.
“Bakit mo pala natanong?” Hindi ako sumagot at nagtanong na lang ulit sa kaniya.
“Never ka nagkagusto sa babae?” Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.
“Walang kabog sa dibdib, lukso ng dugo meron…” Sagot niya. Ilang beses ko na rin naman nahawakan ang kamay ni Ningning or ni Ryujin… saka ‘yung ibang babae na officers ng HSSC pero wala naman ako nararamdamang kakaiba. Parang normal lang…
“Kung hahawakan mo kamay ni Shotaro, may nararamdaman ka ba?” Kumunot ang noo niya sa napakarandom na tanong.
“Wala siyempre… hindi ko naman siya gusto or crush. Hindi porket gay ako, sa lahat ng lalaki kikiligin na ‘ko ‘no?” Oh, that makes sense.
“Pero ‘di ba hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend?” Tumango siya at binitawan na ang kamay ko.
“Oo nga, pero hindi naman ibig sabihin n’on hindi na ako gay. May jowa man o wala, gay ako… Hindi ‘yun basehan para masabi na bading ang isang tao, or kahit sa way na manamit sila… kahit sa movements or habits.” Noted…
“About sa attraction…?” Tanong ko ulit. Feeling ko magtataka na siya pero gusto kong marinig ang mga sasabihin niya, siguro mamaya kay Ryujin ako magtatanong din.<
Comments