Ikatlong Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatitig lang ako sa kisame at buong gabing inisip ‘yung react button na napindot ko. Sana hindi niya nakita. Nawawala naman ’yun ‘di ba? I mean, natanggal ko rin naman after ko mapansin. Ang lakas lakas nung popping sound, siyempre mapapansin ko.

 

Napabangon ako at tumingin sa orasan. Ala-una na pero gising pa rin ako, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang Google app.

 

‘how fast does facebook algorithm reads a reaction’

 

Wala man lang article or matinong sagot akong nakuha. Leche talaga!

 

Hindi naman niya siguro papansinin ‘yun ‘di ba? Reaction lang naman ‘yun… reaction sa post niya one year ago.

 

Npapikit na lang ako at napabuntong-hininga. Hindi ko na dapat iniisip ‘to. Reaction lang ‘yun at as if naman na magkikita kami bukas or magkakasalubong. Nasa magkabilang side ng campus ang Med Department at Senior High. Imposibleng magka salubong kami.

 

O siguro nga mali ang tantya ko. Punyeta talaga.

 

Umagang-umaga, pagkapasok ko pa lang sa main gate, nakita ko na agad ang grupo nila na nakatambay sa may Fountain Park. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko pa iniisip.

 

‘Wag kang lilingon, Winter!

 

Nakatungo lang ako habang naglalakad, buti na lang din at marami akong nakakasabay sa students. Hindi ako masyadong napapansin, and bakit niya rin naman ako papansinin ‘di ba? Why would she care?! Sure naman ako na marami rin ang nag-rereact sa past photos or posts niya dahil na rin ng looks niya.

 

Akala ko ligtas na ako after kong makalayo sa kanila, pero akala ko lang pala…

 

Napapikit na lang ako at napamura sa isip ko after ko marinig ang napakalakas na sigaw.

 

“V.P Winter!” Kukutusan ko talaga ‘tong batang ‘to mamaya. Umikot ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa’kin.

 

Si Yuna, Grade 10 Representative officer sa HSSC. Ano naman need niya sa’kin?

 

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin sa’kin ng mga naka-white scrubs from Med Department na nakatambay dito sa Fountain Park. Hindi ko sila nilingon kahit na ramdam na ramdam ko ang titig nila. Hinintay ko si Yuna na makalapit.

 

“Kanina ka pa pinapahanap ni Pres, may urgent meeting daw for the welcoming event para sa freshmen students.” Lampas seven o’clock na rin ako nakaalis sa bahay namin dahil sa puyat ko kagabi. Kasalanan talaga ‘to lahat ni facebook!

 

“Sige, may excuse letter ba tayo?” Tanong ko sa kaniya. Buti na lang kokonti ang dala kong gamit, wala rin akong dalang books--at buti na lang din dala ko ‘yung HSSC shirt namin.

 

“Meron, V.P… Ipina-photocopy na nila Pres. Kunin na lang daw natin sa office para maibigay sa subject teachers.” Tumango-tango ako sa sinasabi niya.

 

“Una ka na sa office, ate… may pinapaasikaso lang sa’kin.” Ibinigay niya sa’kin ang spare key ng office namin.

 

“Samahan na kita?” Umiling siya.

 

“Una ka na,ate…” Naglakad na ako papalayo pero hindi ko pinalampas ang chance na lumingon nang konti sa pwesto kanina nung mga naka-white scrubs. Thank God, wala na sila.

 

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
127 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱