Lagom.
Please Subscribe to read further chapters
Description
Ikaw, ako—Tayo. Tayo: sa kinabukasan; sa hinaharap; sana.
Foreword
Sa kabila ng bigat ng mundo, at ingay ng isip ko,
Ikaw lang ang tanging nagpapagaan nito
Walang ibang hiling kundi ang mga ngiti mo'y masilayan,
Hindi kailangan ng ibang uuwian dahil ikaw lang ang tahanan
Sa susunod na pagmulat ng aking mga mata,
Nais ko sanang ikaw ang bubungad sa aking umaga
Kung pagpapalain ng tadhana at panahon,
Atensyon ko sa'yo lang gusto ituon
Isa lang, ikaw lang; pipiliin ka lagi-lagi, ikaw ang tinatangi.
Minamahal kita; ngayon, bukas, at sa mga susunod pang pahina.
Comments