Ika-dalawampu't dalawang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

“Saan tayo?” Damang-dama ko ang mala-artista kong get-up sa shades at jacket. Walang basagan ng trip! Nasa sasakyan pa kami at medyo maaga pa naman, sure akong hindi ako agad ihahatid ni ate na naka-white scrubs. Sabi nga ni Ryujin kinikidnap daw ako kapag siya ang kasabay ko pauwi.

 

Umuuwi naman akong buo at busog so I think hindi naman kidnap ‘to.

 

“I’m wondering if may costume ka na for next week.” Hininaan niya ang volume ng music na nagpeplay sa loob ng sasakyan.

 

Walang Kapantay - The Knobs

 

“Wala pa, ikaw?” Suggest ko na ba na mag-matchy kami? Para walang higad na lumapit sa kaniya next week? Ang landi ko na naman, huhu.

 

“Wala pa rin, you…” Lumingon siya sa’kin at saka nagsalita ulit.

 

“You wanna do a couple get-ups?” Ay taray, couple daw…

 

“Sure… ano bang naiisip mo?” Wala pa akong maisip talaga. Walang pumapasok sa isip ko maliban sa…

 

“Donuts…” Para akong bata na manghang-mangha sa nakita kong Dunkin’ Donuts sa tabi ng daan. Gusto kong bumaba bigla.

 

“You want donuts?” Tumango-tango ako at agad naman niyang iniliko ang sasakyan para pumarada sa harapan ng building kung nasaan ang Dunkin’ Donuts. Hindi na niya ako pinababa, siya na lang daw ang bibili.

 

Tama lang! Charot!

 

Habang naghihintay ay binuksan ko ang bintana at nag-picture pa. Parang ang kapal-kapal ng mukha ko today, kasalanan talaga ‘to ng period na paparating pa lang. Grabe ang paramdam.

 

“Here…” After niya iabot sa akin ay nginitian ko siya, ‘yung ngiting sobrang tamis na tipong magiging energetic siya nang bongga. Sa tingin ko naman ay gumana dahil sobrang lapad ng ngiti niya habang nagda-drive. Pupunta raw kami sa isang shop, hindi ko alam kung anong shop. Masyado akong na-busy sa donuts.

 

“Can I take a bite?” Inilapit ko sa bibig niya ‘yung donut.

 

“Hindi mo na talaga ibabalik sa’kin jacket ko?” Natatawang tanong niya.

 

“Sabi mo, I can keep it.” Napanguso na lang ako.

 

“Yeah… sa’yo na nga. Himala yata, hindi ka nagsusungit today?” Akala ko hindi niya na mapapansin.

 

“Malapit na yata ako magkaroon, sobrang hyper ko simula kaninang umaga.” Sagot ko at naupo nang maayos. Hindi ko na kayang ubusin ‘yung donut. Isang malaking box ang binili niya, dadalawa lang naman kami dito sa sasakyan.

 

“Hindi ka ba busy sa schoolworks?” Tanong ko. Wala lang, napansin ko kasing maraming med students na nagrereklamo sa mga course nila. Like ‘yung pinsan ko sa father side, isa siyang graduating MedTech student and lagi siyang nag-rarant sa gc naming magpipinsan about sa course niya.

 

“Busy rin.”

 

“Bakit ka laging free kapag nagkikita tayo?” Curious lang naman ako.

 

“I make time. Acads is my priority rin naman pero taking a break is a must pa rin.” Parang hindi ko naman siya na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
130 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱