Ika-limang Dungaw
Himala, Mahal na yata kita!It’s not that long of a time simula nung naging kami. I think we barely had big fights, though madami-dami ‘yung small fights because walang magpatalo or more on, ayaw magpatalo ng jowa ko. I let her be though…
Ewan ko ba, may motto yata siya sa buhay na kapag galit ako, dapat mas galit siya. It’s wala lang naman, since wala masyadong big deal sa childish away naming dalawa. Napag-awayan na yata namin lahat ng maliliit na bagay, pati ‘yung pagtalon ko sa kanya kapag nakahiga siya sa kama…
“Umalis ka, ang bigat-bigat mo!” Ang cute-cute niya mainis, parang galit na tuta.
“Ayoko ko…” Ramdam ko ang pagkurot niya sa tagiliran ko pero hindi ako umalis. Lalo lang akong yumakap sa kaniya.
Lately, nakakausap ko si ate Luci dahil dun sa kanila ni ate Celeste. I feel like naa-unfold in front of me ang another type of relationship. Kumbaga ‘yung relasyon nila at relasyon namin nasa magkabilang dulo ng spectrum.
Minsan lang gusto kong kutusan si ate Luci kasi ayan na, si ate Celeste na ‘yung nag-eeffort pero siya ‘tong takot masyado.
I am in no place to judge, pero alam mo ‘yun.
“Nagmessage si ate Celeste, itago ko raw siya kay ate Luci.” Natawa na lang ako at sumiksik lang lalo sa kaniya.
“Pa’no kung ganun ako?” Biglang tanong niya.
“Alin?”
“Red flag.”
“Lagi, lahat naman tayo may red flag trait… may toxic trait, hindi naman tayo santo o Diyos para maging perfect.” Sagot ko.
That’s one thing I have noticed sa paligid ko. Aaminin ko na may red flag trait din ako, or si Winter… pero it doesn’t mean naman na buong existence na namin red flag. It’s just a part of us.
“Pero kung puro ka red flag trait, baka hindi kita jowa…” Nakaramdam ako ng hampas sa likod ko.
“So sinong jojowain mo kung ganun?”
And here comes another away.
Natatawa na lang ako minsan kasi instead na magalit, nacucute-an lang ako sa kaniya. Ang tapang-tapang, ang liit-liit naman.
Tinakpan ko ang bibig niya para matigil siya sa pagsasalita. Hindi siya titigil talaga… mas madaldal pa siya sa ganto kesa kapag kinakausap ko siya. Pero hindi ako nagrereklamo ha! I’m just saying.
“Ang ingay-ingay mo…” Inirapan niya lang ako at saka ko inalis ang kamay kong nakaharang sa bibig niya.
“Sabi mo kasi hindi mo ‘ko jowa kung–”
“Pero hindi ka naman kasi nga ganun kaya nga jowa kita ‘di ba? Walang possibility na mangyari ‘yung iniisip mong ‘kung’.” Magsasalita pa siya pero tinakpan ko na agad ang bibig niya.
I’m thankful na hindi ako kasing takot ni ate Luci when
Comments