Ikasampung Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Tamang-tama ‘yung panahon, hindi mainit pero hindi rin naman malamig. Saktong-sakto lang… medyo madilim ang ulap so ia-assume ko na uulan din mamaya. Busy pa rin kami sa paghahanda for the celebration ng Buwan ng Wika, iniintindi namin ni Ryujin ‘yung contestants for the past seven days.

 

From the practice, hanggang sa pagre-review ng mga susuotin nilang damit for the pageant. Mahirap na ‘no?! Baka magsuot sila nung mga damit na against sa dress code, malalagot kami. May mga naka-close ako sa mga contestants since nakakasabay namin sila kumain ng lunch at gusto kong ma-offend! Grabe, ganun ba talaga ako ka-scary sa lower year levels?!

 

Si Wonyoung, Grade 9 student, isa siya sa mga kasali sa pageant at ilang beses niya na raw ako gusto batiin kapag nagkakasalubong kami before pero natatakot siya. Mukha raw kasi akong galit lagi at nakasimangot.

 

Pati ‘yung si Lia, Grade 12 naman siya, kaklase ni Ryujin at Yeji sa HUMSS strand. Hindi naman daw ako scary pero feeling niya raw makakaabala siya if pupuntahan niya ako para batiin kasi most of the time si Ryujin or si Sungchan ang kasama ko. Natawa pa ako nung tinanong nila if jowa ko ba raw si Sungchan.

 

“‘Wag kayo matakot kay Winter, mukha lang siyang nangangagat pero mabait naman siyang alaga. Wala rin rabies--aray ko ha!” Kinurot ko si Ryujin sa sinabi niya at inirapan.

 

Nandito kami sa may Fountain park, mini-picnic with the contestants. Nagkasundo kami na magkaroon ng ganito, hati-hati pa at kaniya-kaniyang dala ng ambag na foods. Nasa malaking mat kami, nakabilog and nagkukwentuhan. Thankful lang din ako na madaldal sila at hindi kami napupuno ng silence. Kahit ‘yung mga lalaking kasali, madaldal din.

 

“Napakasama ng ugali mo De Asis…” Sinimangutan ko si Ryujin at hinampas ulit.

 

“Joke lang, baka umiyak ka pa lagot ako kay ate Rina…” At ano naman kinalaman niya dito?!

 

“‘Wag mong banggitin ang pangalan niya dito.” Saway ko kay Ryujin. Akala ko papatahimikin na niya ako after nung free lunch last week pero akala ko lang pala. Since Monday last week, dinadalhan niya ako ng lunch or iniiwan niya sa faculty room ni Ma’am Michelle ang pagkain kaya pala lagi ako ipinapatawag kapag tanghali.

 

I mean, I appreciate naman pero for what? Hindi naman kami close at mas lalong hindi naman kami friends, sa FB lang. Gusto ko siyang i-block pero si Ryujin naman kasi--bakit ba kasi niya ka-close ‘tong babaeng ‘to?!

 

“Ay, totoo po ‘yung balita sa HS department?” Tanong ni Wonyoung. Anong balita?!

 

“Ano ‘yon?” 

 

“Jowa mo raw Ate Winter ‘yung Nursing student na maganda… ‘yung crush ng mga lalaki sa Grade 9 department.” Jusko po…

 

“Hin--”

 

“Jowa pala kita?”

 

“Ay punyeta!” Gusto kong manakal! Paglingon ko ay mukha ni ate na naka-white scrubs ang bumungad sa’kin. Ano ba siya?! Jumpscare?!

 

Hinampas ko agad siya sa braso at inirapan.

 

“Wala, alis ka na.” Narinig ko pa ang mahinang tawa niya saka inilapag ang isang paperbag sa harapan ko.

 

“Kumain ka ng totoong pagkain… ‘wag puro snacks. Ako nagluto niyan.” Kinurot niya pa ang pisngi ko bago tumakbo paalis.

 

“Bastos ka, ang sakit!” Hinawakan ko pa ang pisngi ko at minasahe.

 

“Sana all po…” Anak ka ng… Na-witness pa talaga ng mga ‘to ang ginawa ni ate na naka-white scrubs.

 

“Bine-baby kasi ‘to ni ate Rina, sorry na lang at na-witness niyo pa ang landian nila.” Tiningnan ko si Ryujin at sinimangutan.

 

“Fake news ka, hindi ko nilalandi ‘yun ‘no?!” Depensa ko at tiningnan ang laman ng paper bag. Naka-tupperware at mainit pa ang pork caldereta pati kanin. May kasama pa na dessert--isang box ng cupcake.

 

“Sana all may jowa na nagbibigay ng pagkain!” Benjamino Yoo! Ano bang gagawin ko para tumigil ka?!

 

“Hindi ka naman lumalandi pero nilalandi ka niya.” Dagdag ni Ryujin. “Kainin mo ‘yan ha? Inabala niya pa ako kagabi para lang itanong kung kumakain ka ba ng pork.” What?

 

Inilabas ko lahat ng laman ng paper bag at binuksan. Mainit pa at sobrang bango--E’di siya na marunong magluto!

 

May nakadikit na note sa tumbler ng tubig.

 

‘Hope you enjoy the meal, baby girl.

Hiniram ko saglit ang kitchen ng 

Culinary Dept for this. >.<

 

-Mom--Rina <3’

 

Nanlaki ang mata ko sa nakalagay sa dulo. Bastos talaga!

 

“Hoy ano ‘yan?” Inilagay ko agad sa bulsa ko bago pa makita ni Ryujin. Hinding-hindi ko ‘to ipapakita kahit kanino ‘no?!

 

“Wala, hindi pasa sa’yo.” Sabi ko at tinikman ang niluto ni ate na naka-white scrubs. Okay, masarap… pwede na.

 

“Pahingi!” Umiling ako at ininggit pa lal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
114 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱