Ika-labing anim na Silip
Himala, Mahal na yata kita!Dalawang araw na simula nung nakasabay ko kumain si ate na naka-white scrubs at ewan ko kung paano siya nakakuha ng pass para makalabas masok sa room namin. Yes, nandito na naman siya sa loob ng room at talagang nakipagpalit si Sungchan ng pwesto sa’kin para dun ako sa mismong tabi ng teacher’s table which is her spot tuwing nandito siya.
Ang alam ko talaga bawal ‘to, pero bakit siya nandito? Ang daya?
“Hi baby girl…” Naka-casual lang siya at agaw-pansin pa rin. Kahit yata gaano pa kasimple ‘yung damit magagawa niya pa rin na pagmukhain ‘yun na elegent and stylish. E’di sana all.
“Manahimik ka…” Saway ko. Nakikinig ako sa lesson ng Biology 1, dahil malapit na ulit ang quiz namin pero ‘tong nakapwesto sa tabi ko ang kulit.
“Harap ka dito, dali…” Hindi ko siya pinakinggan kahit na tinutusok-tusok niya pa ang braso ko.
“‘Wag ka magulo… ” Saway ko ulit. Napakakulit mo ate na naka-white scrubs!
“Harap ka lang dito, ituro ko sa’yo ‘yung tinutro ni Ma’am mamaya.” Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Napatigil naman siya at ibinalik sa mesa ang dalawang kamay niya.
Bakit nga ba kasi siya nandito?! Ang kulit niya, bakit hindi siya palabasin ng teacher namin? Grabe ha, may favoritism!
May nag-slide na note papunta sa armchair ko at nakilala ko na agad, handwriting pa lang.
‘Sorry, baby girl’
Hindi ko iyon pinansin at hinayaan sa ibabaw ng armchair ko. Kung kanina ay sobrang kulit niya, ngayon naman ay nakaupo lang siya at nakapatong ang baba sa kamay niya. Ramdam ko ang titig niya sa’kin pero hindi ko nilingon at nagpatuloy lang sa pagsusulat.
I mean, hello? Sayang tuition kung wala akong matutuhan dahil sa pagtitig ko sa kaniya. Worth it naman titigan kaso wrong timing--Winter?!
Okay fine, hindi naman siya masamang titigan. Actually if hindi kami magkakilala at hindi siya ganito mangulit, baka naging crush ko na siya. Kaso hindi! Sinadya pa talaga na napakakulit niya at dinaig pa yata habagat sa pagiging mahangin!
Naalala ko lang kahapon na um-agree akong sumama sa kaniya para mag-ikot ikot, nagpunta kami sa mall na I think ay may audition na nagaganap. Nilapitan kami nung isa sa mga talent manager yata and inalok siya na mag-try pero tumanggi siya.
“Kita mo ‘yun, baby girl? Ang ganda ko talaga…”
Well, totoo naman pero nayayabangan ako sa kaniya! Sinimangutan ko lang talaga siya the whole time na naglalakad kami sa mall. Pero natawa ako nung may nakasalubong kami and nagtanong if magkapatid ba kami. Hindi ako maka-get over sa reaction niya. Akala mo pinagsakluban ng heaven and earth. Anong masama ba kung magkapatid kami?
Sabi kasi nung nakasalubong namin, medyo magkamukha raw kami at kung pewde raw ba hingin ang number ko.
“Hindi kami magkapatid, o relatives… magiging ‘yon!” Kawawa naman ‘yung lalaki pero mas natawa ako nung siya na mismo nag-type ng number ko dun sa phone nung lalaki kahit hindi naman niya alam ang number ko.
“Anong binigay mo dun?” Tanong ko after namin malampasan.
“Number ng St. Peter’s.” Bastos talaga…
Hanggang 8 pm yata kami sa mall dahil nag-enjoy siya masyado sa Watson’s! Nakatayo lang naman ako sa tabi habang tinetest niya ‘yung lipsticks tapos ang ending hindi rin naman siya bumili.
“So bakit mo tinesting lahat… po?” Tanong ko habang naghihintay sa in-order naming food.
“Wala lang, nag-testing lang.” Sinayang niya lang talaga ‘yung mga tester dun.
“Lakas ng trip mo.” Sabi ko at tiningnan ang phone ko na may new notif. Nag-text si Mama, umuwi raw ako ng 10 pm. Um-oo naman ako siyempre, umuwi rin kami
Comments