Ikapitong Silip
Himala, Mahal na yata kita!Unang pasok ko pa lang sa gate ng campus parang gusto ko na ulit umuwi sa’min. Bakit ba kasi lagi kong natetyempuhan?!
Kung nung nakaraan ay sa Fountain Park ko sila nakita, ngayon naman dito sa may parking area sila nakatambay. Hindi naman sa I care about them being around pero, ayoko lang talga nung… ah basta, ayokong nakikita sila!
Hindi ko nililingon ang parking area at nagdire-diretso lang sa paglalakad. ‘Wag sana akong tawagin ng kung sino, please.
Success na ba? Lampas na ba ako? I used my peripheral vision para makita kung lampas na ba ako sa parking area and Thank God. Mas gumaan ang pakiramdam ko nung nakita kong lampas na nga ako sa parking area. Sobrang lapit na nung event, konting araw na lang and for now, aattend ako ng classes namin kasi may quizzes kami sa ilang subjects.
Sa subject ni Sir Eugene at Ma’am Michelle, Basic Cal and 21st Lit. Worth it naman siguro ‘yung pagbabasa at pag-rerecall ko ng two-week worth of lessons para sa two subjects na ‘yun. Habang naglalakad ay iniisip ko pa ‘yung pinagpuyatan ko ‘til 1 am.
“Derivetives… the rules, theorems…” Tuloy lang ako sa pag-rerecall.
“Hi, baby girl…”
“Low d high--ay Mommy!” Napatakip ako ng bibig sa gulat. Punyeta!
Paglingon ko ay mukha ni ate na naka-white scrubs ang bumungad sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa braso saka nilampasan. Pahamak!
“Wait!” Hindi ko siya inintindi at dumiretso na sa paglalakad, pero blessed nga pala siya sa haba ng biyas niya kaya naabutan niya rin ako at sinabayan pa sa paglalakad.
“Ikaw ha, mommy pala ha.” Sinimangutan ko lang siya at hindi na pinansin.
“Willing naman ako magpatawag ng ‘Mommy’ basta ikaw ang tatawag sa’kin.” Dagdag niya pa.
“Shh, manahimik ka… po.” Napapikit na lang ako at hindi na siya pinansin. ‘Wag ngayon please, may exam ako!
“Okay po.” Tahimik lang siyang naglakad sa tabi ko. Bakit ba ‘to nandito? Sa kabilang side ng campus ang department niya.
“Bakit ka nandito… po?” Hindi ko siya tinitingnan. No way!
“Hatid kita sa room niyo.”
“Hindi ako mawawala… po. And, malapit lang ang room ko bakit mo pa ako sasamahan… po?” Kanina pa tingin nang tingin sa’kin ‘yung ibang estudyante. Well, not that I care naman pero hello, ayoko ng issue.
“Oo nga, malapit lang kaya sasamahan na kita.” Ang kulit mo po, ate na naka-white scrubs! Wala ka bang pasok?!
“Wala ka bang klase?” Tanong ko. Hindi ako curious ‘no?! I mean, basta ganun! Baka mamaya nag-cutting siya para lang iritahin ako ngayong umaga.
“Mamaya pa… bakit? Concerned ka? Don’t worry, priority ko naman acads ko.” Ayos na sana ‘yung tanong… kaso may kasamang pang-aasar.
“Hindi ako concerned, kawawa naman ‘yung nagbabayad ng tuition mo kung ‘di ka papasok.” Iyon na lang ang sinabi ko.
<
Comments