Ika-dalawampu't tatlong Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Friday. Maaga pa lang sinundo na ako ng itim na Raptor sa labas. Inaasar pa ako ng parents ko lalo na nung bumaba si ate na naka-white scrubs para batiin sila. Nagpakilala siya bilang kaibigan ko from school, hindi ako nagsalita… kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko dapat siya ipakilala sa kanila.

 

Wala namang sinabi si Papa, maliban sa ibalik daw ako ng buo at walang kulang. Feeling ko tuloy, konti na lang sabihin niya na kahit ‘wag na ako ihatid pabalik. Tuwang-tuwa pa si Mama nung makita niya si ate na naka-white scrubs. At last daw nakita na niya ‘yung driver ko--oo, driver ko talaga ang sabi niya. Nakisabay pa si ate na naka-white scrubs sa joke at sinabing date lang daw ang bayad sa paghahatid sa’kin.

 

Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang tapang na sabihin ‘yun sa parents ko. Ganto ba talaga kapag maganda? Laging confident?

 

“Ngiting-ngiti ka diyan?” Sabi ko. Nasa sasakyan pa kami, pero nakaparada na sa parking area. May mga estudyante na sa labas na naglalakad-lakad wearing their costumes para sa party na mag-start mamayang 9 am.

 

“Pumayag mommy mo na i-date kita, siyempre mapapangiti ako.” Napairap na lang ako at umiwas ng tingin. Ngayon ko lang narealize na medyo mainit pala ‘tong costume namin dahil ang kapal. Malay ko ba na pati pala ‘yung damit ni Astrid, ganito kainit. Pinili niya si Hiccup kahit na sabi ko sa kaniya si Astrid. Pareho raw kami ni Astrid na masungit kaya ‘yun daw ‘yung akin.

 

“Naniwala ka naman kay Mama.” Actually, nakakagulat na ang bilis nilang pumayag. I mean, I know na biruan lang ‘yun pero hello? Ma, hindi naman masyadong obvious na konti na lang sabihin niyo na jowain ko na si ate na naka-white scrubs.

 

“Mama mo na ‘yun…” Dagdag niya pa at hinawakan ang kamay ko.

 

“Aware ka naman, ‘di ba?” Aware na ano?

 

“Ha?” Kumunot ang noo ko, anong aware ako? Saan?

 

“Aware ka na gusto kita.” Biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Ngayon niya lang directly sinabi sa’kin ‘to. Akala ko parang normal na lang kapag narinig ko kasi alam ko naman, pero iba pa rin pala ‘yung dating? Ew, Winter… ang landi.

 

“O-Oo…” Ngumiti lang siya at kinurot nang mahina ang pisngi ko. Ano ba ‘to… may dapat ba akong gawin o ano?

 

“Ikaw ba, aware k-ka rin ba?” Tanong ko pabalik. Sumeryoso ang mukha niya pero halata ko ang anticipation niya with the way she held my hand.

 

“Na?”

 

“Na maganda ako.” Biglang sabi ko at tumawa. Ngumuso siya at natawa na lang din.

 

“Oo, aware ako diyan… ako pa ba.” Panget mo ka-bonding! Lalo lang uminit ang mukha ko sa sinabi niya.

 

“Tara na sa gym?” Magkasabay kaming bumaba sa sasakyan at naglakad papunta sa gym, nakaakbay siya sa’kin habang naglalakad kami. Ganun yata talaga ka-famous si ate na naka-white scrubs dahil may mga nag-ask pa if pwede magpa-picture sa kaniya. Strangely, instead na sa kaniya magpaalam, sa akin sila lumapit.

 

Hindi naman sila sa’kin magpapa-picture, bakit sa’kin nagpapaalam?

 

Pinanood ko lang ang mga nagpapa-picture sa kaniya--nakahawak lang siya sa kamay ko kaya naka-stretch ‘yung braso niya sa lahat ng picture. Hindi naman siguro siya kikidnapin pero ‘yung hawak niya akala mo naman aalis ako sa pwesto ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
114 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱