Ika-tatlumpu't walong Silip
Himala, Mahal na yata kita!Nanatili sa isip ko ‘yung huling sinabi niya bago ko ibinaba ‘yung tawag. Hindi niya rin naman ino-open up, at hindi namin napapag-usapan. Medyo nagulat lang ako but I won’t deny the fact that hearing it made my heart feel warm and full. Parang ano lang naman, para akong tumalon sa warm bath habang pinapanood ang full moon at stars–warm and nice, peaceful and calm.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa pero I tried saying it in front of a mirror, thinking I was facing her and talking to her. It felt the same way… warm.
Doon pa lang alam ko na, I’m doing the right thing.
Hindi siya nag-iwan ng empty feeling sa’kin, instead I felt satisfied that I can say it out loud pero I have never said that to her. Hindi ko pa mahugot ang courage na sabihin ‘yun sa kanya.
Masyado bang mabilis? May speed ba pagdating sa ganitong bagay? Hindi naman kami runner, hindi ‘to race.
Pero every time she’d say her farewells, after leaving a faint kiss on my forehead… I found myself craving to hear those words again. Hindi ko ma-explain pero alam kong ramdam niya na naghihintay akong marinig ‘yun.
“Autumn, payag ka nun kamukha mo ate mo?” Nandito siya sa bahay, sa kwarto ko at buhat niya si Autumn, kanina niya pa inaasar ‘yung sanggol. Hindi ko ma-gets kung bakit niya pa itinanong ‘yun kung sabi nga nung nakasalubong namin na stranger sa supermarket nung Friday night, hindi raw mapapagkamalan na ampon ang isa sa’min ni Autumn kasi magkamukhang-magkamukha raw kami.
“Kung ano-ano tinatanong mo kay Autumn…” Pagsusungit ko pa habang nakahiga sa kama at nagbabasa. Advanced Reading lang, hindi ako masyadong sanay na walang ginagawa or binabasa kapag free time ko. Parang may mali lang kapag wala akong ginagawa, dapat laging meron.
“Nakakaintindi na ba si Autumn?” Tanong niya pa sa’kin.
“Siguro? Tingnan mo, tinging-tingin sa’yo… siguro iniisip niya bakit ang panget mo.” Sumimangot siya at ngumuso. Ibinaba niya si Autumn sa kama na kaagad din naman gumapang papunta sa’kin. Hindi ko alam kung bakit bet na bet ni Autumn na mahiga sa dibdib ko kapag nagkakatabi kami sa kama.
“Anak mo, Miss? Sinong ama?” Pabirong tanong ni Benjamino at naupo sa tabi ng kama.
“Ikaw, panagutan mo ‘to… kailangan namin ng sustento.” Biro ko pabalik at napangiwi sa biglang pagpisil ni Autumn sa pisngi ko. Ang sakit!
“Wala pa akong work, Lagi… pera pa nina Daddy ang ginagamit ko.” Nguso niya, natawa ako at hinawakan ang magkabilang-kamay ni Autumn para hindi mapisil nang bongga ang mukha ko kasi ang sakit talaga! Na-nailcutter na naman ni Mama ang kuko niya pero bakit parang ang bilis humaba?
“Pero alam mo ba, nag-iisip ako mag-start na mag-invest sa bank soon or bumili ng share sa firm ni Daddy with my savings.” Inagaw niya ang kamay ko from Autumn at pinaglaruan iyon.
“Para may pang-sustento na ako sa inyo…” Tumawa siya at napairap na lang ako. Akala ko naman seryosong-seryoso na.
Natahimik kami sa sumunod na smpung minuto. Sumilip pa si Mama sa nakabukas na pinto habang may hawak na mug ng kape. Alas tres na ng hapon pero nagkakape siya, iba talaga…
“Fan ba si Tita ng kape?” Biglang tanong
Comments