Unang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Rambol, Suntukan, at Sabunutan--unang araw pa lang ng semester pero heto ako at nasa opisina na agad ng Student Council para sa urgent meeting na ipinatawag ng President namin. Wala naman akong balak talaga na maagang pumasok pero buti na lang at natyempuhan na may dumaan agad na jeep sa may tapat ng bahay namin kanina.

 

Nakaupo kami, paikot sa isang mahabang mesa dito sa loob ng office at tinitingnan ang mga estudyanteng umagang-umaga pa lamang ay nagkagulo na sa may gate. Ewan ko ba kung bakit naging iisa pa ang Council ng Junior High at Senior High kung pwede namang magkahiwalay na lang. E’di sana hindi kami naaabala, at panay nakasimangot dito sa harapan ng mga ‘to.

 

“Wala bang may balak magsalita, ha?” Striktong tanong ni Somi, ang HSSC President.

 

Nanatili lang silang tahimik at walang kumikibo, may ice pack pa sa mata ‘yung isang estudyante na Grade 8 lang yata base sa dilaw niyang HSSC shirt. Violation agad, unang araw ng pasukan, incomplete uniform.

 

“Winter… ikaw nga.” Tawag niya sa’kin. Nagsiayos agad ng upo ang mga kaharap naming estudyante, ewan ko kung bakit mas takot sila sa’kin.

 

“Kung walang magsasalita sa loob ng isang minuto, tatawagan ko mga magulang niyo.” Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang isang list na puno ng phone numbers.

 

“Si ano po kase…” Napalingon ako sa nagsalita. Malay ko ba kung sino si ‘ano’ na ‘yan?!

 

“Walang gan’yan na pangalan dito, umayos ka.” Banta ko pa. Ang hirap kasi sa mga ‘to, hindi naniniwala kapag pinagsasabihan mo nang mahinahon.

 

“Siya po nauna, ‘yung jowa ko po--” Anak ka ng…

 

Jowa?! Para sa jowa nagkagulo sila?!

 

“Anong kinalaman ng jowa na ‘yan dito? Nasaan ang jowa na ‘yan?” Tanong ko. Wala akong balak maki-usyoso sa relasyon nila pero kailangan namin matapos ‘tong usapan na ‘to bago magsimula ang klase namin mamayang alas-otso.

 

“Wala po… nasa kabilang school po.”

 

“So bakit niyo dinala dito sa school ang away na ‘yan ha? Sa may gate pa talaga kayo nagsuntukan.” Natahimik sila sa tanong ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang babata pa pero nakikipag-away para sa mga jowa nila na hindi naman pala taga-dito sa school namin.

 

“Unang offense niyo ‘to, warning lang ibibigay namin sa inyo… kapag naulit pa, wala nang meeting na magaganap dito sa office namin. Diretso na kayo sa Guidance, okay?” Tumango naman sila at magkasunod na lumabas ng office. Sunod naman na pumasok ang dalawang batang babae na naka-liptint.

 

Dinadaig pa ako, walangya…

 

“Kayo naman, jowa rin ba ang dahilan kung bakit kayo nag-away?” Biro lang naman dapat pero pusanggala, tumango sila nang sabay at muntikan na naman magsabunutan dito sa harapan namin. Tiningnan ko si Somi na napailing na lamang.

 

“Bakit ba niyo pinag-aawayan ang jowa na ‘yan ha? Ganun ba ‘yan ka-pogi para pag-agawan niyo?” Mataray na tanong ko. Mga Grade 9 students naman ‘to, nakalagay pa sa I.D pati section.

 

“Palibhasa kasi wala kang jowa kaya hindi mo alam.”

 

Aba’t!

 

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nung isa, mas mapula pa yata ‘yung pisngi niya kaysa sa tinta ng hawak kong red ballpen.

 

“Dahil sa jowa nagsasabunutan kayo, excuse me… ayoko masira ang ganda ko para sa simpleng away kanto ‘no?! May class ako.” Umagang-umaga sinasagad nila ang pasensya ko!

 

“Anong gusto mong sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
236 streak #1
OMGGG NAMISS KO ‘TONG FIC NA ‘TO!!!!
einjie_GF
#2
Chapter 53: 💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 52: Uy, hala. Ang ganda ng sinabi ni ate irene at ale celeste about sa pagpili ng course, need ko sya ngayon ಥ⁠‿⁠ಥ . Alam ko na talaga 💙 ,,, bwahahaha yung tiki-tiki 😂
einjie_GF
#4
Chapter 43: Omggg kayooo,,,, happy Valentine's ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
einjie_GF
#5
Chapter 40: Ay ay naman
gomtokkim
2223 streak #6
rereading muna uli<3
einjie_GF
#7
Chapter 31: 😩 my Lagi
einjie_GF
#8
Chapter 27: Noted po
einjie_GF
#9
Chapter 24: Hahahaha Lt naman ate🤣🤣🤣
einjie_GF
#10
Chapter 21: Hahahahahaha ang kiliggg talagaa e