Ikalawang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sobrang bilis lumipas ng isang linggo, o siguro sadyang ganun lang kasi wala rin naman kaming ginagawa sa class. Puro introduce yourself na medyo nakakaumay--for nine subjects, need namin magpakilala. Bakit hindi na lang index card na may name at picture? Dalawang taon ko na kaklase ang mga ‘to, imposibleng hindi pa rin nila ako kilala ‘no?!

 

Paulit-ulit lang din naman ako sa litanya ko na, ‘Winter Hyacinth Suarez-Kim, G12-STEM A, 17 years old.’

 

Medyo kilala rin naman ako ng faculty members since officer ako simula pa Junior High. Ewan ko na lang talaga sa trip nila minsan.

 

“Nakasimangot ka na naman.” Umupo si Sungchan sa tabi ni Ningning na kanina pa pangiti-ngiti sa phone niya. Lunch break namin--sobrang daming tao dito sa canteen! Puro college at ‘yung iba naman hindi kumakain, nakatambay lang. Lalo tuloy umiinit sa paligid or siguro ulo ko lang ang mainit--Ah basta!

 

“Sino na naman ka-chat mo diyan?” Napatingin ako kay Sungchan na nakikisilip sa phone ni Ningning, naka-liptint pa siya--ay teka, full make-up pala! Grabe talaga ‘tong baklang ‘to, hindi man lang ako tinuruan mag-make up nung nagpapaturo ako. Siya na raw bahala kapag need ko ng make-up, tawagan ko raw siya.

 

Excuse me! Gusto ko rin naman matuto for myself ‘no?! Wala akong maintindihan sa mga tutorial sa Youtube, iba-iba sila ng itinuturo, nalilito lang ako.

 

At isa pa… medyo nahihiya rin akong magpabili kay Mama ng make-up kit para pag-aralan. Aasarin lang nila ako ni Papa.

 

“Hoy, gaga… parang iba ‘yan sa ikinukwento mo sa’kin nung bakasyon!” Napatawa ako nang biglang hilahin ni Ningning ang buhok ni Sungchan.

 

“Gaga, pinsan ko ‘to… si Chenle. Malisyoso ka masyado.”

 

Eto kasing si Ningning, weekly yata iba-iba ang ka-chat, based sa trip niya. Kadalasan one week lang ang itinatagal, inaasar na namin minsan na  baka nasa babae talaga ang true love niya pero sabi naman niya, hindi siya humaharot sa boys na ‘yun. She’s being friendly lang daw

 

“Pogi ba ‘yan... “ Itinulak naman ni Ningning ang mukha ni Sungchan palayo, ang dalawang ‘to talaga.

 

“Off-limits ‘to bakla… may jowa.”

 

Nakinig lang ako sa away nila habang kinakain ‘tong binili ko na palabok. Galit ba masyado sa aswang ‘yung nagbebenta nito? Bakit sobrang daming bawang?! Teka, may bawang ba dapat ang palabok?!

 

“Hi, Ma’am!” Napalingon kami sa ingay na ‘yun, nangingibabaw ang boses nila kahit pa sobrang daming tao dito sa loob ng canteen. Grupo ng naka-white scrubs… nalaman kong from Med Department nga sila last week, mga nursing student.

 

Nakamasid lang ako sa kanila habang kinakausap nila ‘yung isa naming teacher. Siguro naging teacher din nila nung nasa Senior High sila.

 

“Winter, bilisan mo. Malapit na mag-1 pm. Male-late tayo sa Basic Cal.” Isinubo ko na ng buo ‘yung last one dahil sa pagmamadali ni Sungchan, if I know gusto lang nama

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
236 streak #1
OMGGG NAMISS KO ‘TONG FIC NA ‘TO!!!!
einjie_GF
#2
Chapter 53: 💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 52: Uy, hala. Ang ganda ng sinabi ni ate irene at ale celeste about sa pagpili ng course, need ko sya ngayon ಥ⁠‿⁠ಥ . Alam ko na talaga 💙 ,,, bwahahaha yung tiki-tiki 😂
einjie_GF
#4
Chapter 43: Omggg kayooo,,,, happy Valentine's ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
einjie_GF
#5
Chapter 40: Ay ay naman
gomtokkim
2223 streak #6
rereading muna uli<3
einjie_GF
#7
Chapter 31: 😩 my Lagi
einjie_GF
#8
Chapter 27: Noted po
einjie_GF
#9
Chapter 24: Hahahaha Lt naman ate🤣🤣🤣
einjie_GF
#10
Chapter 21: Hahahahahaha ang kiliggg talagaa e