Ika-dalawampung Silip
Himala, Mahal na yata kita!Replaying what happened the other day, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Wala naman akong masamang nasabi sa kaniya ‘di ba? Sinabi ko lang ang thoughts na naiisip ko for how many weeks. Wala namang magbabago, right?
Hindi ko talaga alam, wala akong ideya kung paano ako gagalaw ngayong alam na niya ‘yung naisip ko nung nakaraan. Tama bang sinabi ko ‘yun? Would she go back to annoying me? O may magbabago?
“Hi, baby girl…” Napalingon agad ako after ko marinig ‘yun. It’s her, ate na naka-white scrubs with a smile on her face.
“H-Hello…” Parang first time yata na ito ang ni-reply ko sa greeting niya. Sinabayan niya akong maglakad papunta sa Org office.
“Sabay tayo lunch mamaya…” Oh, I guess she’s back with her usual routine again.
“May choice ba akong mag-hindi?” Tumawa siya at umiling.
“Wala.”
“So bakit mo pa sinabi?” Masungit na tanong ko. Hindi ako ‘yung tipo ng tao na biglang magbabago just because of someone, or something that has happened na in favor sa’kin.
“Sungit mo naman, sinabi ko lang para hintayin mo na lang ako sa office niyo mamaya.” Dagdag niya. Malapit na mag-November and pinaplano namin na pagsamahin ang Halloween party at intramurals.
“Okay…”
“Okay lang?” Ano bang dapat kong sabihin?
“Bakit, may iba pa bang dapat sabihin?” Tanong ko sa kaniya.
“Wala naman…” Wala naman pala.
May naramdaman akong kumikiliti sa kamay ko kaya iniiwas ko agad ang kamay ko at tiningnan ‘yun. Oh…
“S-Sorry…” Bigla niyang sabi at binawi ang kamay niya. I contemplated for a short while before taking the initiative to hold her hand.
“Ang liit ng kamay mo.” Asar ko. Hindi naman pwedeng ako na lang lagi niyang aasarin ‘no?! Kailangan kong bumawi!
Tinawanan niya lang ang sinabi ko at pinisil nang mahina ang kamay ko. Ganito ba ‘yung sinasabi nilang holding hands while walking? Wala namang nakakakilig dito, bakit ang OA nila magkwento. Parang normal lang naman, may nakahawak lang sa kamay mo.
Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay at saka siya tiningnan sa mukha, mukhang gets ko na kung anong kilig ang sinasabi nila.
Ramdam ko agad ang pag-init ng magkabilang pisngi ko sa biglang pagngiti niya. Ang ganda po talaga!
“Ayos ka lang?” Mukha bang ayos pa ako?!
“O-Oo naman.” Walang nag-inform sa’kin na hindi naman pala ‘yung experience ng holding hands while walking ‘yung nakakakilig, kundi ‘yung taong may hawak ng kamay mo.
But to be honest, I have no idea kung anong meron kami. Walang indication, or pasabi… walang label.
“Puntahan kita dito mamaya ha?” Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sa kamay ko at ginulo ang buhok ko. Kairita!
Inirapan ko lang siya at pumasok na sa office. Nakakalokong tingin agad ni Ryujin ang sumalubong sa’kin.
“Ano ‘yun ha? Nililigawan ka na?” Tanong niya agad
Comments