Ika-apatnapu't dalawang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Natahimik kaming dalawa pagkatapos kong magtanong. Biro lang kasi talaga ‘yun! Ano namang gagawin ko sa poging doktor kung hindi siya si Benjamino?!

 

“Sabi mo kasi maghahanap ka…” Nagpapabebe ba ‘tong babaeng ‘to?

 

Tiningnan ko siya at napakunot ang noo sa itsura niya. ‘Kala mo inapi ko…

 

Pero minsan lang naman…

 

I opened my arms and pulled her to hug me. Nakasandal ako sa headboard ng kama, at medyo nakadagan sa’kin ang bigat niya dahil sa pagkakayakap niya kanina.

 

“Biro lang kasi ‘yun…” Para akong may yakap-yakap na malaking baby! Mas malaki pa siya sa’kin please lang…

 

“Ayoko ng birong ‘yun…” Sumiksik pa siya sa’kin lalo at mas humigpit ang yakap. Okay lang pala na mabigat siya–K, fine! Ang cute niya magselos pero hindi ko sasabihin ‘yon!

 

“Panget mo magselos.” Natatawa kong sabi pero inirapan niya lang ako at nag-stay na nakayakap sa’kin. Gets ko naman reaction niya, of course! Pero wala naman siyang dapat ipagselos kasi imposibleng magkagusto ako sa lalaki. Hindi kami talo!

 

“Bawal ka sa pogi! Deserve mo maganda!” Lumakas ang tawa ko sa banat niyang ‘yun. Kinurot ko siya sa pisngi at itinulak. Ang bigat!

 

“Hahanap ka ng pogi?” Kakatayo ko pa lang sa kama oh?!

 

“Hindi ba pwedeng kukuha lang ng tubig? Hindi kita nabigyan ng tubig pagdating mo.” Niyakap niya lang unan ko at tumalikod. ‘Kala mo naan talaga…

 

Naabutan ko pa sa baba si Papa at Mama, naglalandian sa may kusina. Ayokong ma-witness kung paano ako ginawa please lang!

 

“Kukuha lang akong tubig, bago niyo ituloy landian niyo po.” Sabi ko nung mapatingin sila sa’kin.

 

“Hindi ka ba nilalandi ni Rina? Pababain mo nga dito, tuturuan ko.” Papa?!

 

“Pa naman!” Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba naman?!

 

“Baka lang hindi niya alam paano–”

 

“Pa, stop na! Marunong po siya, opo!” Napatakip naman ako ng bibig sa nasabi ko. Feeling ko exposed na exposed ang relasyon ko sa sagot kong ‘yun.

 

“Sabihin ko sana, use protection pero wala nga palang–”

 

“Papa?!” Muntikan pa matapon ‘yung tubig sa baso na hawak ko. Huhu, ano bang klaseng linyahan ‘to ng ama ko?!

 

Dali-dali akong tumakbo paakyat para hindi na asarin pa pero sana pala binilisan ko pa.

 

“Soundproof naman ‘yung room mo, anak! I-lock niyo na lang ‘yung pinto!”

 

Bwisit talaga! Huhu.

 

“Pinakain ka ba ng sili sa baba? Bakit ang pula mo?” Tanong ni Benjamino nung iniabot ko sa kaniya ‘yung baso ng tubig. Ano ba ‘to… Huhu. Si Papa naman kasi!

 

“Wala! Uminom ka na lang diyan at ‘wag kang lalapit!” Naupo ako sa swivel chair ko at minabuting mag-browse ng notes ko. Malapit na ulit ang midterms namin, ang lapit na ng graduation! Wala pa rin akong naiisip na course for college.

 

“Bakit bawal akong lumapit?” Nilingon ko siya at tinutukan ng wireless mouse na hawak ko. Hindi ko makalimutan ‘yung pang-aasar ni Papa, ayokong makaalala ng kung ano-ano!

 

“Diyan ka lang sa kama. ‘Wag ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
bigboy123
132 streak #1
reread~ 🥹
aerichandesuu
#2
Chapter 2: atay ka
yuji954 #3
Chapter 53: "A reason to wake up, and an assurance before I sleep" and "I was her shot of reality and she was a dream that has come to life" grabe na ba me wHEN ?!
evanesce_28
#4
Chapter 40: tapos ang laban unang nagsabi ng i love you si Benjamino hahaha
evanesce_28
#5
Chapter 31: Gagi!!!! Sana all my lagi jusq nakakainggit naman HAHAHA
readeronlysad #6
Chapter 31: KAYO NA MAY LAGI
readeronlysad #7
Chapter 26: tamis
readeronlysad #8
Chapter 20: shutaness
readeronlysad #9
Chapter 14: great circle
Blueyy #10
Chapter 2: Hala ka na liked yung bikini post ni ateng naka white scrubs 😆😱