Ika-labindalawang Silip
Himala, Mahal na yata kita!Nakasuot lang ako ng headphones at dire-diretso sa paglalakad sa loob ng campus, medyo malamig kaya nag-jacket ako. At oo… ‘yung jacket ni ate na naka-white scrubs ang ang suot ko. Agaw-pansin pa nga dahil varsity jacket siya na customized--konti na lang iisipin ko na lahat ng damit niya may name niya.
Sa mga nagdaang araw, hindi niya ako nilubayan. Kahit pa nung mismong araw ng celebration namin. Ewan ko ba sa schedule niya. Buong hapon siyang kasama namin ni Ryujin sa loob ng gym, lalo na nung coronation time na kasi ako ‘yung magpapasa ng crown eme. Pinanlakihan ko pa siya ng mata nung pumwesto siya malapit sa mga judge porket kakilala niya. Todo kaway pa siya sa’kin.
Mas marunong pa siya, pati ba naman make-up ko ayaw ipatanggal?!
Hayaan ko na raw muna, habang nagdidinner kami. Nakisama siya sa buong HSSC para sa dinner namin na KKB--hello, students pa lang naman kami, hindi pwedeng isa lang ang magbayad ng kinain namin. Pero etong si ate na naka-white scrubs, binayaran pati ‘yung kinain ko. Hanggang sa pag-iinsist na ihatid ako pauwi. Nakidagdag pa si Ryujin, pasabay raw so wala akong choice kundi um-oo. Punyeta talaga!
Ang gusto ko lang naman ay lubayan niya ako, at hayaan na magkaroon ng matahimik na huling taon sa Senior High. Ayoko nang dagdag na distractions kasi eager talaga ako na maka-ace ngayong last year ko na sa High School. Gusto kong maka-graduate na with honors man lang.
Pinag-iisipan ko na kaagad ang college din, kasi with the strand I took… pwedeng-pwede ako pumili ng college program na papasukin ko. I have endless options, pero ang main focus ko talaga ay nasa field ng Math at Science. I’m thinking of taking up Petroleum Engineering then making big money, or mag-Mech Eng tapos military after… or siguro mag-major ako in Biology or siguro Psychology--wala pa akong concrete plan as of now but I’m thinking of it.
“Hi, baby girl…” Napapitlag ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Kanina ko pa pala siyang kasabay sa paglalakad tapos hindi ko man lang namamalayan.
“Lumayo ka sa’kin…” Inalis ko ang suot kong headphones at inirapan siya. Tapos na ang events namin, sa October na ulit so back to classes na ulit ang eksena naming officers.
“Grabe, ihahatid lang naman kita.” Hindi ako nagsalita at hinayan siya sa kagustuhan niya. Wala rin naman silbi kung papatigilin ko siya dahil hindi rin naman siya makikinig--
“Suot mo pala jacket ko? Sarap sa feeling ‘no? Parang kayakap mo ‘ko…” Napatigil ako at hindi nag-hesitate na hubarin ang jacket para ihagis sa kaniya.
“Joke lang naman, Winter!” Ipinatong niya ulit sa balikat ko ‘yung jacket at hindi na nagsalita ulit. Ewan ko na lang din sa mga trip niya sa buhay talaga.
“Hindi ko alam if mag-mamatter sa’yo or what pero wala ako simula mamayang lunch hanggang next week. May fair at seminar kami sa ibang campus so hindi mo ‘ko makikita around.” Buti naman. Hin
Comments