Ika-tatlumpu’t isang Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi ko alam kung anong aasahan ko. Ngayong alam ko na may nagbago na nga, hindi na kami basta magkaibigan… hindi na rin Wilkins. May label na, hindi man permanente--hindi naman siguro masamang hilingin na maging permanente?

 

Charot! Ang landi, WInter!

 

Ang iniisip ko lang sa ngayon, ay anong pagbabago ang mangyayari. Or dapat ba talagang may magbago? Hindi ko alam. Wala akong experience pagdating sa ganitong bagay. ‘Yung mga nakikita ko noon sa T.V, pareho lang ba nito? O masyado lang exaggerated ‘yung nasa palabas?

 

Kanina pa ako nakatitig sa screen ng phone ko. Nag-message siya kaninang umaga, may meet-up daw sila ng mga ka-group niya sa isang paper nila today. Hindi ko alam ang sasabihin, naiwan ko siyang seen…

 

For 4 hours, seen lang.

 

Ano ba dapat ang itugon ko?

 

Ingat ka, ‘wag papagutom. Ew, ang cringe. Ayoko nga maging katulad nung ibang magjojowa tapos ganun ‘yung sasabihin ko?!

 

Sige, message me na lang. Hindi ba parang ang clingy naman? I mean, hindi naman ibig sabihin na magjowa na kami magde-demand na ako ng updates and messages sa kaniya. Siyempre may buhay rin naman siya outside the relationship.

 

Sure, ingat ka.|

 

Nakailang delete pa ako hanggang sa mag-settle ako sa seen--dapat ko bang replyan? Punyeta naman! How does this work ba?! Wala bang guidelines as to how to be a good girlfriend--Girlfriend.

 

Kinilig  ako dun, feeling ko konting push pa magtatayuan na balahibo ko sa kilig.

 

Halos mauntog ako sa headboard sa bilis ng movements ko, tumunog ang phone ko. Nag-message si ate na naka-white scrubs--si Benjamino; jowa ko.

 

Benjamino: Patapos na kami, Lagi… nandyan ba sina Tito? Should I daan there?

 

Hindi ko alam ang sasabihin. Teka lang, nagta-type na naman siya! Anong irereply ko--bakit ganito?! Jusko lang ha!

 

Benjamino: I can sense your panic all the way from here, Lagi.. haha. Don’t worry about it that much, just talk to me how you usually do.

 

Okay… paano ko ba siya kausapin?

 

Winter: Okay. Wala si Papa dito, nasa work. Tulog si mama at Autumn.

 

Benjamino: Pwede pumunta diyan? Nag-wrap up na kami.

 

Winter: Sige

 

Napatalon na lang talaga ako sa kama ko, at ibinaon ang mukha ko sa unan. Alas dos ng hapon pa lang, at sobrang init. Feeling ko sinusunog ako nang buhay--January pa lang naman, ano na Filipinas?!

 

Bumaba ako at naupo sa may dining table, naglabas pa ako ng tubig. Wala pa kaming requirements… kakasimula pa lang ng semester. Sina ate na naka-white scrubs, ayun… kailangan na raw nila simulan para hindi sila matambakan.

 

Ilang saglit pa ay may dumating na message sa’kin, picture ng front gate namin from Benjamino. Nandito na siya…

 

Tumao ako at dumiretso sa labas para pagbuksan siya ng gate. May dala siyang dalawang box ng pizza. Sino n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
236 streak #1
OMGGG NAMISS KO ‘TONG FIC NA ‘TO!!!!
einjie_GF
#2
Chapter 53: 💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 52: Uy, hala. Ang ganda ng sinabi ni ate irene at ale celeste about sa pagpili ng course, need ko sya ngayon ಥ⁠‿⁠ಥ . Alam ko na talaga 💙 ,,, bwahahaha yung tiki-tiki 😂
einjie_GF
#4
Chapter 43: Omggg kayooo,,,, happy Valentine's ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
einjie_GF
#5
Chapter 40: Ay ay naman
gomtokkim
2223 streak #6
rereading muna uli<3
einjie_GF
#7
Chapter 31: 😩 my Lagi
einjie_GF
#8
Chapter 27: Noted po
einjie_GF
#9
Chapter 24: Hahahaha Lt naman ate🤣🤣🤣
einjie_GF
#10
Chapter 21: Hahahahahaha ang kiliggg talagaa e