Ika-apatnapu't tatlong Silip

Himala, Mahal na yata kita!
Please Subscribe to read the full chapter

Pakiramdam ko dinaganan ako ng isang toneladang bato sa sakit ng katawan ko. Nadrain yata talaga ako nang malala sa mga pangyayari kahapon, tapos dumagdag pa ‘tong si Benjamino. Jusko lang!

 

“Alis!” Tinulak-tulak ko pa siya palayo at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo. Ang sakit ng katawan ko! At kasalanan ‘to ni Benjamino!

 

Naligo na agad ako at tama nga, hindi na ako makakapasok. 10 am na at tulog na tulog pa rin si Benjamino. Malalaglag na siya sa kama pero wala pa rin, tulog mantika!

 

Humarap ako sa salamin, may malaking bruise ako sa balikat… at ang sakit ng katawan ko!

 

Hindi yata mauubos ang complaint ko na ang sakit-sakit ng katawan ko.

 

“Lagi…?” Sumilip pa ako sa pinto ng banyo para lang makita ako ni Benjamino. Nakapikit pa siya pero nakaupo na. Ang cute… ew, Winter!

 

“Nandito ako sa banyo!” Sigaw ko. Buti na lang tapos na ako maligo. Ayoko sumabay sa kaniya, and sikip sa banyo ko please lang! Hindi ‘to kasing laki nung sa kwarto niya.

 

Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa’kin mula sa likod.

 

“Nandun ang shower, wala sa’kin…” Tinaboy-taboy ko pa siya papunta sa glass stall.

 

“Nakaligo ka na, Lagi?” Parang extra lambing ng boses niya today…? O baka nangangarap lang ako.

 

“Yes po, bilisan mo na dyan.” Nagsuot ako ng hoodie para matago ang malaking bruise sa balikat ko. Feeling ko kapag shirt lang, maeexpose ‘yun.

 

“Absent ka today, Lagi?” Oo nga pala, wala siyang pasok today… napakadaya! Huhu, ako lang ‘yung nadungisan ang record of attendance!

 

“Obviously… bilisan mo na dyan, kakain pa tayo.” After ng ilang minuto niya yatang pagcoconcert sa ilalim ng showerhead, natapos din siya. Hinayaan ko lang siyang ituloy ang pagcoconcert niya habang naghahanap ng damit sa closet ko. 

 

“Ang sakit nung kagat mo, Lagi…” Turo niya sa leeg niyang may bite mark. Sorry?!

 

“Kiss ko na lang.” Nag-lean forward pa siya para mas madali kong magawa ‘yun. May kakaiba talaga today!

 

Magkasunod kaming bumaba at naabutan ko pa si Papa na hinahampas ni Mama sa braso. Anong meron ngayong araw? Nakita ko pa si Autumn na nakatitig lang sa parents namin habang hawak-hawak ang baby bottle niya at nakahiga sa crib.

 

“Hi baby ko!” I greeted her. Napaka-cute! Of course, mana sa’kin!

 

“Gising na pala kayo… kain na.” Ang alam ko hindi naman day-off ni Papa, bakit siya nandito?

 

“Wala kang pasok, Pa?” Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Benjamino at tumayo para ikuha siya ng tubig. A habit of mine na nadevelop ko nung naging magjowa kami.

 

“Meron, pero nagsusungit Mama mo… baka raw kung sino-sinong babae na tinitingnan ko, puro naman lalaki kasama ko.” Sinamaan lang siya ng tingin ni Mama.

 

“Sino ‘yung nakita namin ni Autumn na babae nung pumunta kami?!” Jusko…

 

Nilingon ko si Benjamino na mukhang entertained pa sa mga nangyayari. Ginagawa niyang entertainment ang eksena nina Papa habang kumakain, pati tinidor gusto kagatin sa sobrang focus sa scene.

 

“Kurap ka naman, baka mahanginan ka…” Bulong ko at narinig ko ang mahinang tawa niya.

 

“Ganyan ka rin ba magselos, Lagi?” Para kaming mga bubuyog dito na nagbubulungan para hindi maabala ang hampasan nila sa harapan namin.

 

“Nagpupustahan na ba kayo? Rina, sa’kin ka pumusta… for sure sa Mama niya kakampi si Winter, magkaugali sila– aray ko naman!” Nakurot siya ni Mama sa tagiliran dahil sa sinabi niya.

 

“Hindi pa, Tito… tinatanong ko lang kung ganyan din ba siya magselos.” Napairap na lang ako sa sinabi ni Benjamino. Ang hirap din pala kapag ka-close ng parents mo ‘yung jowa mo… wala ka na maitago!

 

“Mas malala magselos si Winter, Rina… grabe niyan ipagdamot Mama niya sa’kin nung bata siya. Isipin mo na lang ‘yun, ako ‘yung asawa pero ako ‘yung natutulog sa ibang kwarto! Kasi ayaw ni Winter na malapit ako sa Mama niya…” Pa?!

 

Pakiramdam ko walang araw na hindi ako naeexpose dahil ni Papa kapag nasa paligid si Benjamino. Lagi siyang may narereveal sa jowa ko!

 

“‘Wag mo na pangarapin na magselos ‘yan batang ‘yan, Rina… baka hindi ka makalapit.” Napasimangot na lang ako sa paandar ni Papa.

 

“Since hindi naman kayo papasok dalawa, ibili niyo muna si Autumn ng gatas at diapers. Pati na rin groceries…” Inilapag ni Mama ang credit card sa table na kinuha ko rin naman agad.

 

“Text niyo na lang sa’kin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
Thank you for supporting this journey of Benjamino and Hyacinth! 'Til next time... - @yeojaszero on twitter

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
240 streak #1
OMGGG NAMISS KO ‘TONG FIC NA ‘TO!!!!
einjie_GF
#2
Chapter 53: 💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 52: Uy, hala. Ang ganda ng sinabi ni ate irene at ale celeste about sa pagpili ng course, need ko sya ngayon ಥ⁠‿⁠ಥ . Alam ko na talaga 💙 ,,, bwahahaha yung tiki-tiki 😂
einjie_GF
#4
Chapter 43: Omggg kayooo,,,, happy Valentine's ♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡
einjie_GF
#5
Chapter 40: Ay ay naman
gomtokkim
2230 streak #6
rereading muna uli<3
einjie_GF
#7
Chapter 31: 😩 my Lagi
einjie_GF
#8
Chapter 27: Noted po
einjie_GF
#9
Chapter 24: Hahahaha Lt naman ate🤣🤣🤣
einjie_GF
#10
Chapter 21: Hahahahahaha ang kiliggg talagaa e