Pahuway

Stories That Will Make U Fly, Sigh and Cry
Please Subscribe to read the full chapter

Ang sama ng gising ko.

 

Mula sa bumagsak ako sa kama kakaikot ko, nabanggang paa sa gilid ng drawer at cold water sa kape ko.

 

"what do you think?" simpleng tanong ng babae sa aking harap.

 

Para akong bumalik sa realidad.

 

Parang, nagising ang diwa mula sa panaginip saka napaiktad.

 

Not sure of what to answer I said "yeah... I like that too"

 

"You like veggies now?" nanlaki yung mata ko when she smirked bago mag raise ng hand para umorder.

 

Now my lunch adds up to my list kung bakit masama ang araw na ito.

 

Pag gising ko, para akong isadang inahon sa tubig, partly because my back hit the floor and it knocked out all the air inside pag bagsak ko and the other...

 

Nakabusangot kong nginangata ang broccoli sa aking bibig.

 

…was a scene where I am with you, umiiyak ako habang yakap at pinatatahan mo.

 

Humalik ka sa noo ko bago lumabas ng pinto. Tapos…

 

Ano nga ulit?

 

Bakit naman kasi ngayong gising na ako, panaginip parin ang iniisip ko?

 

She offered me some lettuce pero bahagya ko lang nilayo ang plato ko. Tinanong niya ako kung may problema daw ba ako.

 

Nahihiya naman akong umiling. Pa cute siyang ngingiti saka sa kanan babaling.

 

"Wala lang... Strange kasi ng dream ko, I almost had a heart attack" impit kong usal matapos malunok ang hindi pa nanguyang mga gulay.

 

Bago siya tumawa ng mahinhin, sabi niya "Halata nga, para kang naglalakad na patay"

 

Nangiti na rin ako. Bakit ba ang irresistible ng mga tawa ng taong 'to?

 

Yung mga ngiti niya? Nakakahawa.

 

Minsan pang manlilisik ang bilugan niyang mata sa tuwing sinusuway ko siya.

 

Nakita niya kasing may tirang carrots sa plato ko. Agad ko naman itong tinusok sabay sabi ng "oo, eto na... See wala ng tira"

 

"Who ba? Nakakita ka ng multo?" smiles on my face slowly, slowly turned into blank line waiting for the answer I, myself can't even fill.

 

I sighed. Sino ka nga ulit?

 

Bakit hindi ko mabura ang simpleng panaginip kahit anong gawin kong pilit?

 

Unti-unti ring naglaho ang mga tawang kanina lang ay pinagsasaluhan pa naming dalawa.

 

Kung bakit naman kasi ngayong gising na ako, iniisip ko parin ang napanaginipan kong tayo.

 

Unti-unting napalitan ng mga nangungusap na tingin at salitang naka amba lang sa hangin.

 

Sumusukat,

 

Naghihintay,

 

Saka ko sasabihing...

 

Nakita kita “naglalakad daw kami ng sabay"

 

Inabot niya lang naman ang kamay ko at magaan itong hinaplos.

 

Kita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala.

 

Kita ko naman ang mga nararamdaman niya sa tuwing tititig siya.

 

Kita ko kung paano niya akong inalagaan nung minsan akong nilagnat nung ako lang mag-isa.

 

"Seul... Malamang ex mo yun" sabi niya bago sa akin ngumiti.

 

Hindi ko makopya ang kayang mga ngiti, masyadong totoo.

 

"Umiiyak daw ako" saglit siyang nahinto, saglit na nakamaang lang sa harap ko.

 

Nakita ko siyang nag-isip, naghahanap ng salitang nasa pagitan ng 'wag mo nalang isipin at tapos na kayo diba? "Kabaliktaran naman ang panaginip"

 

Tumango nalang ako.

 

Sabi nga nila...

 

Sabi rin niya...

 

Sabi mo rin nuon nung minsang kong napanaginipan na maghihiwalay tayong dalawa.

 

"that's the total opposite!" tugon mo pa.

 

Saka ako nangiti "Dreams are no biggie Seul" ngumiti rin siya.

 

Total opposite pala...

 

Talaga lang huh?

 

 

 

 

 

 

Nakilala ko siya nung pareho kaming nangangatog sa kaba.

 

Kung bakit kasi sa interview for university admissions eh kailangan parin na naka pila?

 

"hindi na ata ako makahinga" bulong niya pa nung pumasok na yung nasa unahan niya.

 

Natawa ako, pareho kasi kami ng nararamdaman.

 

Pareho kami ng pagdadaanan.

 

Hanggang sa pareho naman din kaming natapos, parehong kinamayan at nung lumabas ako agad niya akong pinuntahan.

 

"I'll tell you my name if you'll say nakapasa ka"

 

I reach out saka magalang na nakipagkilala "Hi then, I am Seulgi and you are?"

 

Napayakap kami sa isa't-isa, pareho pala kasi kaming nakapasa.

 

"Wendy... I'm Wendy"

 

“Wendy… as in, Darling?” namula siya saka ako mahinang hinampas.

 

“Wendy as in Son… ikaw? Seulgi as in, Pan?”

 

Parang in a snap… alam ko na agad na nakatadhanang magtagpo kami.

 

Sabi ko nalang “eww, mas cute ako kay Peter” habang pinagmasdan siyang ngumiti.

 

 

 

 

 

 

"Bakit di mo pa 'to palitan?" turo niya sa display picture sa account ko.

 

Bakit nga ba? "wala cute lang"

 

Ngumuso siya saka muling nagsalita "hmm, cute ko nga dyan"

 

Sa kanya galing ang palayaw kong panpan.

 

"As in panda?" Umiling lang siya at pacute na pumikit pa "Aanhin ko si Peter Pan kung meron namang Seulgi Pan"

 

Agad ko siyang tiningnan, saka muling bumaling sa screen kung saan nakalahad ang larawan naming dalawa.

 

Ihip ko ang cake na binake niya

 

Akbay ko siya

 

Pareho kaming may icing sa mukha.

 

At kita naman sa larawan na masaya kaming dalawa.

 

"Ginawa pa nating cameraman dito si mama" hirit niya saka bumuhakhak sa kakatawa.

 

Heto nanaman ako, naglalakbay, nawawala, naliligaw nanaman kung saan ang diwa. “Pero thanks sa flowers and efforts nung birthday ko ha?

 

Magaan ko siyang tinanong ng "magagalit ba siya pag nakita niya?"

 

Malutong ang tawa niya bago isara ang phone sa munti niyang palad. "isipin nun agad, tayo na..."

 

Muli akong umakbay at inilapit ang mukha sa kanya "bakit? hindi pa ba?"

 

Humalik siya sa pisngi ko “sabi niya magpakipot daw muna” saka kami sabay na natawa, lugi lang ako kasi yung sa kanya...

 

May bonus na hampas kapag masaya.

 

 

 

 

 

 

Sige, aaminin ko na.

 

Nalilito talaga ako kung saan ako magsisimula.

 

Sa unang araw na nakilala kita?

 

O nung natapos tayong dalawa?

 

Simula palang kasi nung una nandoon na siya.

 

At nanatili siya dito hanggang sa umalis ka.

 

Mas nauna ko siyang nakilala.

 

Mas close kami, mas tight. Mas kumportable, mas masaya.

 

"Pan, should we get this for her?" tanong ni Wendy.

 

Purple baking gloves...

 

Nangiti ako. Last year, pinagbake mo pa si Yeri ng macaroons mo wearing my Christmas gift na baking gloves.

 

Umismid ako "Sinong magreregalo ng ganyan?" sabi ko nalang.

 

Her little nods and tight-lipped smile are less offensive kaysa sa sinabi niyang "tama, ang corny nga as a gift"

 

Dito ko rin nabili yung niregalo ko sayo.

 

Yun na rin pala yung huling regalo ko for you.

 

"Seul?"

 

Akalain mo yun...

 

Nalimutan ko na ang kapeng malamig na sobrang pait ng lasa.

 

Nakain ko rin naman lahat ng gulay sa plato ko kanina.

 

Limot na ng mga daliri sa paa ko ang sakit.

 

Pero hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit...

 

"Seulgi?"

 

Inalis ko ang tingin sa purple na gloves na hawak ko.

 

Dahan-dahang inilipat 'yon sa mukha mo.

 

"Seul... It's been a while."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
calledbypurple
Mature content for my mature age ig??? LOL

Comments

You must be logged in to comment
taenyforever27
#1
Chapter 50: this story of yours... very unique. honestly i will not lie, sobrang hirap for me to read a tagalog fic kahit yung mga naunang chapters/stories before etched nahirapan ako basahin... i skipped some of them pero na hooked ako sa unang chapter pa lang ng etched. its too sad but i guess it is what it is. i hope joohyun in this story will still find her new love. thank you for writing this story. i will also check some of your stories for this series.
architectyoong
#2
Chapter 73: Author, pahiram naman po nitong one shot mo. Hehe
violalagman
#3
Chapter 100: huuuuy omg wtf
seulbunny_ #4
Chapter 24: :(
seulbunny_ #5
Chapter 100: OMGGGG plot twist teh di ko kinaya!!!!
JiHyun12 #6
Pagod ako sa work binasa ko yung Soulmate di ko magets🥺😭😭
k4a6n9g7
#7
Chapter 100: Grabeeee...Sumakit tyan ko, wait...
KaiserKawaii #8
Chapter 100: Wait... what
EggyAko #9
Chapter 24: Un ending ng for her gusto kong magdabog
EggyAko #10
Chapter 100: Shuta