Etched (part 15)
Stories That Will Make U Fly, Sigh and CryMarch 19, 2019
Nagising ka mula sa panaginip na sobrang pamilyar na sayo.
Mga alaalang naganap dalawang taon na ang nakakalipas.
Ang pamilyar na mukha, ang kakaibang ngiti sa isang estranghero.
Mas detalyado bawat galaw.
Mas malinaw bawat ganap
Mas hayagan. Parang totoo... Parang pagbabalik tanaw.
You competed the puzzle, you already know the story behind.
8: 14 am
Don't blame yourself too much
Seulgi loves you so much
She'll do everything for your happiness
She's happy
Wish her peace...
Please don't blame yourself too much Irene.
-pSY
Nalukot man ang sobre, hindi parin magbabago ang mga salitang tanging iniwan ni Joy para sayo.
Wala na siya sa bahay nila. Naka alis na daw dala ang ilang damit at ilan sa mga gamit. Wala ng makapag paliwanag sayo kung paano, bakit at ano. Ni hindi mo maramdaman ang mga paa mo.
Sinulat mong wag siya tumuloy... Sinulat mong mahal mo siya. Sinulat mo kalimutan nalang niya.
Mababasa pa kaya niya?
Huli na ba ang lahat?
Hindi ka makaiyak. Inunahan ka na ng takot. Someone's life depends on what you'll do today.
Kasalanan mo.
Pinaghahampas mo na ang puno.
"Damn you! Seulgi! SEULGI! WAG! Pls... Parang awa mo na. WAG KANG TUMULOY!" hindi mo na alintana kung magkagalos o matuklap ang balat mo sa kamay kakahampas sa puno.
Namamanhid ka na.
Nagdudugo na rin ang ilan...
Bakit di mo manlang nahagkan ang duguan niyang katawan?
"S-"
Dinaanan mo lang.
Sunod sunod na sigok ang kumawala kasabay ng mga hagulgol at pag mamakaawa. Masikip sa dibdib isipin na ikaw ang rason... Kung bakit wala na siya sa mundo mo ngayon.
"s-seul..."
It doesn't make sense how this magical fate of yours let your paths cross. Transcending time, physics and all para iparanas ang ganitong sakit.
Bakit pa kayo nagkilala?
Bakit ko hiniling?
Bakit mo ginawa?
Etched inside your mind, her smile and lovely face covered with blood.
Dito sa lugar na ito nag-ugat ang lahat.
Sana, nakinig ka sa sabi ng mga matatanda.
"May kinuhang buhay ang puno iha, wag ka na magpunta roon"
"Huwag kang maglalagi dun iha"<
Comments